Sweet Obsession 32

16.5K 361 46
                                    

Pinara ko ang unang taxi na nakita ko pagkababa ng condo ni Zamiel. Pinahid ko ang mga luha na dumaloy sa aking mukha bago binuksan ang pinto at sumakay. Sinabi ko agad sa driver kung saan ako pupunta pero sumilip muna ako sa bintana sa huling pagkakataon.

Stop hoping Hendriana.

"Ayos ka lang ba miss?" nabaling ang atensyon ko sa driver na nakatitig sa akin ng iba. Inayos ko ang damit ko dahil hindi ko nagugustuhan kung saan sya tumitingin.

Hindi nya inalis ang tingin sa dibdib ko gamit ang salamin na nasa harap nya, ngumisi ito ng kakaiba kaya kinapa ko agad ang cellphone ko sa bulsa.

This is not good, may mali akong nararamdaman.

I opened my messenger and I saw the green circle on Zamiel's profile. I clicked his picture at nagpasalamat dahil hindi pa ako block.

The driver of the cab is looking at me like a pervert animal. I'm scared, can you help me?

Siguro naman pupunta sya diba? Kahit konting pag-aalala naman siguro, may natitira pa.

"Nakipag hiwalay ka ba sa nobyo mo hija? Maganda ka naman at sariwa, marami pang iba dyan."

Nanatili akong tahimik at di sya nilingon. Niyakap ko ang sarili ko dahil kinakain na ako ng takot at kaba. Zamiel, nasaan ka na ba?

Binuksan ko ang location sa phone ko dahil connected yun sa phone ni Zamiel. Madali nya lang ako mahahanap kung gugustuhin nya.

"Manong nasaan po tayo?" punong puno ng kaba na tanong ko. Niliko nya ang sasakyan sa lugar na wala masyadong tao. Puro puno na ang nakikita ko kaya binuksan ko ulit ang phone ko para sabihan si Zamiel.

Please Zamiel, just please. Last na to. Tulungan mo ako, please.

Agad ako nabuhayan ng loob when he seen the message. I saw him typing kaya halos mapabalikwas ako sa kinauupuan when he replied.

Is this your new game? I'm so sick of you, get lost.

"Shortcut lang ang tinahak natin, wag ka matakot hija." ani nya.

I know something is off. Mas lalong lumalayo ang tinutungo namin kaya alam ko may mali, hindi ito shortcut.

Pinindot ko ang cellphone ko para tawagan si Zamiel pero laking gulat ko ng iblock nya rin ako sa messenger.

Huminto ang sasakyan sa isang liblib na lugar at tumingin sa akin ang driver. "Kung ano man ang hinala mo ay tama ka." sabay abot nya sa hita ko.

Dali dali kong binuksan ang pinto at lumabas ng sasakyan. I know something is wrong! The way he looked at me, alam kong may mali. Dapat bumaba na ako kanina pa, I'm so stupid.

"Kahit tumakbo ka pa ng mabilis, mahahabol parin kita. Sige maglaro muna tayong dalawa." rinig kong sigaw ng driver kaya pinindot ko ang cellphone at wala ng pakialam kung sino ang matawagan.

"Hendy?"

"Peirce, may humahabol sa akin. Binabastos nya ako, tulungan mo ako please.." pumipiyok na sambit ko sa kabilang linya habang tumatakbo.

"Bullshit. Where are you?"

Nilibot ko ang tingin ko pero nabigo ako dahil hindi ko kilala ang lugar na ito. Nagsimula na tumulo ang mga luha ko. "I don't know.. I don't know this place, mga puno lang ang nakikita ko. Natatakot na ako pl—"

"Huli ka!" nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa biglang paghablot sa akin.

"Akala mo ba makakatakas ka? Titikman muna kita bago ka maka alis."

Binuhos ko lahat ng lakas ko at nagpumiglas sa kanya. I tried to kick his private area pero naka iwas sya at ngumisi. "Susubukan mo pa ako saktan ha?" matigas na sabi nya bago ako sinampal. "Sige yan pala ang gusto mong punyeta ka." at mas lalo humigpit ang hawak nya sa mga braso ko.

Tinulak nya ako sa simento at sinimulang halik halikan sa leeg. I cried and shouted, binibigay ko ang lahat ng lakas ko para maka alis pero walang epekto yun sa kanya.

"Zamiel.." sambit ko sa pangalan nya. Napapikit na lang ako dahil narinig ko ang marahas nyang pagpunit sa damit ko.

"Hindi ako nagkamali sa pagpili sayo." I pushed him hard dahil alam ko bra ko na ang isusunod nya. Napapikit na lang ako dahil ubos na ang lakas ko.

Hindi sya dumating.

"You son of a bitch!" biglang malakas na pagmumura at sunod sunod na suntok ang narinig ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa biglang pagdating ni Peirce kasama ang mga pulis.

"Sir tama na yan." awat ng mga pulis sa kay Peirce at hinila na sya papalayo. Dumapo ang tingin sa akin ni Peirce at hinubad nya ang jacket na suot nya.

"Don't cry.." sabay haplos nya sa likod ko pero napaiwas ako sa takot. "Fuck I will kill that bastard." he mumbled.

Natulala ako at nagpatuloy na umiyak. Muntik na ako magahasa, muntik na ako babuyin pero hindi sya dumating.

No, hindi dapat ako magalit right? Bakit ba ako umasa na dadating sya? Wala syang pake sa akin! Inakala nya na nagloloko lang ako, he hates me that much.

"Hendriana..." tawag sa akin ni Peirce pero lumayo ako at niyakap ang sarili ng mas mahigpit.

"Don't touch me, wag ka lalapit."

Alam ko hindi ako sasaktan ni Peirce, alam ko mabuti syang tao pero natatakot na ako. May parte sa akin na ayaw lumapit sa kahit sinong nandito ngayon... kahit sya. Hindi ko na kayang maharap sya.

"Kailangan po natin sya dalhin sa presinto." rinig kong sambit ng pulis kay Peirce. Tumingin sa akin si Peirce bago umiling. "Hindi maganda ang pakiramdam nya, maybe next time."

"But sir—"

"Next time I said." ani ni Peirce.

"Sige po sir, kami na po bahala doon sa driver."

"You know what to do okay?" huling pahayag ni Peirce bago umalis ang mga pulis.

"You want water?" malumanay nyang tanong pero umiling lang ako.

"Want to go home now?" tumango ako ng dahan dahan bago pumunta sa sasakyan nya.

"I will call Macy para sabihin na samahan ka muna."

I didn't answer. Gustong gusto ko magpasalamat sa kanya pero walang boses na lumalabas sa akin. Blanko ang utak ko at gusto ko na lang matapos to.

May namumuong galit sa akin, galit sa kanya dahil hindi nya ako pinuntahan. May kasalanan ako at alam ko galit sya pero ngayon, gusto ko muna unahin yung sarili ko. Gusto muna bigyan halaga yung sarili ko. Dahil ubos na ubos na ako.

"Papunta na sila Macy. Alam ko hindi ka komportable na nandito ako kaya aalis na ako."

Isang tango lang ang sinagot ko at sinarado na ang pinto. Umupo ako sa sofa at napapikit dahil sa mga nangyari kanina.

I want to cry but I'm too tired to do that. I just don't feel anything right now, I just want to disappear and be gone forever.

Lumapat ang tingin ko sa mga gamot na nasa lamesa ko, wala sa sarili ay tumayo ako at dinampot lahat ng gamot.

Yung nangyari kanina, yung mga salita na sinabi sa akin ni Zamiel, yung mga tingin nya at pandidiri. Siguro naman matatapos na ang sakit pag nawala na ako? Siguro hindi na ako masasaktan at ganon rin sya. Tama, dapat mawala na ako.

Sabay sabay kong nilagok ang gamot at napaupo.

"Hendriana!" rinig kong sigaw nila Macy. Gusto ko imulat ang mga mata ko pero wala na akong lakas.

This is better. I should die.

Sweet Obsession Where stories live. Discover now