PROLOGUE

36 1 0
                                    

Lumabas muna ako ng dressing room para magpahangin sandali. Mamaya pa naman simula ng awarding ceremony at tapos nanaman ako mag rehearse kaya tatambay muna ako dito.

Akala ko masosolo ko 'tong rooftop, may tao rin pala. Lumayo na lang ako ng onti at tumingin sa ulap. Hindi naman maaraw ngayon kaya hindi nakakasilaw.

Kinakabahan ako para mamaya. Magpeperform din kasi BTS, 'wag sana magkalapit ang seat na naka assign samin.

"Bakit kagrupo ko pa, Denisse?"

Nagulat ako nung biglang may nagsalita. Kilala niya 'ko?

Napatingin ako bigla sa kanan ko at hindi ko inaasahang makita siya dito.

Bumalik nanaman ang lahat ng sakit, lahat ng nangyari dati.

"Akala mo ba hindi ko alam? I'm not stupid, Denisse. Pwedeng mailihim mo sakanila pero hindi saakin." seryoso niyang sabi habang nakatingin diretso sa mata ko.

"He was there for me when you left." simpleng sagot ko.

"I didn't left you. Ikaw ang nakipag break sakin."

"You already left me when you chose her."

"Napilitan lang ako dahil sa career ko, Denisse. I didn't mean to get that close to her."

"Don't use your career as your damn excuse dahil malinaw sakin kung anong meron sainyong dalawa!" sabi ko at tumigin sa baba. Naiiyak nanaman ako.

"I was infatuated that time. Hindi ko---"

"You were infatuated with another girl when in fact you already have a girlfriend! Tingin mo ba hindi ako nasaktan noong nalaman ko 'yon? You didn't even care to tell me that time na nagkikita pala kayo. Why do I have to find out everything by myself?" sabi ko at tuluyan nang tumulo ang luha ko. Ang sakit pa rin pala. Akala ko tanggap ko na.

"At tinatanong mo kanina bakit si Yoongi pa? Bakit sa lahat si Yoongi pa yung nagustuhan ko? Kasi siya lang naman ang nandyan para sakin noong oras na iniwan mo ko! Siya lang ang tumulong sakin noong ang bigat bigat ng pakiramdam ko dahil sa ginawa mo." sabi ko at napatahimik naman siya bigla. I'm sorry. Hindi ko sinasadya lahat ng sinabi at nagawa ko. Nadadala lang ako sa emosyon ko.

"'Wag ka mag alala, Taehyung. Kung ano man yung nararamdaman ko para kay Yoongi noon, wala na 'yon, matagal nang wala. Matagal ko nang itinigil 'yon dahil alam kong mali."

"I'm sorry, Denisse. I didn't mean to hurt you. Dapat pinakinggan na lang kita."

"Sana naisip mo yan bago mo 'ko iniwan." sabi ko at umalis.

You hurted me Taehyung but I still love you.


___

Reminder lang po ulit. This is a FICTIONAL story. Lahat ng ilalagay ko dito ay para sa plot ng story. The characters attitude and all does not define who they are in real life.

All events in this story is just a product of my imagination. This has nothing to do with them in real life.

Being an Idol (Ongoing)Where stories live. Discover now