Baler

5K 88 4
                                    

Mich's P.O.V

Outing!!! Yehey. The Ateneo lady eagles are going to Baler... First time kong pupunta doon kaya super excited ako. 3 games na ang napapanalo namin kaya ngayon bibigyan kami ng time off. Vacation mode for 3 days.

Kim: Do you think i should bring this? (Sabay taas ng bikini top niya) or this one nalang?

Jaime: I think the black one is much better.

Kim: But I really like the pink one. What do you think?

Jia: Bring both. Tanong tanong ka pa jan e yung gusto mo lang din naman ang dadalhin mo.

Ouch! Basag... Mainit nanaman ang ulo ni Jia. Actually kanina pa. Lahat kami dito nabara na niya.

Ana: Chill lang boss. Mas mainit pa sa araw ang dugo mo ngayon ah.... Meron ka no?

Jia: Shut up.

Tumawa kaming lahat. Sanay na kami kay Jia. Lagi namang ganyan yan e. Pero wag ka, kahit nuknukan ng sungit yan sobrang bait naman... Siya yung tipo ng tao na hindi nagpapakita ng emotions pero deep inside concerned yan.

Mich: Tama na yan... Matulog na tayo at maaga pa tayo gigising bukas... Diba Jia? (Smiles) smile ka naman jan... Wag na masungit. ( sabay lapit ng mukha kay jia) smile...

Jia: (smile ng sarcastic) Che! (Tapos walk out)

Mich: hahahahaha. Goodnight!

Pahabol na sigaw ko pero hindi na siya sumagot.

Jia's P.O.V

Mich: Goodnight!

Huling sigaw sakin ni Mich pagkalabas ko ng kwarto nila. Lumabas na ako kasi baka hindi ako makapagpigil at mahalikan ko pa siya...

Alam mo yung feeling na sobrang lapit ng mukha niya sakin. Hindi ko alam kung maiilang ako o magbblush nalang. Pero nanaig ang pagbblush kaya nagwalk out nalang ako para hindi halata. Shit. Baka naoobvious na ako.

Kailangan kong kausapin si ate Ella. I need help kaya hinanap ko siya. Pagpasok ko sa kwarto namin nakita ko si Den at si Ate Ly. Naghaharutan... At sa kama ko pa talaga ha.

Jia: Eeeeew. Kung may ginagawa man kayong kababalaghan pwede wag sa kama ko? Respeto naman.

Den:Ang OA mo jan ah. Para makikihiga lang e.

Jia: Nagpaalam ka ba?

Den: Kailangan pa ba. E saglit lang naman ah.

Aly: Uhm, sorry Jia. Babalik nalang ako sa room ko...

Jia: (inirapan ko si Den) Wag na ate Ly... (Lumingom ako sa left ko) Ate Ella, pwede ba tayo magusap?

Ella: Huh? Bakit? Hindi pa kasi ako tapo...

Jia: Please... It's a matter of life and death.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Nagets naman niya agad ang ibig kong sabihin kaya sumama siya sakin. Dumiretso kami sa veranda close doors pa para wala talagang makarinig.

Jia: Sorry Ate ha. Ikaw lang kasi ang malalapitan ko e.

Ella: Ano ka ba. Wala yun. Diba sabi ko nga sayo, kapag kailangan mo ako nandito lang ako... Now spill.

Jia: ewan ko Ate. Nahihirapan na ako.

Ella: Ano ba kasi ang ikinakatakot mo?

Jia: Etong nararamdaman ko mismo. Nandun na tayo sa gusto ko siya... Takot lang ako malaman na hindi pareho yung nararamdaman niya para sakin. Masakit kaya yun.

More than teammatesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon