Chapter LXXXIV: SHE LIKES YOU TOO

7.4K 153 3
                                    

Ash's POV

7:48pm

Kanina pa walang imik si Autumn simula nung nangyaring suntukan kanina.

Nandito na kami ngayon sa hotel room namin. Lahat kami nakapangtulog na.

Si Clark nakahiga na agad sa may sofa habang nanonood ng TV. Medyo napipikit pikit na rin sya. Si MM naman kanina pa tulog. Si Elisha naman nasa CR pa naliligo. Si El nagcecellphone sa tabi ko, katext ata si Kaye.

*ringgggggg*

*ringgggggg*

Sabay sabay kaming nagsitinginan sa mga sarili naming cellphone. Kay Autumn pala yung nagriring na phone.

"Hello?" Sabi ni Autumn pagkakuha nya ng phone sa bulsa nya.

Agad namang lumabas sa CR si Elisha habang suot yung pajama at oversized na tshirt.

Sobrang cute nya hihi.

"What??? Really???? Ohmygod!! Thank you so much Ma'am!! Yes Ma'am I got it." Sabi ni Autumn na halatang sobrang saya at malayo sa kanina nyang muka.

"Bakit? Sino yun?" Tanong ni Elisha. Agad namang nagising si MM.

"Nakapasa ako sa interview sa pinakamalaking Accounting Firm sa USA!!" Sabi ni Autumn at saka nya niyakap si Elisha.

"CONGRATSSSS!!" Sabi ni Elisha at MM.

"Congrats." Simpleng sabi ni Clark.

"Congrats." Walang ganang sabi ni El.

Halatang walang pake si Autumn sa amin.

"Eh akala ko ba balak mong magtake pa ng course na Law?" Tanong ni Elisha.

"Ah yes, working student." Sabi ni Autumn.

"Congrats uli!! Natupad mo na yung pangarap mo." Sabi ni Elisha.

"Konting tiis at makakapagpatayo din ako ng sarili kong accounting firm." Sabi ni Autumn.

"So kailan ka daw magsisimulang magtrabaho?" Tanong ni Elisha.

Biglang nalungkot si Autumn. "Two days from now. So I need to get back at US asap." Sabi ni Autumn.

"So kailangan mo ng umuwi agad?" Tanong ni Elisha.

"Yes. Magpapahatid na lang ako pabalik sa private plane ni Tita pabalik sa bahay at pabalik sa US." Sabi ni Autumn.

"Ayan ha, masosolo mo na ulit sya." Bulong sa akin ni El sabay tawa ng mahina haha.

Agad na niyakap ni Elisha si Autumn ng mahigpit. "Mamimiss kita..." sabi ni Elisha.

"Mamimiss rin kita syempre..saka ano ka ba, syempre bibista ako dito paminsan.." sabi ni Autumn.

"Kahit na..Ang tagal na nga nating hindi nagkita tapos aalis ka nanaman agad." Sabi ni Elisha.

"Don't worry I will send a letter to you always." Sabi ni Autumn.

"Sabi mo yan ha?" Sabi ni Elisha.

"Yes." Sabi ni Autumn.

"Oh sya, tama na yang drama na yan at tara ng kumain ng dinner sa baba." Sabi ni Clark.

Sabay sabay na rin kaming bumaba agad.

Lahat kami tahimik lang na kumakain. Wala ni isang nagsasalita sa amin. Anong problema ng mga to?

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now