Ika-Walong Kabanata

2.6K 123 15
                                    





Kumakain kami sa hapag ni Rosario ng dumating si Crisanta na tila maganda ang kanyang gising. Kapansin pansin ang mga iyon dahil sa laki ng ngiting binungad niya samin. Normal na masiyahing tao si Crisanta ngunit halata mo naman dito ang ibang enerhiya sa kanyang katawan. "Magandang umaga sa inyo." bati ni Crisanta na may puno ng galak..

Agad namang napansin iyon ni Rosario at binati rin ang pagiging maganda ng kanyang gising.. "Tila yata maganda ang gising ng ating kaibigan, hindi ba Kristina? Maganda ba ang iyong naging panaginip? " wika ni Rosario habang nag babasa ng isang libro at humihigop ng kape.

"Masyado bang halata mga Binibini? Pano ba naman kasi, nagpadala ng liham ang aking kapatid na si Crisanto.. Siya daw ay uuwi na galing Espanya, mamaya na daw ang kanyang dating.. Nais muna raw niya kong makita at madalaw bago siya tumungo ng San Vicencio.." malugod na sagot ni Crisanta.

Si Crisanto ay ang nakatatandang kapatid ni Crisanta.. Dalawa lamang silang magkapatid.. Si Crisanto ay nasa Espanya upang mag aral ng Medicina.. Halos 5 taon din itong namalagi sa Espanya para sa kanyang especialisismo.

Naging masaya naman ako para sa mabuting balita para kay Crisanta. Sa excitement na pinapakita ni Crisanta, makikita mo kaagad kung gaano sila ka-close ng kuya niya.. "May kapatid ka pala Crisanta?" Gulat kong tanong sa kanya. Nakailang araw narin ako dito sa 1898 ngunit ngayon lang nabanggit ni Crisanta na may kapatid pala siya.

"Oo Kristina, Nakakatandang kapatid.. Nako Kristina.. Ang kapatid kong iyon ay ubod ng gwapo at talino.. Siya'y maputi, Matangkad, Matangos ang ilong, manipis ngunit mapula ang kanyang mga labi, Isa talagang mestizo.. Maalam din ito sa musika.. sa katunayan nyan, habulin ito ng mga babae sa aming lugar sa San Vicencio.. Nanligaw din ito kay Rosario, Ngunit si Rosario ay may iba "raw" na gusto kaya't hindi niya pinaunlakan ang panliligaw ng aking kapatid." kwento ni Crisanta.

Napatingin naman ako kay Rosario na noo'y di naman malaman kung paano pipigilan si Crisanta sa mga pinagsasasabi nito. Napansin ko rin naman na bigla siyang namula sa mga sinabing iyon ni Crissanta. "Sayang, muntikan ko pa naman sana siyang maging hipag." pabiro pang pahabol ni Crisanta.

Hindi na naman napigilan ni Rosario ang kanyang sarili kaya't napatakbo na ito kay Crisanta at bahagyang tinakpan ang bibig nito upang tumahimik na sa pag kukwento.  "Huwag ka ngang gumawa ng kwento tungkol sa amin. Crisanta.. Hindi naman nanligaw ang iyong kapatid sa akin.." tugon naman ni Rosario na ngayon ay para bang may lungkot at panghihinayang sa kanyang boses..

Unti unti naman ng binitawan ni Rosario ang bibig ni Crisanta. "Ito naman, ako'y nabibiro lang naman.. masyado ka naman yatang naaapektuhan."banat naman ni Crisanta kay Rosario. Hindi na muli umimik si Rosario pagkatapos noon. "Mukhang magkakasundo kami ni Crisanto.. Mahilig din akong tumugtog ng Musika.. Lalo kung gitara.." tugon ko naman kay Crisanta na may pagkasabik makilala ang kanyang kapatid..

"Hayaan mo Kristina.. Pag dating niya mamaya ay ipapakilala kita agad sa kanya.. Ibubugaw na rin kita saknya. Siguro naman ay wala ka pang kasintahan hindi ba? Irereto nalamang kita sa aking kapatid.." biro muli ni Crisanta..

Tumawa nalang ako bilang sagot. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano isasagot ko sa mga bagay na sinabi ni Crisanta. Ako? Irereto nia sa Kapatid niya? Eh kahit naman gaano ka perfect ang kapatid niya, di parin natin maalis ang katotohanan na Lola ko siya at Lolo ko ang kapatid niya.. As if naman pwede kaming magkatuluyan.. Ang laki kaya ng agwat.

Maya maya pa at narinig naming tumawag si Julieta. "Señora Crisanta.. Dumating na po ang inyong kapatid.. Nag hihintay na po siya sa salas.." tugon ni Julieta..

Agad napatakbo kay Julieta si Crisanta, kitang kita ang pagkasabik ni Crisanta sa sinabing iyon ni Julieta.. "Talaga? Nandyan na ang aking mahal na kapatid.. Sige, sandali lamang, tatapusin lamang namin ito at lalabas na kami.." sambit ni Crisanta..

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now