Sweet Obsession 16

24.5K 383 22
                                    

"Ayos ka na ba talaga?"

Hindi ko mabilang sa kamay ko kung ilang beses na to natanong ni Macy but to answer her question again tumango na lang ako.

"Eh paano ka nga nakauwi sa apartment? Diba nagkasakit ka? Nag commute ka ba? May naghatid sayo o kung meron sin—"

"Hindi ko rin alam." I honestly answered. "Basta ligtas ako naka uwi, okay na yun."

"Chineck mo ba yung butas mo kung napasukan na?"

Ilang segundo ko tinititigan si Macy habang iniintindi ang tanong. When I finally understand I immediately slapped her shoulder and cursed her.

"MACHILLE!" di makapaniwalang tawag ko sa buong pangalan nya.

"What? Para alam mo diba?" sabay himas nya sa braso nya na tinampal ko.

"Sa susunod gawin mo ulit ha? Matulog ka ulit na parang mantika tapos hayaan mo na magising ka apartment mo. Buti sana kung nandon si Peirce kasi medyo matino yun! God! Di mo man lang alam kung paano ka naihatid sa inyo!"

"I'm sorry, okay? Di na ulit mauulit."

At isa pa, something is really bothering me. Did Zamiel really did that thing? Talaga bang inalagaan nya ako? Kahit malinaw sa memorya ko, hindi ko parin maiwasan na di paniwalaan.

Napaka impossible diba? Imagine, Zamiel Vezteros yun! Ano magiging dahilan nya para alagaan ako?

"Diba si Peirce yun?"

Rinig kong sambit ng katabi kong babae. "Bakit parang naging hot sya?"

Sabay kaming lumingon ni Macy sa lalaking naglalakad and to surprise, there is Peirce looking like a Greek god that can destroy your vagina.

Whats with his new aura? Pero bagay nya naman eh.

"Teka bakit ang gwapo nya?" rinig kong bulong ni Macy.

Napatingin ako bigla sa bagong ayos ni Peirce. With his ash grey hair na dating itim, mas lalo syang pinagkaguluhan ng babae. And did I told you guys na may hiwa na rin sya sa kilay? Meron na rin syang piercing sa labi kaya mas lalo syang nilapitan ng girls. From his image that is slightly cold, napunta sya sa badboy na pwede kang anakan kahit sampu

And para saan yung transformation nya? I prefer the old one pero I can't deny it. Mas nangibabaw ang kagwapuhan nya.

"Peirce!" tawag ng mga babae sa tabi ko. As if matagal na silang magkakilala.

"Need anything?" then he smiled. Nothing change at all, ganon parin sya. Minsan mabait, minsan masungit.

"Aba aba naman. Anong nakain mo at may pa hiwa ka sa kilay?" rinig kong kantyaw ni Macy kaya nagtawanan ang iba.

"Bagay mo." komento ko.

I was expecting him na asarin ako dahil pinuri ko sya but iba ang nangyari.

Di nya ako pinansin.

Baka di ako narinig?

"Peirce.." tawag ko sa kanya. He lazily looked at me at parang doon nya lang narealize na kasama ko si Macy.

"Hmm?" tila tamad na tamad nyang sagot.

"Anong meron? May pinopormahan?" pagbibiro kong pahayag kahit mukha syang di interesado sa akin.

May nagawa ba ako sa kanya? Last time naman okay kami ah? Bakit parang galit sya sa akin?

"Manhid talaga." rinig kong bulong ni Macy.

Alam ko ako pinariringgan nya but no. Aware na ako sa feelings ni Peirce pero ayaw ko parin paniwalaan. Mas mabuting umarte na di ko parin napapansin at alam kesa masira kung ano man ang meron sa samahan namin.

"Kung wala kang sasabihin na importante, pwede na ba akong umalis?" bagot nyang sagot.

Napa awang naman ang bibig ko at tumango sa naging sagot nya.

Nilagay nya sa bulsa nya ang kamay nya bago tumingin kay Macy at sa mga ibang babae na tila nagpapaalam.

Normal ang turing nya sa iba pero bakit iba sa akin? Wala akong nagawa sa kanya sa pagkaka alala ko. Whats fucking wrong with him?

Naputol ang pag iisip ko ng matanaw ko si Zamiel na masama ang tingin sa akin. Unti unti syang lumapit sa pwesto ko and freaking hell! Kinakabahan ako sa paglapit nya.

"Do you like him?" tila asar nyang tanong.

"What? Of course not!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Then can you explain the sad eyes awhile ago? Bakit tila apektado ka sa pagsusungit nya?" tila batang pagsusumbat nya.

Binigyan ko sya ng what-the-hell look bago sumagot. "Kaibigan ko si Peirce! Normal lang sa kaibigan na masaktan pag di sya pinansin!"

And bakit ba ako nageexplain dito?

"And I don't even owe you an explanation so bakit parang asar na asar ka dyan? Para kang bata!"

"Me? Parang bata? Really?" di makapaniwalang tanong nya.

"Oo para kang bata!"

"Kung buntisin kaya kita at bigyan ng bata? Bata parin ba tingin mo sa akin?"

"O sige sample—WHAT?!"

I was stunned for a moment. Anong sinabi nya? Pag ako talaga pumayag lagot sya.

"Ang cute nyo."

Parehas kaming natigilan ni Zamiel when Shina interrupted. Doon lang namin napansin na nandon na pala sila Shina and Marcus habang may hawak naman na cellphone si Adam at Inigo na tila kinukuhanan kami ng video.

"Binata na ulit si Zamiel." pailing iling na sambit ni Adam habang pekeng pinupunasan ang mata.

"Oo nga pre." sagot ni Inigo. "Nagkakaganyan lang naman si Zamiel pag may seryosong natitipuhan."

"Oo nga eh. Nagiging isip bata." gatong ni Marcus kaya mas lalong nagtawanan sila Shina at Adam.

Habang nagtatawanan sila I noticed something na nagpatigil sa akin.

"Bakit di nyo na nakakasama si Peirce?" tanong ko ng maayos pero sabay sabay lang sila natahimik.

"Ay ayun ba? Ganon yun, bigla bigla na lang iiwas sa amin pag may problema. Babalik rin yun sa katinuan." pilit na ngiti ni Shina.

"Can you stop talking about him? Its fucking irritating." nakasimangot na na ani ni Zamiel.

"And why would I?"

"Just focus on me."

Sinamaan ko sya ng tingin. Heto na naman sya sa mga paasa words nya. Nakakalimutan nya ba na babae ako at konting bagay lang ay may meaning na sa akin? I want to forget him, gusto ko matapos na yung nararamdaman ko para sa kanya.

Yun din naman ang gusto nya diba? Ang mawala to?

"Bakit ba umaakto ka ng ganyan?" seryosong tanong ko.

Sa huling pagkakatanda ko kasi nandidiri sya sa akin.

"What do you think?" tanong nya.

At sa tonong gamit nya parang natatangahan sya sa akin kasi di ko gets ang simpleng ganito.

Can you blame me? Sa mga narinig ko sa kanya, ano sa tingin nya mararamdaman ko diba?

"I think I can't deny this anymore." mahina nyang sambit.

"Lets date, Hendriana. Lets give this a damn shot."

A/N: Sorry for not updating this for a long time but I'm literally having a hard time with this story. Bigla akong nawala, bigla nawala yung mga dapat na mangyayari dito. Nakalimutan ko ang flow kaya tumigil ako saglit. I can't promise you na may updates ulit sa susunod so sorry.

Enjoy reading this and I hope you can give some opinions and comments because that will help me. Whether its bad or good, tatanggapin ko.

Sweet Obsession حيث تعيش القصص. اكتشف الآن