Nang sulyapan ako ni Horace ay pinandilatan ko siya.

Horace chuckled and shrugged. "Nilili—"

Sinipa ko ang paa niya na malapit sa akin, walang nakakapansin. Suminghap siya at matalim ang baling sa akin pero mas matalim ang tingin ko kaya siya ang unang kumalas at lumambot saka bumuntong hininga, walang balak sumagot kaya ako na ang nagsalita.

"Dito lang." malamig kong sinabi kay Lydia.

That earned her a smile. "Great! Wanna join us? Or may table kayo na puwede akong sumama?"

"Lydia!" sita agad ni Nikka. "Upo na."

"I'm not a dog!" ani Lydia.

Carly rolled her eyes. "You're not a dog pero susunod ka sa kanya? Parang amo, ah!"

Hindi ko napigilan ang matawa kaya uminom agad ako ng isa pang shot. Mukhang nairita ng husto si Lydia, namula lalo ang mukha. Morena siya kaya nangitim pala lalo dahil sa hiya.

"This is a party place, I can go wherever with some guests!"

Naramdaman ko ang paglapit ni Horace sa gilid ko, muli niyang hinagod ang likuran ko kaya gumalaw ako para paalisin iyon. Ngumuso siya at bumusangot kalaunan.

"I should get going now, the night is still young. Enjoy here." paalam ni Horace sa friendly tone.

You really should before you and Lydia go out and screw each other!

"Puwede bang sumama?" Lydia said.

Napangiwi ako roon pero sinawalang bahala ko na lang.

Napahimas si Horace sa kanyang batok at sumulyap sa akin, tinanguan ko lang. Wala namang problema, at least mawawalan ako ng iritasyon dito sa table namin. Paniguradong sasaya lalo si Lydia roon, palilibutan siya ng mga guwapong kaibigan ni Horace.

"Jusko, Lydia! Lasing ka na yata, maupo ka na lang." ani Nikka.

Lydia hooked her arm around Horace right arm, mas lalong sumiklab ang iritasyon ko kaya muli akong lumagok ng shot pero naagaw na agad ni Horace.

"I'll just take a shot, then." aniya kay Lydia. "I'm afraid to bring you, our table is for men tonight."

Lydia sadly sighed. "Awe, ayos lang naman."

Hinila na ni Nikka si Lydia at pinaupo, nagpupumiglas pa iyon pero binulungan na nila Erwin. Hindi ko alam kung ano iyon pero namilog ang mga mata ni Lydia, natanto ko lang nang makita ko na si Colton na prenteng nakisali sa aming table. Agad siyang binati nila Josh at Erwin, nawala roon ang tingin ko nang bahagyang yumuko si Horace sa gilid ko.

"Eyes on your phone, we'll text." may bakas ng inis niyang sinabi bago nagpaalam sa mga kaibigan ko gamit lamang ang tango.

Tahimik siyang umalis doon, my eyes followed him while walking towards their table. Ngayon ko lang napansin na nakikita pala iyon mula rito, mas madilim nga lang na parte dahil malayo mula sa dance floor. Naupo siya roon, ang mga mata ay hindi ko masyadong maaninag pero nang tamaan ng strobe lights ay nakatuko rito sa aming gawi iyon.

Suminghap ako at tumingin na sa mga kaibigan, Colton's eyes were on me already. He looks so fresh in white polo shirt and black pants, hindi ako makangiti. Kahit kausap siya nila Erwin ay nasa akin pa rin ang mga mata, imbes na punahin pa iyon ay naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko sa aking hita.

Of course, it's Horace.

Horace: Is it required to play staring game? I can play that, you don't need to play with him.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon