[5] DEAD MEAT= Thea[5]

Start from the beginning
                                    

"at tinanong na rin kita kung nangangain ka ba ng tao, sabi mo naman hindi... kaya... I don't care, taga mo yan sa bato, I will love you forevermore mahal kong prinsesa" Gosh this idiot, can he hear himself? di manlang ba sya nahihiya sa mga salitang binibitawan nya? 

“Basta pag nagkataon... don’t blame me, I warned you” and with that word I left. Pumasok na ko sa loob ng pool area, naghihintay si mommy pati ung kambal, magkasalubong ung kilay nya... and I’m sensing na may nagyari nanaman or should I say may nakita nanaman sya

“Let’s go.” Sabi ni mommy, sabay hatak sa kambal... Confirmed, nakita nya nga si Dad... sino nanamang haliparot ung kasama nun? Ang hirap sa inyong mga babae, hiwalay na nga kayo, napaka territorial nyo pa rin.

Tandaan ang mga lalake, parang branded na gamit lang yan, na kapag itinapon mo, pilit pa rin pagtyatyagaan ng makakapulot... kase daw sa panahon ngayon... Uso mag recycle, or kaya naman ung mga segunda mano... Cheap

Nagdrive ng tahimik si mommy, pabalik balik ung tingin nya dun sa phone nya. Naghihintay nanaman siguro ng balita galing sa private investigator na hi-nire nya right after mag file sya ng legal separation kay Dad... ayaw nya ng annulment, sabi nya kase, Yun lang daw ang tanging paraan para hindi maging tuluyang Masaya si Dad kasama nung kerida nyang halos kasing edad ko lang.

Nang makarating kami sa bahay, dumeretso kaagad ako sa kwarto ko, nagpalit ng damit at syempre umupo sa harap ng Laptop ko, Inactivate ko ung facebook at twitter account, since nakabalik na rin naman ako... May Thea na si Noah, wala ng dahilan para mag tago ako...

Ilang minute pa lang ang nakakalipas ng biglang may notif na kaagad ako...

Nag Post si Jarred sa Wall nya... at tinag pa ko ng loko! Oh my god

“She finally said yes, after a year of wooing her... God, I love this girl! I love you Ryll Fernandez. You just made me the happiest man alive”

Shet shet shet. I immediately reported him, blinock ko kaagad, tas inunfriend pa! Oh my freakin life! I am so dead. Bigla nalang may kumatok at buksan ung pinto...

“Mom, please I can explain, yung kaklase ko may tililing yun, I swear hindi ko alam kung anong pumasok sa utak nya at ti-nag nya ko dun , I swear hindi ko sya boyfriend.” Okay, medyo defensive’

“What do you mean boyfriend?” Shet! So ibig sabihin di sya pumunta sa kwarto ko para dun? Oh crap! Double crap, masyado akong halata, bistado tuloy ako.

“A-ano nga palang kailangan mo ma?” change topic, change topic! Tinasan nya ko ng kilay... okay... she’s getting more suspicious.

“Well then, sorry nga pala sa attitude ko kanina... ung dad mo kase, nakita ko kanina nung on the way ako papuntang school... You know the usual” Tumango tango nalang ako sa sinabi ni mommy saakin

“Its okay ma... I know that feel. I mean, nakita ko nga pala si Noah kanina... “ Ang alam kase ni mommy... Kami pa rin ni Noah hanggang ngayon, she doesn’t know the whole thing...

“Oh? Anong ginawa mo? Nag-skandalo ka? Sinampal mo ba?” Napanganga nalang ako... At pano nga pala nalaman ni mommy?

“De joke lang, sige na, I’ll prepare dinner, and oh by the way... Ininvite ko nga pala si Vince na mag dinner kasabay natin, byee~”

Kahit sino... wag lang ung tingting na Vince, masyado na syang naiinlove sakin, tsk tsk... Sinabihan ko na naman sya na wag na wag didikit sakin... Yan tuloy lumala...

Yan tayo ee... Pinagbawalan na nga go pa rin ng go... Globe lang ang Peg?

Noah and other thingsWhere stories live. Discover now