Sweet Obsession 9

28.3K 517 39
                                    

Akala ko pag gising ko, mawawala na yung sakit. Akala ko makakalimutan ko lahat ng narinig ko, akala ko panaginip lang yun at nahihibang ako.

"Ma'am okay ka lang?"

Ngumiti ako sa bartender at tumango.

"Okay lang ako, bakit naman hindi?" natatawa kong sagot kahit wala namang nakakatawa. Nababaliw na ba ako?

"Kaninang hapon pa kayo umiinom, baka mapano po kayo."

Isang tipid na ngiti ang pinakita ko sa kanya. Totoo ba yung concern na pinapakita nya? O tulad lang sya ni Zamiel na malandi ang tingin sa akin?

Maraming tanong ang pumasok sa utak ko ng dahil sa narinig ko.

Ganon ba ang tingin sa akin ng lahat? Malandi ba talaga ako? Totoo ba yung mga kaibigan ko? May sinasabi rin ba sila pag nakatalikod ako?

Puno na ako ng pagdududa dahil kay Zamiel. Gusto ko ipaglaban yung sarili ko, gusto ko sabihin na mahal ko lang talaga sya kaya ko naisipan yun.

Pero paniniwalaan nya ba ako?

Wala ako mukhang maiharap sa kanila, punong puno na ako ng kahihiyan at gusto ko na lang umuwi. But how? Nasa probinsya sila Trina at Macy, takot rin ako magbyahe mag isa kaya paano ako uuwi? Wala na ako sa katinuan para mag isip.

Gusto ko lang magpahinga. From everything, from Zamiel.

"Hendriana?"

Isang baritonong boses ang narinig ko. Hindi ko alam kung bakit pero rinig na rinig ko ang tawag nya sa pangalan ko. Sino sya?

"You don't remember me? Si Kerko to!'

I faced him. Inaalala ko ang mukha nya pero hindi ko matandaan.

"Pota naman Hendriana, ako yung pinagbintangan mo na nakabuntis kay Trina. Di mo ako maalala?"

Nanlaki ang mata ko habang nakatunganga. "Kerko Angeles?" halos pasigaw kong pahayag.

"I miss you." seryoso nyang sambit.

"Sya parin ba? Hindi parin ba ako?"

My lips parted when I saw the pain crossed his face. Until now?

"You deserve someone better, Kerko. Hindi ako, hindi yung tulad ko."

Muli kong naalala lahat. Tama naman diba? Babaeng tulad ko, hindi nararapat sa tulad ni Kerko. Malandi lang ako, hindi ako pwede sa kanya.

"Why? Youre more than enough, Hendriana."

How I wish its true.

"Youre really something, Hendriana. Nalingat lang ako sandali may nilalandi ka na."

Someone's chuckled made me stop. Unti unti ko syang nilingon at bigla akong napatayo ng mapagtanto na isang galit na Zamiel ang nasa harap ko.

Why?

"Z-Zamiel." I murmured.

"Can you atleast prove yourself? Patunayan mo naman na mali yung husga ko sayo." malamig nyang tungon bago ako tinalikuran.

Marahas ko syang sinundan palabas at hinawakan ang kamay nya. Naguguluhan na ako, bakit ba sya ganito?

"Zamiel." I called him.

"Dont touch me."

Hinawakan ko parin ang kamay nya. Matagal ko ng gustong gawin to, damn.

"Zamiel, do you hate me?"

Katahimikan ang bumalot sa amin. Hawak hawak ko parin ang kamay nya habang nakatalikod sya. Hindi ko alam kung bakit natanong ko yun pero kailangan, gusto kong malaman.

"Do you really hate me?" I almost whispered.

"You want to know?"

Bigla akong kinabahan dahil sa boses nya.

"Yes, I hate you. So please? Stop messing with my mind. Stop making me worry and stop pestering my feelings."

Bigla akong napabitaw sa kamay nya. What the fuck? Ano bang sinasabi nya?

"Let's go home." huling sambit nya na naalala ko.

-------

Zamiel's Point of view

I was looking at Felicity's picture. Her eyes, her nose and her lips. Shes a perfect girl. Sya lang ang nakapagpatino sa akin. Bakit kailangan nya pang mawala?

"You really love her."

Lumapit sa akin si Peirce kaya tinago ko agad ang larawan. Shit this guy.

"Tigilan mo na si Hendriana."

I blankly looked at him. Why would I? Peirce doesn't deserve someone like her, shes a slut. Peirce deserve an angel just like Felicity. How can he fall for someone like Hendriana? Its a bullshit. I can't believe it.

I didn't answer him. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang pinto kung saan natutulog si Hendriana, see? She passed out because of alcohol. Kung si Felicity yan, hindi sya iinom. Hindi sya magpapakalunod sa alak.

"I love that girl, Zamiel."

I remained quiet.

"Hendriana is not so good as Felicity but when she love, she gave everything for that love."

"And wait until she get over you, doon mo marerealize kung ano ang nawala sayo."

It was a simple warning but I didn't know that he was right. Marerealize mo ang lahat pag wala na.

A/N: My schedule is really hectic but I still managed to type this. HURAAAY for that! But seriously, sorry for the short update and full of typos chapter. Pagtiisan na.

Sweet Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon