Chapter 16: new friends

Start from the beginning
                                    

pero wait lang ah? Maureen reyes. Si maureen nasa monsay? ibig sabihin lagi na silang mag kakasama ni miggy. teka bakit ba ko nagseselos? eh best friend niya lang naman yun eh. tama may tiwala ako kay miggy.

"sige mag start na tayo sa discussion natin.."

Nagturo na tong si Mr. vicente na napaka arti. siguro nakaka isang oras na siyang nag tuturo tapos biglang bumukas yung pinto.

"hi sir sorry im a bit late" isang gwapong nilala yung hingal na hingal na dumating. matangkad siya, moreno at shet ang macho niya. brown eyes siya tska maganda yung mga labi niya. gwapo siya pero mas gwapo pa din si miggy. buahaha.

"it's okey dante, sige umupo ka na. kakasimula lang naman namin eh" nag papa cute pa siya habang sinasabi niya yun dun sa dante na yun. feeling ko may gusto siya dun eh. paano ba naman? halos matatapos na yung klase niya tapos sasabihin niya kakasimula pa lang. haliparot!

"hoy dante bakit late ka na naman ah?" umupo si dante sa tabi ni alyssa.

"nag dota ako dre eh" nag hihikab pa siya habang sinasabi niya yun samin, inaantok pa ata to eh. naalala ko tuloy yung unang araw na nagkita kami ni miggy. puyat din siya nun dahil sa dota.

"loko ka talaga! nga pala si cristin, siya yung pumalit kay maureen" tinignan ako ni dante, nakakatunaw naman siya tumingin. grabe para kong matutunaw tapos ang ganda pa ng mata niya, brown na brown.

"siya ba yung pumalit sa kapatid ko? ang pangit niya." WOW AH! AS IN WOW. ako panget? ang kapal naman niya nuh. amp hindi ako panget! >___< tska kaparit niya pala si maureen. what a life! ang liit ng mundo!

"gagu ka talaga dante, wag mo ngang pairalin pagiging trashtalker mo, hindi lahat ng maganda kabiruan mo, di ba tin?" tumawa lang si alyssa tapos ngumiti na lang ako. alam mo yung na asar? ako yun eh.

"haha! mas maganda pa si ate sakanya eh." sus mas maganda daw? eh di siya na maganda, siya na talaga! hays badtrip sumama ata yung pakiramdam ko. gusto ko na umuwi eh!

"tin pag pasensyahan mo na lang yan ah, ganyan talaga yan eh."

"ah hindi okey lang." okey? hindi yun okey. pasalamat ka wala ako sa teritoryo ko, kundi baka hindi ka na abutan ng sikat ng araw! haha echos.

nung nag break na, may pupuntahan lang si alyssa kaya ako eto naiwan mag isa. huhu ang loner ko naman! pumunta na lang ako dun sa may malaking puno sa likod ng school. buti na lang hindi masyado nakakalito yung school na to.

"hoy flat!" flat? isa lang yung tumatawag sakin nun ah. si miggy. biglang lumawak yung ngiti ko mukha ko, pag kalingon ko...

"DANTE?!"

"oh bakit parang gulat na gulag ka?" malamang akala ko si miggy na eh, lintek ikaw lang pala. huhu asyumera ko naman. bakit ako pupuntahan nun dito? hays eh gusto daw niya mapag isa.

"isa lang kasi yung tumatawag sakin niyan, tska bakit flat yung tawag mo sakin ah?" tumawa siya ng malakas. luuuh? adik din pala to eh parang si alyssa.

I'm in Love with a DOTA Player (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now