Nakatitig lang ito sa pinto ng banyo ng bigla itong bumukas. Nagulat pa ang babaeng galing sa banyo ng makita syang tulala na nakatingin sa pinto na pinanggalingan nya.

"Gising kana pala" bigkas na lang ni Deanna habang nakangiti. Pagkatapos nitong makabawi sa pagka gulat.

Tango lang ang ibinigay na sagot ng dalaga.

"Bangon kana breakfast na tayo" sambit ulit ng dalaga.

Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay tango lang ulit ang sagot nito.

"I'm hungry, pwede ba lutuan mo ako? " paglalabing nito at nag pout pa sa harap ni Jema.

Nakatulala lang ako kay Deanna habang nag papacute ito saakin. Nako love wag naman ganyan. Nahihirapan ako mag pigil kapag ganyan ka saakin. Alam mo naman yang pag lalambing mo na yan ang kahinaan ko. Lagi mo akong pinapahirapan. Hay nako Wong sana last mo na yan.

Natulala naman ang babaeng nakahiga sa ginawa ni Deanna. Ganito kasi ito mag lambing sakanya noon. Hindi sya nito titigilan hanggat hindi sila sabay na babangong dalawa. Gustong gusto nito na nilulutuan sya ni Jema ng breakfast kahit pa nga kasama pa nila noon si nanay Helen sa bahay.

"O-okay s-susunod ako" nauutal na sambit ni Jema.

Ngumiti naman si Deanna, tugon sa sinabi ni Jema sakanya.

"Sunod ka kaagad sa baba ah" nakangiti pa ito sakanya.
Tango lang ulit ang tugon ng babae.

Samantala lumabas na si Deanna ng kwarto ng magkaroon sya ng assurance na susunod agad sakanya si Jema. Habang si Jema ay nag tatalo pa ang isip at puso sa inaakto ng kasama sa bahay.

Bumabalik na ba sya sa dati? Bumalik na ba ulit yong Deanna na minahal ko at minamahal ko hanggang ngayon? Patuloy lang sa pag iisip si Jema ng sumagi sa isip nito at maalala nya na ngayong araw pala ang labas ng anak nila sa hospital. Kaya kailangan na din talaga nyang bumangon.
6:30am pa naman maaga pa. Sinabihan kasi sya ni Dr. Lazaro na 10am ilalabas ang bata.

Bumangon na nga si Jema dumiretso ito sa banyo at ginawa na ang dapat gawin sa umaga. Pagkatapos nito ay pumunta ito sa kitchen. Nakita nya si Deanna na nasa sala nanunood na naman siguro ito ng movie. Hindi sya nito napansin ng bumaba sa hagdan. Nakatalikod kasi ito sa hagdan dahil nga nanunuod. At as usual pang bata na naman ang  pinapanuod nito na movie. Narinig nyang nag sasalita ang Minions for sure ayon na naman. Hilig talaga nitong panuorin iyon. Ilang beses na ba itong inulit panuorin kahit noong magkasama sila.

Nakita pa ni Jema ang sobrang pagtawa nito. At ng kumanta na ang apat na minions aba itong si Deanna hindi nagpaawat  sinabayan pa nito ang mga ito kumanta. Kahit ang pagsalita ng mga ito ay gayang gaya ni Deanna. Natatawa na din tuloy si Jema sa itsura ng babae.

Nag simula na itong kumanta ng "I swear" ng minions. Despicable Me 2 pala ang pinapanuod nito. Hindi mapigilan ni Jema na matawa ng sobra sumasakit na ang tiyan nya sa kakapigil. Sapo pa nga nya ang bibig at tyan paraan upang hindi sya marinig ng pinapanuod na dalaga. Habang si Deanna tuwang tuwa sa panunuod si Jema naman ay abalang pinapanuod at naaaliw sa babaeng nakaharap sa tv.

Nagsimula na itong kumanta

I Swear

Minions

Ah... lapo da
Talachi.... matol..... lina

Ah...
Labadi, hochi
La..... notaaa

(With Feelings) may pa taas pa ng kamay at pahawak ito sa dibdib feel na feel. Hahahahaha

Wu planachii... leh ji
Fuh.... pa.... pu..... seh.....
Lamaniiii......

Sanctuary HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon