Sweet Obsession 29

16.2K 269 12
                                    

I brush some strands of his hair while I lay beside him. How is this possible? Paanong nangyari na abot na abot ko na sya ngayon? Sobrang linaw parin sa alaala ko kung bakit ko sya nagustuhan. Back when we are elementary, I secretly followed him and I didn't regret it. Nasaksihan ko kabutihan nya.

Lahat ng baon nya binigay nya sa pamilyang nasa ilalim ng tulay, the place was creepy but he didn't mind at all. Tinulungan nya yung pamilyang halos wala ng makain.

I was so shocked kasi ibang iba sya sa naririnig ko. Ito ba yung maloko na sinasabi nila? Ito ba yung sakit sa ulo ng teacher nya? Sya ba talaga yun? E bakit iba ang nakita ko? Bakit mas lalo akong nahulog dahil sa kabutihan nya? Damn, tinamaan nga talaga ako. Hindi ako nagkamali na magustuhan sya.

Simula nung araw na yun, pinag aralan ko magluto para sa kanya. Araw araw naglagay ako sa locker nya ng lunch kasi alam kong wala na syang pera dahil may tinutulungan sya. Pinangako ko rin sa sarili ko na bago kami mag high school ay aamin na ako sa kanya. But sad news is.. umalis na sya ng bansa.

Akala ko magbabakasyon lang sya doon sa Canada but I was wrong, college na kami tsaka ko lang sya nakita ng personal sa university. And more sad news? Sobrang hirap nya ng abutin dahil napaka sikat nya sa eskwelahan. Playboy, nagpapaiyak ng babae at kung ano ano pang bansag sa kanya. Ang di namin alam, namatayan pala sya ng babaeng sobrang mahal nya.

Namatay yung babaeng mahal nya dahil sa akin, nawala si Felicity dahil sa katangahan ko at sobrang laking kasalanan na nandito parin ako ngayon. Paano nakakaya ng konsensya ko na maging masaya kasama ang mga kaibigan nya? Napaka sama ko. Sobrang selfish ko.

"Baby?"

Nilingon ko sya na bagong gising at pinilit ngumiti. "Good morning." I said.

Ngumiti lang ito at tumayo. Muntik na akong mapahiyaw ng makita ko na tayong tayo ang alaga nya.

"Zamiel!" bulyaw ko sa kanya.

"What?"

"Wear your boxer!"

I can't believe this guy! Alam ko proud sya sa ano nya pero hindi parin ako komportable makita yun lalo na ngayong umaga.

"Wow, really Hendriana? Ilang beses ko ng pinasok sayo to tapos hindi ka parin sanay?"

Naramdaman ko ang pagiinit ng pisngi ko kaya binato ko sya ng unan at naka ilag naman sya doon.

"Happy birthday baby..." sagot nya sabay halakhak at tumuloy na ng banyo.

"Zamiel, baba na ako ha? Maghahanda na ako ng almusal nyo."

Sigaw ko bago lumabas ng kwarto. Nasalubong ko naman si Shina na may bitbit na regalo at mukhang nagulat sa akin.

"Bakit lumabas ka na?"

"Tutulungan ko si manang maghanda ng almusal." sagot ko.

"Ano ba yan, mamaya ko pa sana ibibigay to eh."

Napangiti ako at napatingin sa regalo nya. "Kunwari wala akong nakita, mamaya mo na ibigay."

"Pero teka, sino yung nasa baba? Pinapasok ni manang sabi nya pinsan mo daw."

"Pinsan?"

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Shina dahil dali dali na akong bumaba at nagdasal na sana hindi sya yun. It's my birthday okay? Kahit ngayong araw lang please...

"Surprise?"

Hindi ko naituloy ang huling hakbang ko dahil kitang kita ko na agad kung sino ang tinutukoy ni Shina.

"Kuya Daxon.." punong puno ng takot na bigkas ko. Kinailangan ko pang humawak sa hawakan ng hagdan kasi pakiramdam ko babagsak na ako anytime.

"Happy birthday my lovely cousin." unti unti syang lumapit sa akin samantalang ako ay hindi makagalaw sa kinatatayuan.

"Bakit ka nandito?" pinilit ko umaktong normal kahit sa loob loob ko ay takot na takot na ako.

"I told you, I have a big surprise."

"Please wag mong sabihin." paki usap ko sa kanya at napa upo na sa hagdan.

Matapos lang tong birthday ko pangako lalayo na ako sa kanila. Sana naman ibigay nya na sa akin ang araw na to.

"Hindi ka ba magpapasalamat sa akin dahil ito lang ang ganti ko sayo? Pinagkatiwalaan kita pero anong ginawa mo? Ikaw ang may dahilan kung bakit ako nakulong."

"Nakulong ka dahil may ginawa kang krimen." sagot ko sa kanya at nagsimula ng magtubig ang mata ko. "Bakit ba hindi mo maintindihan yun?"

"At ikaw wala?" napapikit ako at pingilan lumuha. Hindi pwedeng may makakita sa aking ganito. 

"Hendriana ikaw ang nakapatay sa babaeng yun pero ako ang sumalo sa kaso mo. Kahit magulang ko ako yung diniin makatakas ka lang sa ginawa mo."

"Ginahasa mo sya at hindi ka pa nakuntento at kinuhanan mo pa ng video diba? Sobra na yung ginagawa mo kaya inagaw ko ang baril sayo-"

"At tinuluyan mo sya diba?" napatingin ako sa taas sa huling sinabi nya.

"Natatakot ka baka marinig nila?" dagdag nya kaya napatayo ako sa pagkaka upo.

"Pasalamat ka dahil kahit ganon ang ginawa mo, pinagtanggol parin kita sa mga kasamahan ko."

Muli ko naalala ang ginawa nya. Pinatay nya ang tatlong kasamahan nya dahil binalak rin nila ako gahasain. Apat sila na gumahasa kay Felicity at si kuya Daxon na lang ang natirang buhay.

"Hendriana?" bigla akong natigilan sa boses na narinig ko. Pinunasan ko agad ang mata ko at maligaya syang hinarap.

"So ikaw pala boyfriend ng pinsan ko?" napatingin si Zamiel sa banda ni kuya Daxon at sobrang kaba na ang nararamdaman ko.

"Zamiel." pagpapakilala nya at kinamayan agad ito ni kuya Daxon.

"Nice meeting you." inakbayan ni kuya Daxon si Zamiel at pareho silang tumungo ng kusina.

"I have a lot things to say."

Sweet Obsession Where stories live. Discover now