“You’re over reacting! Malamang okay lang! Edi sana pag gising mo pa lang umiiyak na kami diba? Ewan ko ba naman kasi sa’yo! Nung nagpaulan ng katangahan sa mundo, aba naka jackpot ka! 99.9 percent ang nakuha mo!” Bakit ba laging nakasigaw si Tiffany? Nakakairita!

“Pwede ba? Don’t shout at me! Hindi ako bingi! Mabuti pa umalis kayong dalawa at ibili niyo ako ng pagkain!”

“Let’s wait for the doctor first.” Simpleng sabi ni Veronica.

Moments later, the doctor came and SHE checked me, by the way siya yung gynecologist ko. Siya yung nag check sa akin noong naospital din ako. Sabi niya pwede na daw akong kumain pero soup lang. Bawal daw muna yung mabibigat sa tiyan. Sayang. I wanna eat bon chon’s chicken pa naman.

“Nasan si Harris?” I asked tiffany and Veronica after I finished my soup.

“Pinatawag sa office.” Veronica said.

“Now, can you tell us who did this to you? You almost die Scarlett. Kung walang dumaan sa parking lot na iyon baka patay ka na ngayon.” I’m not really used to Veronica being so serious like this. Maybe, seryoso talaga yung injuries na natamo ko.

Napansin ko ngang puno ng pasa ang katawan ko. Even my face, now I know kung bakit hindi ko maidilat ng maayos ang kaliwang mata ko. Namamaga kasi iyon at nagkukulay violet na. Yung gilid ng labi ko ay may pasa at putok din ang ibabang labi ko. Nalaman ko din na, namamaga yung isang tadyang ko. Inangat ng doktor kanina ang hospital gown ko kaya’t kitang kitako ang isang napakalaking pasa sa ibaba ng dibdib ko. Maging ang mga hita ko ay may mga pasa. Ang mga braso at leeg ko ay maraming sugat at kalmot. I know. I’m really ugly right now. I wonder kung alam na ni Alexander ang nangyari sakin. Shoot! Why am I even thinking about him?

“Ugh. Ang boring naman. Veronica, can you turn on the t.v.?” Tiffany said.

“Aryt.”

Saktong pag bukas ng television, news flash ang nag e air.

“Presidente at CEO ng Giant Castle Mall,nabugbog.” Yan ang nakalagay sa screen habang nag rereport ang isang babaeng newscaster. Eto talaga ang mahirap kapag sikat ka, bawat galaw mo may nakatingin sa’yo. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang secretary ko para sabihin sila na ang bahayla sa lahat. Kaloka naman kase!

“Nako girl. Sorry, dapat pala tinawagan ko yung friend ni Papa para hindi na kumalat sa Media ang nangyari.” Sabi ni Veronica.

“It’s okay. Andyan nay an eh. Wala nang magagawa.”

DAYS PASSED at pagkatapos ng tatlong araw na pamamalagi ko sa Ospital ay nakalabas na din ako. Dapat talaga isang linggo pa ako dito. Pero pinilit ko ang doctor na sa bahay na lang ako magpapahinga. Isa pa, wala na naman akong ibang masakit na nararamdaman maliban sa sakit ng pasa ko at mga sugat ko. Masakit pa din talaga ang katawan ko pero kaya ko na talaga. Nakakahiya nga lang kasi kitang kita yung mga galos ko sa mukha at braso. Kaya napag pasyahan kong gabi na lang lumabas ng ospital.

“Salamat sa paghatid Harris. Okay na ako.” I said smiling.

“Are you sure?”

“Oo naman. Saka may mga pinadala ng guards si Daddy sa baba.”

“Sige. Call me if you need anything okay?”

“Okay.” I said.

Nang malaman ng dad ko ang nangyari sa akin, ay gustong gusto na niyang umuwi. Pero, pinigilan ko sila ni mom, dahil naka book na naman ang flight ko papunta sa Philadelphia bukas ng tanghali. I asked my doctor kung okay at safe ban a bumiyahe ako. Pinayagan naman niya ako since maganda talga yung mga results ng mga exams na isinagawa sakin.

Hinatid ko si Harris sa elevator bago ako pumasok sa unit ko. Pero bago pa man ako makapasok, I heard a woman crying. Oh gosh. Please. I don’t believe in ghosts pero mukhang maniniwala na ako ngayon.

“Hello? Is anybody there?” Sigaw ko sa hallway. Wala naman kasing ibang tao at limang pinto lang ang nandito sa floor na ‘to.

Sinundan ko ang tunog ng iyak at dinala ako noon sa hagdanan sa gilid. There I saw a woman crying.

“Miss? Are you okay?”

Nag angat siya ng mukha and I was surprised to see her. Familiar ang mukha niya pero nagkalat ang make up sa mukha niya.

“Sorry… I’m okay.” Sabi niya.

“You can tell me.” Bahala na kung isipin niyang feeling close ako. Eh kawawa naman siya eh..

Akala ko iisnabin ako. Pero hindi, nag kwento nga ang gaga. Hindi daw kasi siya mahal ng asawa niya. Arranged Marriage eh. Pinakalasan lang siya dahil nabuntis siya. Minsan talaga, may mga taong pinagkakaitan ng kasiyahan… Like me.

“It’s okay. I know that feeling. Yung nagmamahal ka ng sobra. Sa sobrang pagmamahal mo, pakiramdam mo hindi ka na makahinga? Hanggang sa hindi mo nararamdaman, nahuhulog ka na pala ng sobra sobra. At the end, masasaktan ka kasi, yung taong mahal na mahal mo ay hindi naman pala para sa’yo. And you have no choice but to move on… Pero pano mo gagawin ‘yon? Kung may binuo ka nang pangarap na siya ang kasama mo?” I said.

Hay. Life, bakit kaylangang maging hard ka sakin? Is it because I’m a bad person?

I AM fixing some stuff nang makita ko ang isang box na matagal ko nang hindi nakikita. Dito nakalagay ang lahat ng memories namin ni Lucia. I opened the box and then I saw a letter. Goodness Gracious! I forgot! Bilin ni Lucia noon na ibigay ko ito kay Alexander sa 5th  death anniversary niya which is my birthday too. I was so happy that day kaya nakalimutan ko na dapat kong ibigay ‘to sa kanya.

Tinapos ko muna ang pagliligpit ng mga damit ko bago ako lumabas. 12 am na, sigurado akong tulog na si Alexander. Iiwan ko lang itong sulat sa lamesa niya sigurado akong makikita niya ito. Nang papsok na sana ako sa dining room, nagulat ako dahil may narinig akong nagsara ng refrigerator. Sh!t , he’s still awake!

Lalabas n asana ako pero huli na ang lahat nakita na niya ako… Napayuko na lang ako dahil na conscious ako. Hello! Ang panget ko kaya! Naka sando at short pa naman ako! Kitang kita mga galos ko!

“What’s that?” He asked. And I know he’s not happy to see me.



The Unwanted WomanWhere stories live. Discover now