"Pa?!" tawag ko naman sa Papa ko.

Ano 'to?!

Tumayo si Papa kaya tumayo na rin si Doc. "Demi, anak."

"Ano 'to, Pa?" Kabit ba ni Papa si Doc? Tangina?!

"Hindi ko inakalang may anak si Derelane!" ani Doc. Napailing siyang nakangiti. "Bakit ba hindi ko naisip na tanungin kung sinong magulang mo dati?"

Kinunotan ko siya ng noo. Kaano-ano ba siya ni Mama? Bestfriend niya ba? Or ex siya ni Papa? Or kabit talaga? Hay. Ano ba 'to!

Tumingin ako kay Papa. "Pa?" tanong ko pa.

"Sana pala sumama na lang ako na ihatid ka noon, e 'di sana that time nalaman kong ikaw pala 'yung matagal ko ng hinahanap na pamangkin," sabi pa ni Doc.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pamangkin?! Tangina?! Pa'no nangyari iyon?!

"Siya si Auntie Dermia mo. Kapatid ng Mama mo," sabi pa ni Papa.

Jusko! Minahal ko pa naman si Audrey tapos malalaman ko lang palang pinsan ko siya?! Tangina?!

Hindi ako makapagsalita. Tangina. Shocked na shocked ako sa nalaman ko. Ito ba naman ang ibungad sa akin sa unang oras ko sa araw na 'to?! Paniguradong mababaliw ako kakaisip niyan buong araw. Partida pa 'yan at hindi pa ako nakakapag-almusal!

Napakamot na lang ako sa batok ko. Marami akong gustong sabihin kaso pinapangunahan ako ng kaba! Bigla akong nahiya kay Doc. Hindi ko rin alam kung bakit, kaya nagpaalam na lang muna akong kusina para mag-umagahan. Pagdating ko sa kusina, nandoon si tiyang pati mga tiyo ko.

"Gulat ka no?" sinimangutan ko lang si tiyong Dong sa tanong niya.

Umupo ako sa tapat ni tiyong Carlos. "Matagal niyo na bang alam?" tanong ko sa kanila habang naglalagay ng kanin sa plato.

"Simula no'ng na-ospital ka," sagot naman ni tiyong Dong.

"Huh? Kailan 'yun?"

"'Yun ngang unang na-ospital ka. 'Yun."

Napaisip naman ako. Ibig sabihin, 6 months ago pa nilang alam? Wala namang issue ro'n. Ang akin lang, bakit ngayon ko lang nalaman? I mean, wala naman talaga akong paki. Pero bakit ba naparito si Doc? Imposible namang pumunta siya rito para lang sabibing pamangkin niya ako at Auntie ko siya?

"Pagkatapos mo diyang kumain, kausapin mo na 'yung kapatid ng Mama mo. May kailangan kang malaman. Importanteng-importante," gulat akong napatingin kay Tiyang nang magsalita siya sa seryosong tono—iyon bang pa-luha na siya?

Magtatanong pa sana ako kaso mabilis siyang umalis sa kusina. Binigyan ko naman ng nagtatakang tingin si Tiyong Carlos. Tinuro niya lang iyong gawing sala. "Huwag kang pasaway. Kailangan mo 'yun malaman," aniya.

"Ano ba kasi 'yon? Alam niyo naman din, e. Kayo na lang magsabi," sabi ko pa.

"Huwag na nga raw kasing magpasaway, Demay! Makinig ka na lang kasi," saybit pa ni Tiyong Dong.

Binilisan ko na lang ang pag-kain ko. Pagkatapos, sinunod ko na iyong sinabi ni Tiyang. Umupo ako sa isang sofa malapit kay Doc. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko rin alam kung para sa'n ba 'tong kaba na 'to dahil sobrang lakas talaga ng bawat hampas ng puso ko.

"Bukod sa—bukod po sa paghahanap niyo sa 'kin. Bakit po kayo naparito?" tanong ko.

Nakita ko kung gaano kabigat ang pagbuntong-hininga ni Papa. Malungkot rin na ngumiti si Doc sa akin. Kinuha niya iyong kamay ko na nakapatong sa lap ko. "Demilane, hija... hindi ko talaga alam na may anak si Derelane... six months ago, nagkita kami ng Papa mo sa hospital, doon ko nalaman," ika niya. Totoo nga iyong sinabi ni Tiyong Dong. Six months ago, unang pagkabugbog ko dahil kay Jeric. "'Yung time kasi na 'yon, namatay—"

"Dermia, hayaan mo akong magsabi sa kanya niyon," putol ni Papa kay Doc. Mas lalo akong kinabahan.

"N-Namatay si M-Mama? P-Patay na si Mama?!" Napatayo ako. "Paano nangyari 'yon?!"

Tumayo na rin si Doc at Papa. "Pa, alam mo?! Bakit hindi mo sinabi?!"

"Anak—"

"Ano?! Kailangan pa bang umabot ng anim na buwan para malaman ko?! Pa! Nanay ko 'yon! Wala ba akong karapatang malaman?! Bakit niyo tinago?!"

"Huminahon ka muna, Demi. Magkinig ka," sagot pa ni Papa.

Pinahid ko iyong luha kong nagsimula nang tumulo. Kaya ba hindi na siya nagpaparamdam? Buong akala ko, busy lang siya sa abroad! Patay na pala siya no'n! Tapos hindi man lang sinabi sa akin ni Papa! Maiintindihan ko naman kung sinabi niya agad pero bakit kailangan pang itago?

"Hindi alam ng Auntie Dermia mo na nabubuhay ka ngayon sa mundo dahil itinago kita—itinago ka namin ni Derelane..." ika ni Papa. Nanatili akong nakinig. 'Kita mo, ultimo pagkabuhay ko sa mundo, tinago nila. Ano bang meron? Bakit?

"B-Bakit niyo ako tinago?"

"Lumaki ka sa akin... hindi ako papayag na kukunin ka ng Lola mo sa 'kin..." tumulo na naman ng luha ko nang sabihin iyon ni Papa.

"A-Ano bang meron kay L-Lola? Malaki na ako, Pa. 17 na ako. Bakit niyo tinago? M-Maiintidihan ko naman 'yun, e..."

"Ilalayo ka niya sa akin... isasama ka niya sa China," ani Papa. China? Doon din nagtatrabaho si Mama.

"B-Bakit nga, Pa? D-Doon naman nagta-trabaho si Mama, 'di ba?"

"Demilane, may business kasi kami do'n... Mama mo 'yung nagha-handle no'n since ayaw 'yun ni Mama... hindi rin naman ako pwede dahil may trabaho ako dito sa Pinas. Prone to bankruptcy na 'yung kompanya... ayaw siyang tulungan ni Mama kaya... na-depress 'yung mama mo... nagpakamatay..." sabi pa ni Doc.

Napaupo ako. Napasabunot ako sa sarili kong buhok. Tangina, hindi ko alam kung magagalit ba ako o malulungkot. "B-Bakit tinago nila sa akin 'to? B-Bakit nagpakamatay si Mama? H-Hindi niya ba ako naisip? T-Tayo?"

Malungkot na ngumiti si Doc. "Tanging si Derelane lang ang nakakaalam no'n, Demi. Hindi ko na alam kung bakit niya nagawa 'yon. Nalulungkot rin kaming mga kapatid niya."

Napailing ako.

"N-Nandito ba si Pinas 'yung Lola ko?"

Tumango si Doc. "Oo, hinahanap ka rin niya."

"W-Wala naman sigurong mali kapag nakilala ako ni Lola... lola ko naman 'yun... Bakit niyo ako tinatago?"

"Ayaw kitang ibigay, Demi. Gano'n din ang gagawin niya sa 'yo! Hinahanap ka niya dahil walang humahawak sa kompanya ng Mama mo ngayon. Simula noong malaman kong namatay ang Mama mo dahil do'n. Itinago na kita!" galit na sagot ni Papa. "Lalo na't anak kita, anak lang kita."

Naguluhan ako sa huling sinabi ni Papa. Anak lang kita? Ano bang ibig sabihin no'n?

"P-Pa?" curious na tanong ko. Napatingin din ako kay Doc. Pati siya naguluhan din. So... iyong buong buhay ko, puro sikreto?

"Hindi ka tunay na anak ng Mama mo... ako lang 'yung kadugo mo..." sabi pa ni Papa. Napatayo ako dahil doon. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko. Anytime pwede na akong matumba. "Hindi ka kilala ng pamilya ng Mama mo dahil nagtago kami, dahil hindi ako tanggap ng Lola mo 'pagka't may anak na ako... 'yung tunay mong ina ay namatay sa pagkaka-anak sa 'yo... nagkakilala kami ni Derelane... hindi kami nagkaanak... pero kuntento na siya sa 'yo... sinubukan akong ipakilala ng Mama mo sa Lola mo ngunit hindi niya ako tinanggap, bukod sa nandiyan ka na... mahirap lang akong tao..."

Mas lalo akong nanghina sa mga nalaman ko. "K-Kung gayon, b-bakit niya pa ako hinahanap kung ayaw niya naman pala sa akin?"

"Dahil masakit sa 'kin ang hanapin ka niya pagkatapos ka niyang itaboy," ani Papa. "Ni hindi ako pumayag na makakuha ka ng kahit na anong malaking halaga mula kay Derelane."

Napatingin ako kay Doc nang magsalita siya. "Hindi ko alam na ganito pala ang dinanas ni Derelane..."

Dahil hindi ko na kaya. Umakyat na ako sa kwarto ko. Mabuti na lang at walang may sumunod. Naiintindihan siguro nila ako. Hindi ko talaga inaasahang mangyari 'to. Masyadong maraming nangyari. Sobrang bilis. My whole life was a lie.

Titibo-tibo (COMPLETED)Where stories live. Discover now