Not the Jealous Type

4K 66 0
                                    

Aly' P.O.V

-_- Tinataguan parin ako ni Den hanggang ngayon. May nagawa kasi akong kapalpakan kaninang umaga. Nangako kasi ako kagabi na gigising ako ng maaga para ipaghanda siya ng breakfast at ihatid sa first class niya. Kaso hindi nangyari e. Late na kasi akong nakatulog kagabi kakaisip kung anong lulutuin ko sana kaya late din ako nagising. Kanina paggising ko wala na siya. Wala man lang note or text or kahit missed call man lang. Ibig sabihin lang nun, galit siya...

Kaya eto ako ngayon, paikot ikot sa mall kasama si Gizelle at Marge. Nagpatulong kasi ako sa kanila na maghanap ng peace offering.

Gizelle: Wala ka pa bang nahahanap ate Ly?

Marge: Oo nga, kanina pa tayo paikot ikot dito. Lahat naman ng suggestions namin, ayaw mo... Ano ba talaga?

Aly: Eee. Gusto ko kasi yung regalong pang sorry talaga. Ano ba naman kasi yung mga sinasabi niyo...

Kung hindi damit, pagkain. Ano yun birthday? E peace offering nga diba? Naisip ko kasi na ang cliche naman kung flowers atska allergic siya dun kaya isip isip pa.

Marge: After talaga nito, ililibre mo kami. Nakakapagod na ha...

Naglibot libot pa kami ng konti, napagod narin ako kaya tulad ng sabi ni Marge,
Nilibre ko sila ng pagkain. -_- Yung pambili ko ng peace offering, napunta na sa tyan nila...

Marge: O.o Si ate Den yun ah...

Aly: Huh? Saan?

Gizelle: Siya ba yun? Bakit may kasama siyang lalaki?

Marge: Si LA ata yun. Yung pinsan ni Jeron.

Gizelle: Tara sundan natin..

Aly: Wag na. Ubusin niyo yan (sabay turo sa mga food)

Marge: Hindi ka affected?

Aly: Hindi.

Well actually, Oo. Syempre girlfriend ko yun. Pero hindi naman kasi ako sure na si Den nga yun. Kung siya man yun at kasama nga niya si LA alam ko na may reason yun kung bakit. May tiwala naman ako kay Den. At hindi naman niya ata ako kayang lokohin... Sana.

Den's P.O.V

Badtrip na nga ako dadagdag pa sa BV ko tong ungas na to. Si Aly kasi e, nagpromise siya na magluluto ng breakfast ko pero hindi naman pala nagising ng maaga. Sa sobrang inis ko, umalis ako ng dorm ng hindi nagpapaalam. Mejo mababaw lang yung reason ko kung bakit ako galit pero nakakatampo lang kasi talaga. Bakit ba?

At dahil nga sa ayaw ko pa siyang makita, pumunta ako dito sa mall. Mahabahaba kasi ang break ko ngayon kaya gusto ko sana magchill sa starbucks. Coffee lang tapos sabay basa na rin ng book. Okay na sana e, kaso out of nowhere biglang sumulpot itong lokong to at hindi na ako tinantanan.

LA: Ui, pansinin mo naman ako. Kanina pa ako sumusunod sayo...

Den: Edi wag kang sumunod. Tantanan mo nga ako.

LA: Mag- isa ka. Tapos mag- isa din lang ako... Edi, magsama tayo muna. Bored na ako e...

Den: Wala akong pakialam sa feeling mo okay. Stay away.

Binilisan ko yung lakad ko pero naabutan parin niya ako. Nakakainis talaga tong taong to. Kapag ako nainis, ilalaglag ko siya sa ground floor. Totoo yun!

LA: Pagbigyan mo na ako. Sige na.

Den: Pucha, ayoko nga... Maghanap ka ng ibang kasama mo. Badtrip ako kaya iba ang pagtripan mo ngayon okay?

More than teammatesWhere stories live. Discover now