"Really??" Reklamo ko nang wala na akong nakuhang gummy.

I closed the magazine and crumpled the empty plastic of my gummies. Sobrang bitin, parang hindi naman ako nakakain. I'm tempted to open another one pero pinigilan ko nalang ang aking sarili at natulog na lamang. Better to be safe than die from sweets overdose.

Kinabukasan ay naghanda kaagad ako para pumunta sa bahay nila Ate Hope. Sometimes on a weekend kapag walang ginagawa, usually on Sundays ay naka-ugalian ko na ang dumalaw sa kanilang bahay lalo na ngayon na may nilalaro na akong baby.

The gate opened as I arrived at ipinasok ko ang aking sasakyan papunta sa garahe. Sinalubong at binati naman ako ng kanilang guard pagbaba ko ng aking kotse.

Noong una ay nagulat pa ako na may bigla nalang umaaligid na mga tao sa akin, pero makalipas ang ilang buwan ay nasanay na rin ako sa kanila everytime I go here or meet Ate somewhere.

Kuya Lorenzo also offered me to have a bodyguard pero tinanggihan ko. Maganda naman ang security sa condo and I'm always keeping a low profile. Hindi naman din ako madalas lumabas and I love my privacy, hindi ko na kailangan ng bodyguard.

Lagi naman namin na nakakausap ni Ate Hope si Ate Serene online at napag-usapan namin ni Ate Hope ang sorpresang sinasabi niya sa amin na malapit ng dumating. She doesn't want to give any clues pero pareho ang hula namin ni Ate Hope.

"Babalik na talaga siya."

I nodded my head in agreement. Wala naman ng iba pang nakakasorpresa kung hindi ang pagbabalik niya. Everyone misses her already and I'm excited na mayroon na uli akong makakasama sa condo, hindi na ako mag-iisa at malulungkot.

"Who will be back?"

Singit na tanong ni Kuya Lorenzo habang papalapit sa amin sa living room buhat si baby Laurence.

"Secret." Sabay namin na sagot ni Ate sabay tawa namin pagkatapos.

Maghapon din akong nagtagal sa kanilang bahay at umuwi pagkatapos magdinner sa kanila. It wasn't long before I fell asleep.

At work, I started planning again for a team building. We have done this last year before the opening of my publishing company and now that we are growing and that there are new employees, with the addition of stress from the last magazine issue that we published, I believe it's time for another team building.

Team building events are a must. Whatever your company and no matter how big or small, your business will be more productive when your team is happy.

Nagpatulong ako kay Lloyd na maghanap ng lugar na pwede naming puntahan that is best for this kind of events. Yung may malaking space that can accommodate us all, has a lot of activities offered, and has good facilities.

"Why not do it at Aston?" He suggested.

Aston is a very good place but for me, it isn't fit for a team building activity. It's more for relaxation and.... alone time? I don't know, but one thing I'm sure is that it's not in the options. Baka magyaya pa silang mag-bar at mag-casino nalang kapag doon kami nagpunta.

I've searched resorts in the internet and list all places that I find fit for our event. I'll make a booking once I have already scouted the places. Madalas kasi ay maganda lang sa picture at iba naman ang itsura sa personal.

Nagpasama ako kay Lloyd on the weekend going to the resorts that i've listed. Kotse ko na ang dinala ko as I feel safe driving it lalo na sa mga long distance travel at mas komportable ako rito.

Halos lahat naman ay sa Batangas kaya pinili ko na roon na lamang. Hindi rin ganoon kalayo sa Maynila so I can just rent a bus for everyone.

We've been to 4 different resorts pero wala pa rin akong napipili. Nakuha ko ng magreklamo kay Lloyd dahil sa init at gutom kakalakad.

Timid Heart (Eligible Heiress #3)Where stories live. Discover now