Jema: Nay sabihin mo na po. Kinakabahan na ako. Naluluha na ito.

Nanay Helen: k.....kasi si Uriel m.....may lagnat k......kagabi pa. Nasabi na rin nito.

Bigla akong kinabahan. Pagkarinig ko na may sakit si Uriel ay bigla nawala ang hang over ko. Gusto kong liparin papunta sa kung nasaan naanduon ang anak ko.

Jema: Wa.... Wait nanay pu..... Pupunta na ko jan. Natataranta na ang babae

Nanay Helen: Akala ko kasi mawawala din yong lagnat nya kasi tinawagan ko si Dr. Lazaro (doctor ng mga bata) pumunta sya agad dito kagabi. Natingnan na yong bata nabigyan na rin ng gamot. Pero sabi nya kapag hindi pa bumaba ang lagnat dalhin na daw sa hospital. Tinawagan kita para sabihin na hindi pa bumababa ang lagnat nya. Mahabang litanya ng matanda.

Jema: Nay bigyan mo ko ng ilang minuto nandyan na ko. Habang nag lalakad papuntang cr

Nanay Helen: Sige anak mag iingat ka. Wag kang matataranta kumalma ka lang. Bilin ng matanda kay Jema. Halata kasi dito na taranta ito.

Jema: Opo nay. Sige po Nay mag aayos na ako. Paalam ng babae

Nanay Helen: Sige anak mag iingat ka. At pagkasabi niyon ay pinatay na nga ito.

Pinakalma muna niya ang sarili ng ilang sandali. Huminga muna ito ng malalim ilang beses din nya itong ginawa upang sa gayon ay makapag isip sya ng maayos. Nang maging maayos na ang takbo ng isip nito ay nagsimula ng mag ayos sa sarili.

Kumuha muna ito ng susuotin bago tuluyang pumasok ng kwarto. Naligo na ito at pagkatapos ay nag bihis ng mabilis.

Paalis na sya ng sumulyap ito kay Deanna. Nagdadalawang isip pa ito kung mag papaalam ba sya o hindi na lang.

Ang hirap naman. gigisingin ko ba sya para makapagpaalam ako sakanya? Pero baka magalit anong oras na din ata natulog kagabi. Lumapit ako ulit sa gilid ng kama. Ewan ko ba di ko na lang sya gigisingin. Pero bakit may nag uudyok sakin na halikan sya. Bahala na. Ayon nga hinalikan ko sa nuo nya. Bago ako umalis bumulong muna ako sakanya.

"I'll go ahead na muna love,ah. Babalik din ako" at muli itong hinalikan.

Nag mamadali ngang umalis si Jema. Hindi nga nya namalayan na hindi nya nadala ang phone.

Habang nag mamaneho ng kinakapa na nito ang phone nya ay hindi nito mahanap. Napag tanto ng babae na nailagay nya pala ito sa table na ng kwarto.

"Shit" tangi nitong nasambit.

Nako naman bakit ba lagi ko na lang nakakalimutan ang cellphone ko kapag nag mamadali ako. Tsk, pano na lang pag hinanap ako ni Deanna mamaya san nya ako tatawagan.

(Assuming ka gurl wala ka namang number ni Deanna, ah)

-ai oo nga pala basta malay mo

(ayan ka na naman sa "Malay" na yan eh kaya ka nasasaktan puro ka malay hahahahahaha)

-oo na author mapanakit ka talaga

(okay hindi na Bes! Drive kana ulit)

Sa haba nga ng traffic nakarating rin ako sa HFA (Home for Angels) pagka park ko ay agad akong tinakbo ang kwarto kung nasaan ang anak ko na may sakit. Nakita ko naman ito agad. Kasama nito si Nanay Helen at ang iba pang taga alaga.

Jema: Kamusta na po sya Nay? May pag alala sa boses

Nanay Helen: medyo bumaba na ang lagnat pero sabi ni Dr. Lazaro kailangan pa rin syang dalhin sa Hospital para ma eksamin sya ng mabuti. Paliwanag ng matandang babae

Sanctuary HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon