Sweet Obsession 14

29.4K 500 54
                                    


Dahil nawindang ako ng sobra, di ko namalayan na binaba na pala ako ni Zamiel sa pagkakaupo. May gusto akong itanong sa kanya pero natatakot ako sa magiging sagot.

Bakit nya to ginagawa? Last time I checked ayaw nya sa presensya ko. So what now? Anong pakulo to? Impossibleng nakadroga sya kaya anong kalokohan to? Ayaw nya ba talaga akong palayain sa nararamdaman ko? Bakit kung kailan ginagawa ko na, kung kailan sinusubukan ko ng kalimutan sya tsaka sya magloloko? Ano ba trip nya?

"HAPPY BIRTHDAY SHINA!"

Lahat kami natigilan when someone entered the house. Maligaya itong tumakbo kay Shina at masayang masayang yumakap sa kanya.

"Natasha? Kailan ka pa nakabalik?"

Dahil sa kuryusidad ko, lumapit ako sa pool at nagtatakang tiningnan ang bisita.

"Nasaan si Peirce? Si Zamiel?"

Sabay kaming lumapit ni Zamiel sa bisita and I was fucking shocked when she ran towards Zamiel and hugged him.

"I miss you." malambing na bigkas ng babae. Napa iwas ako ng tingin at lumapit sa table kung saan may pagkain. Binuhos ko sa pagkain ang iritasyon ko at di alam kung saan nang gagaling ito.

"Stop it Natasha." rinig kong pigil ni Zamiel kaya napa irap ako habang sumusubo ng barbeque. So ano? Pakipot pa ang maharot, pagkatapos nya akong halikan sa iba naman sya titikim? Oh,I almost forgot, si Zamiel Vezteros nga pala to.

"Are you jealous?" napatingin ako kay Adam na nakangiti ngayon sa akin. Tumingin ako sa banda nila Zamiel bago humarap sa kanya. "Bakit naman ako magseselos?" sabay lagok ko ng beer.

I mean why would I diba? Bawal magselos kasi wala namang something between us. Friend nya si Shina and friend ko si Shina, yun lang yung koneksyon namin kaya kami nandito pareho. Nothing more, nothing less.

Umupo ako sa gilid habang bitbit ang beer na kanina ko pa iniinom. Bakit ba ako nakapasok sa sitwasyon na to?Dati hinihiling ko na sana makapasok ako sa mundo nya, naging stalker pa nga ako eh. Hindi ko alam na hindi pala madali ang ganito. Wala ako sa pelikula, dapat hindi na ako umasa na magkakaron ng sya at ako. Dapat gumising ako sa realidad.

"Hey." umayos ako ng upo ng tumabi sa akin si Zamiel. Hindi ko sya sinulyapan pero ramdam ko ang titig nya.

Ano na naman to?

"Adam told me." dahil sa sinabi nya ay napatingin ako ng wala sa oras. Anong sinabi ni Adam? "Are you jealous?"

Nanatili akong tahimik.

Kung sasabihin ko na nagseselos ako, isasampal nya lang sa akin na wala akong karapatan dahil walang kami. I only like him, hindi nya ako obligasyon kaya dapat alam ko kung saan ako lulugar. Thats it.

"Damn." ginulo nya ang buhok nya at tumingin sa akin. "Are you mad or something? Dahil ba sa halik? Tell me."

Isa pa to. Alam nya bang dahil sa halik na yun nasa simula ulit ako? Nasa gitna na ako ng pagmomove on pero hinila nya ulit ako. Masyado akong marupok, nakakainis.

"Why would I?" isang mapait na ngiti ang nailabas ko. "Wala tayong ugnayan or something, kaibigan ko sila Shina kaya ako nandito ngayon. Were not even friends, Zamiel. I don't have any rights when it comes to you so papano mo nasasabing nagseselos ako?"

"Then im giving you the rights!" nanlaki ang mata ko dahil sa biglaang bulyaw nya.

Huh?

"Why? Bakit mo yun gagawin?" tumingin ako sa mata nya at hinanap ang sagot.

"Why?" ulit na tanong ko.

"I don't know." matipid na sagot nya. "Maybe im starting..."

"No way." he mumbled. "I don't know, okay? Basta."

"Youre crazy." di makapaniwalang saad ko.

"Can I ask a favor?" aniya

"Habang naguguluhan ako, can you stay?"

"Ha?" naguguluhang ani ko.

"Nothing." sagot nya. "Suotin mo to, kita na kaluluwa mo." sabay abot nya sa akin ng jacket kaya napatingin ako sa kanya.

Kahit may nasa isip ako kung ano ang ibig nyang sabihin kanina tinanggal ko yun sa utak ko. Impossible diba? Napaka impossible kung mangyari yun.

--------

"Si Felicity ba to?"

Una kong rinig pagpasok ko sa pintuan. Kakatapos lang ng party at nandito kami ngayon sa kwarto ni Shina. Kakatapos ko lang maligo kaya wala akong ideya sa pinaguusapan nila.

"Ang ganda pala nya no?" bigkas ni Cess kaya lumapit ako sa kanya at sinulyapan rin ang larawan.

Bigla akong natigilan ng makita ang larawan nya kasama si Shina. Felicity is like an angel, mula sa amo ng kanyang mukha at masayahing ngiti. Sinong di mahuhulog sa kanya? No wonder minahal sya ni Zamiel.

"Can I ask kung bakit sya namatay?" tanong ko kay Shina. Ngumiti lang si Shina at tumingin sa larawan.

"She tried to save someone pero iniwan sya ng tinulungan nya."

Bigla akong namutla sa sinagot ni Shina, bakit napaka tanga ko? Napaka sensitive ng topic na to!

"Kung tumawag lang sana ng tulong yung tinulungan nya, baka ngayon buhay pa si Felicity."

Napaa awang ang bibig ko dahil sa luhang dumaloy sa pisngi ni Shina.

"Thats enough, Shina. Sorry kung nabuksan ko yung topic." sabay yakap ko kay Shina.

Inalo namin si Shina hanggang makatulog sya. Habang nakahiga ay may bigla akong naalala.

Tinanggal ko ng ideya sa isip ko at pumikit.

"Impossible." bulong ko. "Hindi si Felicity yun." Paniniwala ko sa sarili ko.

Hindi pwede

Sweet Obsession Where stories live. Discover now