Ika-Bente na Kabanta

1.7K 103 42
                                    





".......Galing ka ba sa hinaharap?" Seryosong tanong ni Madam Dolores. Tila tumigil naman ang mundo ko sa nga tanong na binitiwan niya. Hindi ko rin alam kung ano ba ang mga dapat isagot sa mga katanungang iyon..


Lumapit siya sakin at hinawakan ang mga kamay ko.. Tumingin siya ng seryoso at deretso saking mga mata at muli akong kinausap.. "Alam ko na ang lahat tungkol sayo iha, alam kong ikaw ay nangaling sa taong kasalukuyan, Ipagpaumanhin mo kung hindi ko sinasadyang mabasa ito sa iyong talaarawan noong panahong ika'y nagkasakit. Alam kong mahirap para sa parte mo ang maranasan ang buhay dito sa nakaraan ngunit nais kong malaman kung bakit ka naparito.." tanong ni Madam Dolores..


May pag aalala na ngayon sa kanyang mukha, nagmistula naman siyang isang Inang na nag aalala para sa isang anak. Shookt parin ang reaction ko.. Halos naubusan naman ako ng mga bagay at salitang bibigkasin..


"Naiintindhan ko kung hindi mo pa kayang maikwento ito sa ngayon ngunit pag nais mo nang sabihin sakin ang totoo, nandito lamang ako anak, handa akong makinig. Wag ka sanang mag alinlangan sakin dahil kaya kong maging ina sa ganitong pagkakataon" tugon niya pa. Tama nga si Tatang, may isa nang nakakaalam ng totoo kong pagkatao.


Napatango lang ako. Nagpaalam na siya sakin at sinabing kinabukasan ay aalis narin kami sa bahay ng Flores upang sa tahanan niya na makapag pasko..


Napagtanto ko naman na ito pala ang sinasabi ni Tatang noong nagkausap kami sa barko ng gabing yon. Tama siya may isa na ngang nakakaalam na nagaling ako sa hinaharap, Pero may tiwala naman ako kay Nay Oreng. Alam kong hindi niya ito ipagasabi kahit kanino man.. Nangamba nanaman ako at naalala ang panaginip ko.


Sa panaginip na iyon, nakita kong hawak ni Goyo ang Talaarawan ko. Nakita kong binuklat na niya ito, at nabasa na niya ang unang pahina. May alam na rin kaya si Goyo sa sekreto kong ito? Ngunit kung may alam na siya, dapat ay nasabi na rin niya iyon sakin nung huli kaming nagkita.. Sa tingin ko, panaginip lang talaga ang mga iyon kaya impossible talaga..


Sa lalim ng pag iisip ko, di ko na namalayan ang pag pasok ni Crisanto sa loob ng silid.. "Binibini." saad niya habang tinapik naman niya ang aking balikat. Dahil wala ako sa sarili, halos mapalundag naman ako sa gitla sa pagtawag na ginawa niya. "Ai, kabayo" sambit ko..


Natawa naman ito sa naging reaksyon ko, nakahawak na ito sa kanyang tiyan kakatawa dahil na nabanggit ko. Pinakalma niya ang kanyang sarili at muli akong tinanong. "Ayos ka na ba, Binibini? Pansin kong madalas ka yatang magkasakit nitong mga nakaraang araw. Tila mahina ata ang iyong resistensya" sambit ni Crisanto..


Ngumiti lang ako skanya bilang sagot dito.. Nagbukas muli ang pinto nila at pumasok ang babaeng nakalumang barot saya. Sa tingin ko, siya ang tagasilbi ng mga Flores.. May dala itong mga ibat ibang uri ng prutas at isang basong tubig..


"Señor Crisanto, Narito na po ang mga ipinagbilin niyong prutas para sa Binibini.." tugon ng tagasilbi..


Kinuha naman ni Crisanto ang mga iyon at nagpasalamat sa dalaga.. "Maraming Salamat, Trining. Maaari ka nang bumalik sa iyong trabaho.." sagot naman ni Crisanto sa knya.. Nagbow lang ang tagasilbi at umalis nang muli..

Binalatan niya ang isang mansanas sabay abot naman nito sakin. "Makakainam kung kakain ka ng madaming prutas ng sa gnon ay bumuti ang iyong kalagayan.. Nakakalungkot naman kung magpapasko ka ng may sakit.." tugon ni Crisanto.


Tinangal niya ang balat ng 2 pang mansanas at iniabot sakin upang kainin iyon.. "Salamat sa iyong pagkalinga Crisanto, lubos kong ikinalulugod ito.." tugon ko naman saknya.. Kinuha ko ang bawat prutas na kanyang binalatan at kinain iyon. Kung tutuusin, napakaswerte kong babae kung sakaling makakapangasawa ko ng isang tulad ni Crisanto. Perfect Package. Gwapo. Magalang. Matalino. Matipuno. Maalaga. Maginoo. Mangagamot. Ma-abs. Name it, lahat na yata nasa kanya na. Kaso, ayoko siyang masaktan. Hindi bagay sa kanya ang babaeng eventually iiwan rin siya sa huli. I dont deserve him.

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Onde histórias criam vida. Descubra agora