Ika-Bente Nuwebe na Kabanata

1.4K 72 14
                                    




"Sigurado ka na ba sa iyong pasya. Hindi na ba magbabago ang iyong isip?." Matamlay na tanong ni Crisanto.. Napatango nalamang ako sa tanong niya.

Bago pa man ito lumisan ay tumingin muna ito ng ilang segundo sakin. Ang mga mata nito ay nangungusap na para bang nag sasabi "sigurado ka bang ayos ka lamang dito".

Nagpakawala naman ako ng isang ngiti saknya bilang sagot sa kanyang pag aalala.. "Kung ganoon ay wala na kong magagawa pa. Magiingat ka palagi Kristina, Hayaan mo at dadalasan ko ang aking pag dalaw para masigurong ika'y ligtas." ani ni Crisanto..

Sumagot naman agad si Miguel sa mga aning iyon ni Crisanto.. "Wag kang mag alala Ginoo, Hindi namin pababayaan si Binibining Kristina dito.. at sisiguraduhin naming hindi na siya mapapahamak pang muli." sambit ni Miguel..

Bahagya naman siyang tinanguan ni Crisanto at tumalikod na upang sumakay sa kanyang karawahe.. Papatakbuhin na sana ni Crisanto ang karawahe ng tawagin ko siya.

"Crisanto, uhm, kung maaari sana ay hindi muna makalabas kahit kanino na batid mo kung nasaan ako.." pahabol kong pahayag.. Agad naman na sumagot ito, "Makakaasa ka binibini." tugon niya ng may lungkot pading nakaguhit sa kanyang mukha.

Magkatabi at pareho kaming nakamasid ni Miguel habang pinagmamasdan ang paglayo ng karawahe ni Crisanto.. Napalingon naman ako ng humarap sa akin si Miguel at  nagsalita.. "Sa aking pagkaka-alala, ang sabi ni Ina, Kristina din ang hinahanap ng isang Ginoong nakasuot pang heneral noong isang araw, sa tingin ko ay ikaw rin ang hinahanap ng Ginoong yon, Siya ba si Goyo?" Sambit ni Miguel..

Napatingin naman ako dito at walang pagaalinlangan siyang sinagot.. "Oo Miguel, Ang lalaking nakausap ni Aling Rosa ay si Gregorio.." ani ko naman skanya..

"Maging siya ay hinahanap ka rin, Binibining Kristina. Batid kong pati siya ay nag aalala narin sayo, ayaw mo bang ipaalam saknya na nandito ka? Malay mo, may maitulong siya sa iyong sitwasyon, lalo na sa babaeng nagtatangka sa iyo" sambit nito..

Yumuko naman ako. Kahit gaano ko kagustong sabihin at manatili sa tabi ni Goyo, mas nanaisin ko nalamang na ganito, "Ayoko ng bigyan pa siya ng panibagong problema, Miguel, masyado na siyang madaming iniisip para makadagdag pa." Ani ko kay Miguel.

Hindi na naman umimik pa si Miguel pagkatapos noon. Nadinig ko naman ang pagtawag samin ni Aling Rosa kaya naman pumasok na kami sa loob ng kanilang tahanan. Sigurado akong inaasahan nila ang aking paliwanag kaya naman ako na mismo ang nag simula sa pagsasalita.

"Aling Rosa, Mang Rigor," usal ko. Napahinto naman sa pagbabasa si Mang Rigor habang si Aling Rosa naman ay napahinto sa kanyang pananahi at parehas nilang ibinaling ang atensyon sakin. "Nais ko lamang po humingi ng tawad saking nagawa, hindi ko po intesyon na lokohin kayo tungkol saking pagkatao. Ngunit sana'y maintindihan niyo po na naisip ko lamang iyon para sa aking kaligtasan, Paumanhin po." Panimula ko.

Lumapit si Aling Rosa sakin at hinawakan ang aking kamay. "Naiintindihan ko ang lahat iha, yoon nga lang ,sana ay mas pinili mo nalamang na mag sabi ng katotohanan kaysa sa pagisip o pagimbento nang iyong di tiyak na pagkakakilanlan." Malumanay na tugon ni Aling Rosa..

"Pasensiya na po talaga saking nagawa, Aling Rosa." Muli kong paghingi ng tawad. Niyakap naman ako ni Aling Rosa pagyari noon. Lumapit naman samin si Mang Rigor at humawak sa likod ng asawa habang nakayakap sa akin. "Wag kang mag alala iha, alam naming hindi ka masamang tao, wag mo rin isiping nagiba ang tingin namin sayo, malawak ang pangintindi ng pamilyang ito, kaya naman tulad ng sabi ni Rosa, naiintindhan ka namin, batid naming nagawa mo lamang yoon para saiyong kaligtasan." Dugtong pa ni Mang Rigor.

Napangiti at tila lumuwag naman ang aking dibdib sa mga salitang iyon na nagmula sa mag asawa. Nagkatinginan naman kami ni Miguel at nagkangitian rin sa isat isa.

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Where stories live. Discover now