Ika-Bente Otso na Kabanata

Mulai dari awal
                                    

Nag-guhit naman ng malaking ngiti saking pisngi ang pag-aya na iyon ni Miguel.. "Nako, Hinding hindi ko hihindian yan Ginoo.. Ano tara na ba ?" maligayang sambit ko saknya..

Napangiti naman si Miguel sa reaksyon kong iyon.. "Tara? Kakaibang salita.. Haha.. Bueno, Halika na, para madami pa tayong oras maligo sa ilog.." ani niya.

Masaya kaming naglalakad ni Miguel ng mapansin kong nakatitig siya sakin habang bakas naman sa kanyang mukha ang kasiyahan. Sabi ng kanyang ina na si Aling Rosa, simula ng dumating ako sa buhay ni Miguel ay tila ba nag iba raw ito. Naging likas daw itong masayahin at makulit. Mas madalas na daw nila itong nakikitang nakangiti at naging palabiro na din daw ito.

"Miguel? Matagal na ba kayong nakatira dito?" Ang ibig kong sabihin, dito sa Obando?" Pagbasag ko sa katahimikan .. Tila natauhan naman si Miguel sa pagkakatitig niya sakin..

"Ah eh-- Oo, matagal na kaming taga dito, ngunit tubong Ilocos ang aking mga magulang.. Lumuwas sana kami dito sa Maynila upang magbakasakali sa magandang buhay ngunit tulad ng iba ay sadyang mailap talaga ang buhay roon. Unang una pa, mas pinaprayoridad sa maynila ang mga taong masalapi kaya kami napadpad dito sa Obando.. Dahil isang mangingisda na si Ama noon pa man, mas naging maayos ang kabuhayan namin ng matira kami dito sa Obando dahil pangingisda ang naturang ikinabubuhay dito. Di naglaon nakapagpundar nadin si Ama ng sarili naming pala-isdaan" Ani ng binata.. Napatango tango naman ako sa sagot na iyon ni Miguel..

Sandali muli kaming natahimik, at sa pagkakataong ito naman, si Miguel na ang nakakuha ng tsempo upang magtanong sakin..

"Ikaw ba Binibini? Hindi mo ba inaaasam na makitang muli ang pamilya mo? Siguradong kung nasaan man sila ngayon ay nag aalala na ang mga iyon sayo.." sambit naman ni Miguel. Napatingin naman ako nang seryoso kay Miguel ng may lungkot ang mga mata..

"Wala akong pamilya dito Miguel, Isa lamang akong dayo, at sa katunayan niyan, sigurado akong kung may naghahanap man sakin ngayon, walang iba kundi si Madam Dolores at Goyo lamang iyon.." sambit ko naman saknya..

"Wala kang pamilya dito? Dahil ba sila ay nasa malayo? Eh si Madam Dolores? Sino siya?" Tanong niya sakin..

"Siguro nga Miguel, dahil malayo sila.. Napakalayo.. uhm.. Si Madam Dolores, Siya ang nangangasiwa ng paaralang pinapasukan ko. Siya ang halos tumayong magulang ko sa Sta Catalina.." paliwanag ko saknya.. Napatango tango lang siya sa sinabi ko..

"Ganun ba? Eh si Goyo? Sino naman siya?" Tanong niya sabay taas ng kilay.. Natawa man ako sa kanyang reaksyon, Maylungkot pa din akong naramdaman ng muli kong narinig ang pangalan ng taong pinaka minahal ko...

"Si Goyo, Siya ang espesyal na lalaki para sakin.. Ngunit pinili kong lumayo saknya dahil hindi kami pwede sa isa't isa.. May ibang Binibining nakalaan para saknya ang tadhana" may lungkot kong sambit..

"Ngunit kung mahal mo talaga siya? Bakit kailangan mong lumayo? Hindi ba dapat ipinaglalaban mo ang pagibig mo saknya?" Tanong ni Miguel. Maging siya ay nagsimula naring malungkot..

"Mahirap ipaliwanag Miguel.. Maging ang sitwasyon ko ay mahirap din ipaliwanag, Kung bakit ako nandito, sa panahon niyo at kung paano ako napadpad dito." ani ko saknya..

Kumunot naman ang noo nito at napaisip ng malalim. Marahil ay sa hindi na niya maintindhan ang aking mga ibig ipahiwatig. Ngunit mas mainam narin siguro ito, nawala siyang maintindihan at wala siyang alam.

"Siguro nga madami akong hindi pa alam tungkol sayo Binibini, Ngunit hangad ko ang iyong kaligayahan, nawa'y mapagisipan mong ipaglaban ang iyong nararamdaman para sa Ginoong iyon. At siya ay tunay na maswerte dahil iniibig mo siya Gabriela.." seryosong tugon ni Miguel.. Tumingin na muli ito ng deretso sa dinaraanan namin at sumambit.. "Narito na tayo, ang lugar na ganito kaganda ay walang lugar para sa kalungkutan kaya naman ngumiti ka na dyan Gabriela.. Magiging maayos din ang lahat" ani sakin ni Miguel sabay ngiti..

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang