Last Chapter

34.8K 505 127
                                    

Naramdaman ko ang init ng araw kaya binuksan ko ang mga mata ko. Pinahid ko ang mga pawis sa noo ko bago dahan dahan tumayo at inalala ang nangyari kagabi.

"Balak mo ba talaga magpakamatay, Hendriana?"

Nabaling ang tingin ko sa kaliwang banda ko at nakita ko si Valeen at Macy na inaayos ang mga kurtina sa kwarto ko.

"This house is a mess!" iritadong sigaw ni Macy habang inaayos ang mga kalat ko. "Ilang linggo ka na bang nahihimatay kung saan saan dahil sa kalasingan?"

Hindi ko pinakinggan ang mga sinabi ni Macy dahil bigla ko na lang naramdaman ang pag baliktad ng sikmura ko kaya tumakbo ako patungo sa banyo. Halos mapamura ako dahil pakiramdam ko nailabas ko lahat ng kinain ko kahapon.

Ilan ba nainom kong alak kagabi at nagsuka ako ng ganito ngayon? 

"I told the both of you to stop coming here right?" pahayag ko sa kanilang dalawa pagkatapos ko ayusin ang sarili ko. "I'm fine here, hindi nyo kailangan araw arawin ang pagpunta dito."

"Two weeks na lunod sa alak tapos sasabihin mo na ayos ka?" nang iinsultong sagot ni Macy. "Aba okay ka pala, ganyan ba ang ayos na halos patayin na ang katawan?"

I avoid her eyes at tumikhim. "Last na yung kagabi." I told her bago kumuha ng tubig dahil naramdaman ko na naman ang pagbaliktad ng sikmura ko.

Napadami ba talaga ako kagabi at ang sama ng pakiramdam ko ngayon? I just want to lay in my bed and do freaking nothing! I really hate hangover.

"Drink this." abot ni Valeen sa akin kaya kinuha ko yun ininom agad.

"May sasabihin ba kayo? I need to sleep again." paalam ko pagkatapos ininom ang gamot na binigay ni Valeen.

Nakita ko ang iritasyon sa mga mata ni Macy pero hindi na ako nakipagtalo. I just sighed at uminom ulit ng tubig.

"Fine, aalis na kami." sambit ni Macy. "But I will tell you this again.."

"If you want to cry, just fucking cry. Hindi yung umaakto ka na ayos ka lang pero nilulunod mo na ang sarili mo sa alak."

I just nod at her and didn't speak. Tinalikuran ko na sila at tumungo sa kwarto ko para mahiga.

"Cry?" bigkas ko habang nakangiti. "That's bullshit." bulong ko bago pumikit.

I don't have any tears left to cry. Ubos na ubos na ako.

Niyakap ko ang unan ko sa tabi pero laking gulat ko dahil biglang sumakit ang tiyan ko.

Mahigpit ako napahawak sa kumot dahil sa kakaibang sakit na nararamdaman ko. "Macy! Valeen!" buong boses na sigaw ko dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko.

"Damn my stomach!" I muttered. "Valeen! Macy!" tawag ko ulit sa kanila.

Nag umpisa na ako kabahan dahil may naramdaman akong likido sa binti ko. "Macy!" I shouted when I saw blood on my thigh

"Help me!" paulit ulit na sigaw ko pero mukhang walang nakakarinig.

Unti unti ako tumayo sa kama at humawak sa pader papalabas ng kwarto. "Help me!" I shouted again, begging for help.

"Hendriana?"

Naramdaman ko ang pag agos pa lalo ng mga dugo sa binti ko kaya napahawak ako tyan ko.

"What the fuck! Hendriana!" naramdaman ko ang pagbuhat sa akin kaya nawala unti unti ang kaba ko.

Hindi ko alam kung sino ang taong yun pero naramdaman ko ang pag aalala nya bago ako nawalan ng malay.

-----

"What happened doc?"

"Are you the father?"

"No doc."

"Then we will wait until she wake up."

Minulat ko ang mga mata ko dahil sa mga bulungan na naririnig ko. When I opened my eyes ay nagulat ako dahil bumungad sa akin si Zamiel kasama ang isang lalaki na mukhang doktor.

"Zamiel?" naguguluhan na bigkas ko habang pinagmamasdan ang kwarto na hindi akin.

"Are you okay now?" tanong sa akin ng kasama nya kaya tumango ako.

Realization hits me when I remembered something.

Blood.

"Ano pong nangyari doc?" I finally asked. "Am I sick?"

"Sick?" mukhang naguguluhan na sambit ng doktor. "Hindi mo alam ang kondisyon mo?"

"Obviously?" di napigilang sagot ko.

Tatanungin ko ba sya kung alam ko ang sagot?

"Oh." mukhang natauhan nyang bigkas.

"Then what happened doc? Bigla na lang sumakit ang tyan ko at dumugo yu—"

"You almost lost the babies."

Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ko ang pagkalabog ng dibdib ko.

"You seems stress and very unhealthy." bigkas nya gamit ang seryosong boses. "But the babies are fine now, just eat healthy foods and take vitamins."

Wala sa sarili ay napahawak ako sa tiyan ko. "Babies?"

"You are having a twin."

Dahan dahan ko hinimas ang tiyan ko at ngumiti ng mapait. "Sorry babies, hindi ko nalaman agad."

Tumingin ako kay Zamiel. "Thank you for saving them."

"My pleasure. " he muttered then smiled.

Peirce needs to know this! We're having a family!

"I need to go somewhere, can you take me there?"

"Alright." he slowly said kaya napangiti ako ng masaya for the first time again.

Peirce gave me reason again to live my life. Last time he helped me from my obsession and this time he gave me angels.

Tinititgan ko ang ukit ng pangalan nya habang nilalagay ang mga bulaklak. Dahan dahan akong umupo at ngumiti bago nagsalita.

"We're having a twin, hon." pagsisimula ko at sinindihan ang kandila. "Akalain mo palang sharp shooter ka?" sabay tawa ko at pinatay ang posporo.

"Unang beses pa lang pero nakadalawa ka." narinig ko ang pagtikhim ni Zamiel sa likod kaya napangiti ako lalo at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Sana nandito ka, para mahawakan mo ang tiyan ko at maramdaman sila." mahinahon na dagdag ko. "Pasensya na nga pala, muntik pa silang mawala sa tabi ko dahil sa kapabayaan ko."

"But that is the last time."

"I will love them like how I love you." I whispered. "Mamahalin ko sila ng buong buo."

I smiled at nagsimulang magplano kung paano ko papalakihin ang mga bata.

"Thank you for giving me angels, Peirce."

"I love you."

I guess, this is my happy ending.

Sweet Obsession Kde žijí příběhy. Začni objevovat