Bago ako magsalita may humintong lalaki sa harap namin na nakamotor. Naka shorts, tsinelas, white t-shirt na may suot din na jacket, at may mask sa bibig.


"Sino yan charity?" tanong ko.


"Ewan? Baka dayo lang dito sa subdivision namin." sagot niya dahil hindi niya rin alam kung sino ito.


Ilang minuto na ang nakalipas pero nasa harap parin namin ang lalaking naka-motor. Kaya naisipan ko nalang na tanungin ulit si Charity. Baka may hinihintay o may hinahanap lang ito.


"Ahh, sige mabalik tayo sa tanong ko. You mean gusto mo na siya? Kasi naiirita ka na." Parang gusto kong tumili dahil naiinlove din pala 'tong bruhang ito. Akala ko pusong bato na eh.


"Siguro? Pero huli na rin nung ma-realiaze ko ata na gusto ko siya. Wala eh may jowa na." Yumuko na naman siya. Hinaplos ko nalang yung likod niya.


"Okay lang yan, magbe-break din sila." sinabayan ko ng tawa ata tumawa din siya.


"Sus, ikaw nga taken na eh."


"Ha? Ako?" Pagtataka ko, bakit ako? Bakit sakin na naamn napunta yung usapan.


"Oo, hindi ba obvious na gusto ka ni Lulu?" Tuwmawa siya.


Huh? Ako gusto no'n? Napaka imposible naman ata no'n.


"Hay nako, ewan ko sayo. Okay ka naman pala eh."


Pagharap namin wala na yung lalaking nakamotor. Kaya nagkatinginan kami.


"Lah?" Sabay naming sabi. "Kanina andito lang yun ha?"


"Oo nga?" Sagot niya sakin.


"Ay bahala na siya. Uwi na rin ako ha? Babyeee Misis Bonavich HAHAHAHA"


"Babye din misis ni Lulu. Ingat ka ha?" tumawa siya.


-


Cerise Kang's Messenger

HAkDogNisM

Cerise

Yooww, di pa kayo tulog?

Lulu

di pa, kamusta pagpunta sa bahay nila taeyeonie?

Cerise

Ayun di siya masyadong okay :((

Fake WorldWhere stories live. Discover now