Chapter LXX: RAINING

8.1K 151 21
                                    

Elisha's POV

Nasa loob na ako ng kwarto ko ngayon.

Biglang nagtext si Ash.

["I'm so sorry Elisha."]

Hindi ko na lang muna pinansin.

Pamaya maya nagtext ulit sya.

["I'm very sorry."]

Hindi ko sya nireplyan.

Totoo kaya yung sinabi sa akin ni Autumn?

What if?

What if ang tingin nga sa akin ni Ash eh easy-to-get?

Sa bagay, ganun naman talaga yung mga mayayaman diba? Iniisip nila na lahat ng bagay madali nilang makukuha sa pamamagitan ng pera.

Pamaya maya sunod sunod pa yung text ni Ash.

["Elisha, please talk to me."]
["Hindi ko naman sinasadya na awayin yung bestfriend mo."]
["Sorry din kung nasigawan kita nung nasa ospital tayo. Sorry sa lahat ng nasabi ko sayo."]
["Elisha, sana mapatawad mo ko."]
["Please Elisha, ayusin natin to."]
["Hindi na mauulit, promise."]
["Nagselos lang naman ako sa bestfriend mo.."]

Nagselos?


Hindi ko pa rin sya nireplyan.

*After two days*

Bumangon na ako sa higaan ko at saka na kami sabay sabay na kumain nila mama at papa.

"Nga pala anak, sa bahay daw tayo nila Autumn magdidinner mamaya, tinext ako ng mommy ni Autumn." Sabi ni mama.

"Okay po." Sabi ko.

After naming kumain, ako na rin yung naghugas ng plato. Si mama naman naligo na at saka na gumayak dahil papasok pa sya sa DayCare para magturo.

"Bilib na talaga ako dyan kay Ash. Abay hanggang ngayon walang mintis yung pinapadalang pameryenda sa mga bata. Napakabuti talaga. Sana maraming mayaman na katulad nya." Sabi ni mama.

Sana nga mabait si Ash...

Sana hindi sya katulad ng iniisip ni Autumn.

Pamaya maya nakatanggap ako ng text galing kay Clark.

["Are you free today?"]

Nagreply din ako agad.

["Yes. Why?"] sabi ko.

Hindi na sya nagreply.

Pamaya maya lang may bumusina sa harapan ng bahay namin. Paglabas ko nakita ko si Clark.

Seryoso??

Kumaway sya agad sa akin.

"Pasok ka." Sabi ko at saka ko sya pinatuloy sa bahay namin.

Nagmano na muna sya kila mama at papa.

"Bakit ka nga pala nagpunta dito sa amin?" Tanong ko.

"Secret. Hmn...basta!" Sabi ni Clark.

Agad naman na binigyan ni mama ng juice si Clark. "Ay thank you po." Sabi ni Clark at saka sya uminom ng kaunti.

"Ay tita, pwede ko ho bang mahiram saglit si Elisha? Maglilibot libot lang po kami saglit. Promise po saglit lang po kami." Sabi ni Clark.

Medyo napapataas naman yung kilay ko kay Clark.

Anong balak ng taong to?

"Oh sige, basta ha saglit lang kayo ha? Ibalik mo rin mamaya si Elisha bago mag5pm." Sabi ni mama.

DATING MR. BILLIONAIRE [COMPLETED]Where stories live. Discover now