The Truth Hurts... Seriously!

3.3K 69 4
                                    

Fille's P.O.V

Haaaaaaay. Kainaman.

Ang sarap gumising sa umaga kapag mahal mo ang una mong nakikita...

Ang clingy kasi nitong si Greta kaya tabi kami matulog gabi gabi. Ewan trend na ata ito sa dorm na to... Lahat ng couples nagtatabi matulog. Hahahahahahah
Natutuwa lang ako kasi sobrang nag-iba si Gretch. Sobrang alaga niya. Sobrang patient. Sobrang sweet. Alam mo yun? Yung lahat ng gagawin niya sobra? Sobra din tuloy ang kilig ko araw araw. 😍😍😍😍😍😍😍😍

Gretch: -_- Goodmorning Part.

Fille: Good morning (sabay kiss kay Gretch)

Part. Short for partner... Yan ang naisip namin tawagan kasi naunahan na kami sa Love, sa babe at sa hon. Actually si Gretch ang nakaisip niyan para daw hindi masyadong common. Mejo cute naman diba? Part!

Gretch: Kanina ka pa gising?

Fille: No naman... Mga 10 minutes palang...

Gretch: (uupo) Uhm... Gutom ka na? Gusto mo ipagluto kita?

😍😍😍😍😍😍😍
See, ang sweet niya diba? Hindi pa man siya nakakapaghilamos at toothbrush ay iniisip na niyang pagsilbihan ako...

Hindi kasi siya ganyan dati nung unang naging kami... Sineseryoso na niya talaga yung chance na binigay ko. Sana magtuloy tuloy na...

Fille: Alam mo, to be fair ako naman ang maghahanda ng breakfast natin ngayon okay?

Gretch: Huh? Ako nalang, dito ka nalang muna..,

Fille: No, I insist... Dito ka nalang. Dadalhin ko yung food dito once Im done (kiss sa cheek ni Gretch then takbo palabas ng room)

Alam ko kasi na makikipagargue pa yun. Ipipilit niya na siya nalang ang magluluto kaya tumakbo na ako palabas... This time ako naman ang babawi :)))

Mich's P.O.V

Makatarungan bang magselos sa isang bakla?

Nagseselos na kasi ako kay Lloyd. Grabe, lagi silang magkasama ni Jia. Tapos madalas pang magkatext? Hindi naman tama yun diba? Tapos malalaman ko na noong araw na nawala si Jia e si Lloyd yung kasama niya... Nagstarbucks daw sila tapos nasiraan si Lloyd kaya naglakad nalang daw si Jia kasi malelate siya sa klase niya sa araw na yun... Basta ang gulo atska hindi ako naniniwala...

Rex: Uhy, Michifu... bakit nakakunot nanaman yang noo mo?

Mich: Hindi ka ba nagseselos?

Rex: huh? Anong sinasabi mo? (sabay upo sa tabi ni Mich)

Mich: Kay Jia at kay Lloyd... Lagi nalang silang magkasama. Hindi ka ba bothered or anything?

Rex: Gaga. Bakla si Lloyd no... Kung magtataksil siya sa akin alam kong sa lalaki rin... Kaya wag kang praning okay?

-_- amp... Bothered lang naman kasi ako talaga... Hindi ko magets kung bakit ganun.

Rex: Alam mo kumain nalang tayo. Treat ko... (sabay hila kay Mich)

Jia's P.O.V

Maeffort din pala itong si Lloyd ano?

Isang linggo na naming pinaghahandaan yung surprise niya para kay Rex and finally, matutupad na siya mamayang gabi.

Ganito kasi yan. Napagisipan namin ni Lloyd na palabasin kay Rex na tinutulungan lang ako ni Lloyd para sa surprise ko kay Mich. Marami kasing kilala si Lloyd na organizers kaya yun. Syempre ako nagplano na rin... Hindi ako magpapatalo no. Dapat may surprise din ako para kay Mich.

More than teammatesWhere stories live. Discover now