"Hi, teachers! Good afternoon, hope you had a good day teaching people even though some students aren't always that responsible!" maligaya niyang sambit at bahagyang nag-bow.

Nalaglag ang panga nila Carly habang nakatitig sa bata, Josh was smiling cutely while watching Capriana.

"C-Capriana." sambit ko, natutuwa at nakangiti na.

She winked and clicked her tongue cutely.

"Ih! I'm so kilig! I feel famous!" she giggled.

Umawang ang labi ko at inangat ang tingin para maghanap ng kasama niya, tumuro na si Capriana sa labas ng gate. Nasa hamba pa lang kami ng gate papalabas.

"I came from the outside! There's Tito Horace, talking with two security guards of this school."

"Ma'am Lovice!" Bhaltie called from the crowd of highschool students, pinalilibutan siya ng tatlong estudyanteng babae at parang cute na cute sa kanya. Kumaway siya at iritadong kumamot sa ulo, pawisan na ang kanyang noo at leeg habang namumula ang pisngi.

"Oh my gold! He's so sweaty! Baka iba na ang amoy ng kapatid ko, so please take care of your nostrils!" ani Capriana.

Halos manggigil si Carly at Nikka habang pigil ang hagikgik at nakatingin kay Capriana.

"She's so cute!" sambit ni Nikka, halos kurutin sa hangin si Capriana. "Puwede bang hawakan 'yan?"

"Student mo, Twillain?" si Josh, tuwang-tuwa rin.

Ngumiti ako at tumango, my heart is still in a surprise stand. Lumakad si Capriana patungo kay Bhaltie at nandidiri niyang hinila sa uniporme iyon habang nagtatakip ng ilong niya at ngumingiwi. Bhaltie howled in irritation and pushed her softly.

"Maarte ka!" Bhaltie hissed. "Don't touch me if you think I'm mabaho! Inieysip mow lang 'yan or you just have a bad nostrils!"

Capriana rolled her eyes and smiled sweetly. I can't believe they are this adorable more in personal! Parehas mestiza at mestizo ang mga kutis, magkamukha pero mas soft ang features ni Capriana dahil pambabae at mas matangkad si Bhaltie ng konti.

"Grabe! Ang cute nila!" halakhak ni Josh at hindi na nakapagpigil lapitan ang dalawang bata para kausapin. Mabilis sumunod si Carly roon.

Nakita ko na si Horace na naglalakad habang kunot ang noo sa sikat ng araw na kumakalaban sa malambot na mga ulap sa itaas. Kung ano ang nilambot at niliwanag noon ay siyang tinigas at dilim ng ekspresyon ni Horace kahit pa maaliwalas naman ang aura. I don't know, I just really find him so dark and mysterious with his pair of Delphic eyes. Pasimple akong suminghap nang lumapit siya sa mga pamangkin, Capriana was giggling as she jumped on Horace and he carried her up in one arm.

"I found her with a guy, I don't know who but is it allowed to have a boyfriend while studying as teacher?"

Namilog ang mga mata ko sa pinatutungkulan ni Capriana, mabilis ang pagtatama ng tingin namin ni Horace nang nginuso ako ni Capriana. Colton was watching Carly and Josh while talking with Bhaltie, mukhang aliw rin sa mga bata pero nang makita si Horace ay nagbago ang timpla ng kunot sa noo niya. Imbes na sa sikat lang sana ng araw ay napatungan pa ng pagtataka sa presensya ni Horace.

Lumapit na ako banda kila Carly, Bhaltie smiled widely at me as he looked up.

"Hello, binibeybing Lovice! Magayndang tanghayli pow!"

"Oh my God!" Nikka shrieked in adorable way.

I can't help but giggle unconsciously, hinawakan ko siya sa balikat at kinurot sa pisngi. Carly was smiling, parang maiiyak na sa panggigigil. Nagulat ako nang kurutin niya ang pisngi ni Bhaltie sa sobrang gigil ay napangiwi at umungot ito.

Villareal #6: Mundane TwilightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon