Chapter L: WHERE AM I?

9.5K 191 13
                                    

Elisha's POV

Iminulat ko yung mata ko..

Nakita ko si Ash na natutulog sa bangkuan sa tabi ko.

Nakahawak sya sa mga kamay ko..

"Ashh..." Sabi ko ng mahina. Hindi ko mailakas yung boses ko.

Ano bang nangyare? Pilit kong inalala lahat pero ang tagal mag proseso ng utak ko.

"Ashh..." Sabi ko at saka ko hinawakan yung kamay nya gamit yung isa ko pang kamay.

Unti unti nyang minulat yung mga mata nya at laking gulat nya nung makita nya akong gising.

"Buti naman at gising ka na. Kamusta ka na? Ano yung nararamdaman mo? May masakit ba sayo? Ha?" Sunod sunod na tanong ni Ash.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"I'm okay Ash." Sabi ko.

Ngumiti lang sya sakin na may halong awa at pag aalala.

"I'm so sorry Elisha. Sorry nahuli ako ng dating. Sorry kasi napag initan ka nila Marga ng dahil din sa akin. Kung maaga lang sana akong dumating, hindi sana nangyari yun." Sabi ni Ash na halatang inis na inis sa sarili.

Hinawakan ko lang yung kamay nya. "Ash, wala kang kasalanan. Hwag mong sisihin yung sarili mo okay? Tinulungan mo naman ako eh, pinagtanggol mo ako sa kanila." Sabi ko.

Ngumiti lang sya sa akin pero I don't think na naconvince sya sa mga sinabi ko. Mukang nasa isip nya pa rin na sya mismo yung may kasalanan ng lahat.

"Wait, tatawagin ko lang yung mga nurse ha?" Sabi ni Ash at saka sya tumakbo papalabas.

Ngayon ko lang napansin na nandito rin pala sila Andrea, El, at Clark. At ngayon ko lang naisip na nasa ospital pala ako.

Natutulog lang silang tatlo dun sa may mahabang sofa.

Agad ding nakabalik si Ash kasama ng doktor at isang nurse.

"How are you? Kamusta yung nararamdaman mo?" Tanong ng doktor sa akin.

"Okay naman na po ako doc." Sabi ko.

"Good to know. Magpahinga ka na muna sa ngayon. Rest. At hwag mo na ulit papagurin yung sarili mo ha?" Sabi ni doc.

Tumango lang ako.

"Oh sya, si Mr.Cameron ng bahala sayo. Nasabi ko na kay Mr.Cameron lahat ng mga dapat gawin." Sabi ni doc. May mga sinabi sya kay Ash na hindi ko marinig. Nag shakehands sila at nagthank you sila sa isat isa at saka na umalis si doc at yung nurse.

Kumuha agad si Ash ng tubig at saka nya ako pinainom.

"Thanks." Sabi ko.

Isa isa ding nagising sila El at saka sila lahat lumapit sa akin.

"Kamusta na yung nararamdaman mo Elisha?" Tanong sa akin ni Clark.

"Okay naman na ako, medyo kulang lang sa energy." Sabi ko.

"Don't worry Elisha, napa guidance na namin sila Marga,Kara at Sandra." Sabi ni El.

"Yes, at expulsion ang kapalit nun diba? Hahahha!" Sabi ni Andrea sabay tawa.

Medyo kumikirot nanaman yung ulo ko.

"Ilang oras ka ring hindi gumising, sobra kaming nag alala sayo." Sabi ni Clark.

"Buti na lang talaga at dumating si Ash at pinagtanggol ka nya! Iba ka talaga boy!" Sabi ni Andrea.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now