Sweet Obsession 26

18.2K 319 27
                                    

Felicity o ako.

Syempre si Felicity ang pipiliin nya, syempre si Felicity ang kakampihan nya at syempre ako yung iiwan nya.

Bakit naman ganon? Talo agad ako.

"Any plans for your birthday?"

Natigil ako sa pagsusulat ng magsalita si Peirce sa tabi ko. I looked at him with a shocked face kaya napatawa sya at ginulo ang buhok ko.

"Puro ka kasi Zamiel, pati birthday mo nakakalimutan mo na." sabay sara nya ng libro at sumimsim ng kape.

"October ba ngayon?" di makapaniwalang sambit ko. "God nakalimutan ko!" sabay check ko sa calendar sa phone ko.

Mas lalong tumawa si Peirce kaya napatingin sa amin yung ibang students sa loob ng cafe. Napagkasunduan kasi namin na dito magkikita kita bago kami gumula since magiging busy na kami next week. Kaming dalawa pa lang ni Peirce nandito kaya medyo awkward ako at nagsulat na lang ng mga paperworks ko.

"October nga ngayon?" ulit na tanong ko kay Peirce kaya tumawa ulit sya at tumango tango. "Oo nga! Paano ko makakalimutan ang month to e birthday mo!" sabay tawa nya ulit pero natahimik ako.

Bakit ang awkward bigla?

Natigilan rin si Peirce ng makita nya ako na di umiimik. "I mean..."

"Peirce!"

Sabay kaming napalingon ni Peirce sa babaeng tumawag sa kanya at mas lalo akong natahimik when I saw Natasha standing there na masama ang tingin sa akin.

"Tash.." parang nagulat na sambit ni Peirce.

"Anong ginagawa nyo? Bakit kayo magkasama?" boses mataray na pagsasalita nya at nakatingin parin sa akin ng masama.

"Tash! Whats with your voice?"

"Para aware sya na ayaw ko sa kanya. She dont even deserve Zamiel, bakit nga ba sya naging girlfriend ni Zamiel?" 

"Natasha!"

Napataas bigla ang kilay ko. Kung ayaw nya sa akin then fine, konting respeto lang sana dahil nakakagago yung ginagawa nya.

"Then tell me Natasha, sino ba dapat ang maging girlfriend ni Zamiel? Ikaw ba dapat?"

I know na di sya sang ayon sa relasyon namin ni Zamiel pero wala syang magagawa, I am his girlfriend now.

Nagkasalubong ang pareho nyang kilay at tumalim ang tingin nya. "Well at least dapat ka-level ni Felicity? Not like...." sabay tingin nya sa akin at ngumisi. "Oh nevermind."

Umurong ang dila ko at di nakasagot sa kanya. Oo nga naman, anong laban ko sa taong wagas na minahal ni Zamiel?

"You're crossing the line Natasha." biglang umangat ang tingin ko sa gilid ko at tumambad sa akin sila Zamiel kasama sila Shina na halatang disappointed.

"Sino ka para bastusin ang girlfriend ko?"

"Zam! Youre here—" natatarantang bigkas ni Natasha.

"Who fucking gave you permission to treat her that way?"

Lahat kami ay natihimik sa biglang pagsigaw ni Zamiel. He seems not to care kahit nakatingin na sa amin ngayon lahat ng estudyante.

"Tuluyan ka ng nabaliw sa babaeng yan! Ano bang nakita mo dyan ha?" matapang na sagot ni Natasha at hinarap si Zamiel.

"Tell me! Bakit yan ang napili mo? Matagal na akong nandito para sayo.Sa tabi mo! Nung minahal mo si Felicity tanggap ko dahil si Felicity yun! Pero sya." sabay duro nya sa akin. "Hindi ko maintindihan."

"I have a feelings for her habang sayo ay wala. Did I already answer your question?"

"Boom panes." rinig kong bulong ni Adam kaya mahina syang binatukan ni Marcus. Nagpigil naman ng tawa si Inigo at blanko lang ang tingin ni Shina.

Tumingin sa akin ng matalim si Natasha bago pinunasan ang luha. "Hintayin mo, masisira ko rin kayo." bulong nya sa akin bago tuluyang umalis.

Lahat naman kami ay nagpakawala ng hininga ng umalis si Natasha. So thats the reason kaya sya galit sa akin? Dahil gusto nya rin si Zamiel?

"Matagal mo na bang alam yung tungkol kay Natasha?" tanong ni Shina kay Zamiel at tumango lang si Zamiel. Uminom sya sa kape ko kaya napangiti ako.

Indirect kiss

Umupo ako sa tabi ni Zamiel at humalik sa pisngi nya. "Sorry for that." he softly whispered on my ears kaya lumawak ulit at ngiti ko.

"Okay lang."

"Oh I remember! This friday its my birthday." biglang sabi ko sa kanila. "I dont have any plans yet, saan nyo trip?"

Tumingin sa akin at Zamiel at ngumisi. "So its my baby's birthday huh." sabay himas nya sa binti ko. "I have a very beautiful gift." bulong nya sa tenga ko na alam ko na agad kung ano.

"Oh please, kahit di ko naman birthday ay ginawa na natin yun." I whispered back kaya napatawa sya.

"How about lets go to Pangasinan? Gusto ko pumunta sa Hundred Island!"

"Its my hometown actually." baling ko kay Shina.

"Really?! Then doon na!"

"Then sa enchanted cave sa bolinao." naeexcite na dagdag ni Shina. "Gusto ko yun!"

"Okay then. Si Macy at Trina isasama ko rin, you can bring Cess if you want." nagdalawang isip muna ako bago banggitin ang Cess at mukhang apektado parin si Adam dahil nag iba ang aura nya.

"Is your family there?" tanong sa akin ni Zamiel. Napa awang ang labi ko at napakagat narin don. "Uhm si mama lang."

"Your father?"

"Nasa Hawaii, managing our business there."

"Can I meet your mother?"

"The fuck?" di namalayang bigkas ko. Totoo ba to? Gusto nya makilala mother ko? Seryoso talaga sya sa akin! "Really? You want to meet my mother? Kasi yung ibang boyfriend dyan ayaw yung—"

"I want it baby, I want them to know that you have a hot and yummy boyfriend."

"Kadiri naman." reaksyon nila Adam at Shina kaya napatawa ang iba.

"Okay." sabay ngiti ko.

"Okay? You will let me meet her?"

"Oo nga!" natatawang bigkas ko pa.

"But first, papakilala rin kita sa pamilya ko."

Agad dumagundong ang dibdib ko. "Huh?" natatawang sagot ko kahit walang nakakatawa.

"Im serious baby."

FUCK IT. DI NGA?

"Seryoso talaga?"

Nakakakaba kaya! Makikilala ko magulang nya? His family is very famous here in the Philippines and when it comes to business ay sobrang kilala sila. Suarez and Vezteros is two of the biggest company here in the Philippines and outside the country. At ngayon lang pumapasok sa utak ko kung sino tong jinowa ko, hindi nga pala sya basta bastang tao.

At makikilala ko personally ang mga taong yun? Ang magulang nya? Sinong di kakabahan? Nanliit lalo ako sa sarili ko, paano kung di nila ako magustuhan para kay Zamiel? Paano kung gusto nila ay sobrang yaman din?

I can say that were rich but not super rich like Zamiel!

"Paano kung di nila ako magustuhan?" mahinang bulong ko na parang wala ng pag asa.

"Aanakan kita para wala na silang magawa."

Sweet Obsession Where stories live. Discover now