Intense

3.9K 87 10
                                    

Dzi's P.O.V

Bakit ba sa tuwing maganda ang laro namin at nanalo kami ay may masamang nangyayari?

Noong una, yung labas namin against UST. may bugbugan na nangyari. Then yung laban namin against UP, nainjure si A. After than si Jem naman yung nabalian ng paa after namin manalo against Adamson. Sumpa ba ito or what?

Nandito kami ngayon sa labas ng athletics department office ngayon. Intense kasi yung nangyari kanina. Sa buong volleyball career ko, kanina lang ako nakakita ng players na nagrambol... Sa gitna ng court... Habang naglalaro.

Ganito kasi yun...

FF - Bus on the way to MOA arena

Jia: Sigurado kayong kami ang paglalaruin niyo? Si ate gizelle nalang.

Injured parin kasi hanggang ngayon si A at si Jem kaya napagdesisyunan ni coach Roger na si Mitch at si Jia muna ang papalit sa kanila. Kinakabahan nga sila at pressured ... First game kasi nila to sa UAAP tapos semi finals agad. But I feel for them, syempre naging rookie din naman ako no.

A: Okay lang naman matalo e. No pressure.

Jem: Oo nga... (Sabay tingin kay A) Pero sayang naman kung ngayon tayo malalaglag. Semi finals na rin kasi.

Gretch: sobrang lapit na natin sa Finals. Isipin niyo, kung manalo tayo ngayon, 4 na laro nalang top 2 na tayo (taas baa ng kilay)

Fille: Makakabawi na tayo sa La Salle... Tapos Champions!!!!

A: But as I said, okay lang naman matalo. No Pressure.(sabay ngiti)

Mitch: Mga sinungaling!

Hahahahahahah. Nakakatawa talaga tong mga thunders na to. Kanina pa kasi nila pinagttripan si Jia at Mich. Alam kasi nilang kinakabahan yung dalawa.

Aly: Kap, pagsabihan mo nga tong si Den, okay lang naman na hindi siya maglaro diba?

Kagabi pa kasi may sakit itong si Denden. Kung kay coach, okay lang naman na hindi siya maglaro e. Pero siya tong mapilit. Okay na daw siya, and since kailangan namin ng libero paglalaruin daw siya ni coach.

Den: Babe, you worry too much. Okay lang ako. Look (ilalapit ang leeg kay Aly)

Aly: Bahala ka Dennise.

Ella: ui, Dennise daw. (tonong nangaasar) Lagot ka.

Den: Ano ba, doon ka nga (sabay bato ng face towel kay Ella) Babe, wag ka na magalit.

Aly:Bahala ka. Kung may nangyari sayo bahala ka. (sabay irap)

Ella: hindi mo naman siya matitiis e (ngiting nang-aasar)

Aly: umalis ka nga sa harap ko (sabay bato rin ng face towel kay Ella)

Hindi ko nalang sila masyadong pinansin, mas pinagtuunan ko kasi ng pa sin ying dalawang rookies. Kailangan ko silang pakalmahin para hindi sila kabado masyado kapag game na. Buti nga kumalma sila ng konti e.

Yung kaba nila ay napalitan ng excitement nung nakita nila ang mga fans na nag-aabang sa amin.

Gretch: Naku, dumating lang si Aly sa team, lumobo na ng ganyan ang mga tagasuporta natin.

Marge: Pustahan tayo, 60% jan kay ate Aly lang.

Gizelle: Iba talaga kapag Phenom e.

Aly: Wag nga kayo... Nakakahiya (sabay blush)

Totoo naman kasi, ngayon ko lang nakitang ganito kagigil at kaexcited ang mga fans. Malaking factor naman kasi talaga itong si Aly. Sobrang galing kasi at humble pa kaya hindi malabong maraming nagmamahal sa kanya. 😆

More than teammatesWhere stories live. Discover now