Chapter C: ENDING

Start from the beginning
                                    

"Hindi naman ako galit kay mommy..hindi ko kayang magalit sa kanya dahil mommy ko sya...mas galit ako sa sarili ko dahil wala man lang akong magawa para sayo..." sabi ko.

"Ano ka ba! The best ka pa ring boyfriend para sa akin no..." sabi ni Elisha at saka nya ako niyakap..

"At ikaw din yung the best na girlfriend para sa akin..." sabi ko.

Kung ano ano pa yung pinagkwentuhan namin ni Elisha...halos abutin kami ng 10pm sa pagkukwentuhan kung saan kailangan ng umuwi ni Elisha dahil nandiyan na yung sundo nya at kailangan nya pang pumasok kinabukasan..

"Don't worry, I will come back here tomorrow after my class...saka wag kang mag alala, half day lang naman kami bukas.." sabi ni Elisha.

Ayaw ko pa ring bitawan yung mga kamay nya..

Parang ayoko na syang paalisin...

Natatakot ako na baka hindi na sya bumalik..

"Promise, babalik ako.."sabi ni Elisha at saka nya ako hinalikan sa labi..

"Promise ha?" Sabi ko.

Tumango lang sya at saka na sya umalis..


*kinabukasan*

Halos hindi ako nakatulog kanina dahil puro si Elisha lang yung nasa isip ko...

"Mommyyy!!!" Sigaw ko.

Dali daling umakyat si Mommy at pumasok sa room ko. Halos hingal na hingal pa sya.

Tinawanan ko lang si mommy hahahaha!

"BAKIT??? ANONG NANGYARI ANAK??!" Tanong ni mommy na mukang alalang alala.

"Wala mommy...magpapatulong lang sana ako na mamili ng isusuot.." sabi ko.

"Para saan?" Tanong ni mommy.

"Eh mommy...pupunta kasi si Elisha dito mamaya.." sabi ko.

"Haha hay nako! Etong anak ko talaga na to! Kahit anong isuot mo naman anak gwapo ka na eh!" Sabi ni mommy.

"Hah nako si mommy talaga!!" Sabi ko at saka ko sya niyakap.

"Pero you look the best kapag maroon yung suot mo na polo." Sabi ni mommy.

"Yiee!! Okay!! Thank you!!" Sabi ko at saka ko kiniss si mommy sa pisngi.

Ngumiti naman si mommy.

"Ang sweet naman ng anak ko! Oh sya, teka lang...may kukunin lang ako..." sabi ni mommy..

"Oh sige mommy.." sabi ko at saka na ako naligo muna at nagbihis.

Pagkabihis ko, nagpabango na agad ako at saka na ako nag ayos ng buhok..

Pwede na siguro to..

At saka ako kumindat sa salamin..

"Kahit na payat ka na, gwapo ka pa rin self!" Sabi ko sa salamin at saka ako kumindat.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now