Truth on a dare night

3.9K 70 0
                                    

Den's P.O.V

Den: 🎼🎶🎤 We stand on the hill. Between the earth and sky

This is so embarassing ladies and gentlemen. Nandito ako ngayon sa tapat ng UP at kinakanta ko lang naman ang Ateneo Hymn.

Well, this is part of our annual Dare night aka A nacachi's birthday. Bwisit talaga. Nakakahiya. Lahat ng tao dito nakatingin sa akin.

Fille: Den, lakasan mo pa... Ang daya.

Sigaw ni Fille habang hawak niya yung phone niya para ivideo ako. -__- Nang-asar pa talaga. E halos saksakin na nga ako ng mga tao dito e. Take note, with matching taas pa ng kamay to ah, para feel na feel ko daw.

FF

After ng song, nagmadali na akong bumalik sa kotse. Grabe, halos hindi na ako makahinga sa sobrang kahihiyan. Bakit ba kasi nainbento itong dare night na to. Amp!

Den: hindi ko na uulitin yun. (Sabay takip ng mukha)

A: Ang galing mo kaya. Pwede ng pangconcert... (sabay tawa)

Aly: Oo nga babe. Sobrang galing mo... (sabay smile na nang-aasar)

Den: Tantanan no ako ah. Gusto mo ikaw ang isunod ko?

Aly: Joke lang naman (sabay hug kay Den) I looove you.

Pasalamat tong Aly na to mahal ko siya...

Dzi: Tama na yan, let's move on to the next... Den, pili na...

Hmmm... Let me think. Kanina ko pa gustong idare si Jia at si Mich. Napansin ko kasi na hindi sila okay. Wala rin namang nakukwento sa akin si Jia. Si Mich naman hindi alam kung bakit galit sa kanya ang kapatid ko... Kaya bilang ate, kailangan ko ng umaksyon... Hahahaha

Oo na, pakialamera na kung pakialamera pero, ang pagiging pakialamera ko rin ang naging dahil kung bakit naging sila, diba?

Den: I dare Jia and Mich.

Jia: huh? pwede yun?

Jem: Yup. Pwedeng pwede na... Bunot (sabay labas ng dare jar) Oh, maganda to...

Fille: (hahablutin ang papel sa kamay ni Jem) Hanapin ang puntod ni Maria Elisa Tarnate at magselfie.

Jia: Puntod? Serysoso?

Hay naku... Sana magwork tong plano ko. Sana makapagusap na sila para maayos na. I don't wanna see Mich sad and I'm afraid Jia is returning to her old masungit self and I don't want that...

Mich's P.O.V

This shit is really scary and it's not evem funny. Sa dami dami ng dare na mabubunot ko, eto pa. Alam naman nila kung gaano ako kaduwag sa mga bagay na ganito e. Tapos galit pa sa akin si Jia. Mas natatakot akong isipin na baka iwanan niya ako dito mag-isa...

Mich: (mejo pabulong) Love, I know you're mad at me and I don't even know why but please. Parang awa mo ma, wag mo akong iwanan dito ha...

Hindi siya sumagot pero napansin kong bumagal siyang maglakad. Meaning, narinig niya yung sinabi ko.

Hanggang ngayon, damang dama ko parin yung hapdi ng sampal niya sa akin. Ang mas masakit pa, hindi ko alam yung reason kung bakit siya nagagalit sa akin ngayon. 2 days na kaming hindi nag-iisip. Ni hindi nga niya ako pinapansin. :((( I also tried cornering her so that we could talk it out sana kaso she outsmarted me kaya nakatakas siya... Napapaisip tuloy ako kung blessing in disguise ba tong dare na to. Hmmm...

More than teammatesWhere stories live. Discover now