Dorm

5.1K 73 2
                                    

Dzi's P.O.V

Today is the day. Darating na ang rookies ngayon plus Alyssa kaya maaga akong nagising. Walis dito, punas diyan. Nagluto narin ako ng breakfast. Nakakahiya naman kasi sa mga teammates ko - sarcastic yan ha -

Well, nasanay lang talaga ako. Dala narin ata ng pagiging captain ko. Para sakin, responsibilidad ko silang lahat.

So eto nga ako. 5:00 na ng matapos ako sa lahat ng ginawa ko kaya naisipan kong magpahinga, bago ko isa isang gisingin ang teammates ko. Pagkaupo ko sa sofa, may nakita akong note na nakadikit sa TV.

Room assignments pala. Nakagawian na kasi namin magpalit palit ng rooms every school year...

Dzi - Jem - Mae

Marge - Jaime - Kim

Aly - Mich - Ana

A - Gretch - Amy

Ella - Den - Jia

Bea - Gizelle - Fille

Wow ha. Ewan lang, parang may mali ata sa room assignments na to. Masama ang kutob ko pero ano pa nga bang magagawa ko, si coach na nagsabi na ganyan daw so ganyan na yan. Ginising ko nalang yung teammates ko...

FF

After ko sila gisingin isa isa, edi nagsibabaan na. Haha

Gretch: O.o bakit ang linis ng dorm?

Fille: So gulat ka na niyan? Idilat mo kasi ang mata mo.

Gretch: Ang aga aga Fille ha. Tantanan mo ako.

Mae: Uhy, LQ.

Ella: Uhy, pagkain... (Sabay diretso sa dining area) Luto mo cap't?

Tumango lang ako tapos umupo narin. Gutom narin kasi ako. Habang kumakain kami, nakarinig na ako ng mga yapak. Nanjan na sila... Excited ako pero konti lang naman. Dagdag nanaman to sa family.

Amy: Hi Rookies plus Aly. (Smiles)

Aly: Hi, Den (smiles)

Amy: :( Amy kasi ata ang pangalan ko.

Tumawa naman kaming lahat dahil dun. Basag kung basag si Amy. Hahaha. Nakita ko naman si Den, biglang nagblush ang gaga. Hmmm, i smell something 😉

Aly's P.O.V

Please Lord, Sana roommate ko si Den. Please...

Paulit ulit kong dinadasal yan, magmula pa kagabi. Sana lang talaga. Kasi una, friends na kami pangalawa, komportable ako sakanya at pangatlo... Wala gusto ko talaga e. so please Lord. Please...

Nandito ako ngayon sa reception area ng Eliazo. Halos sabay sabay kaming dumating ng mga rookies, Napagdesisyunan namin na hintayin na si Ana at Jaime para sabay sabay na kaming pumanhik. Nakausap ko rin si Mich - ang kulit nitong batang to. Parang pinainom ng maraming maraming energy drink - Si Kim - pang beauty queen kung kumilos very prim and proper - at si Jia - eto yung kapatid ni Den - Kaso, tamad ata siya magsalita. Isang tanong isang sagot ang peg niya, minsan tatango lang. Ang layo kay Den.

After ilang minutes din ay dumating na yung dalawa, naku makukulit din pero okay lang, atleast hindi boring diba? So ayun nga umakyat na kami pagpasok namin ng pinto, Si Amy agad ang unang nagsalita.

Amy: Hi Rookies plus Aly. (Smiles)

Aly: Hi, Den (smiles)

Amy: :( Amy kasi ata ang pangalan ko.

Hala. Den ba yung sinabi ko? Nakakahiya. Lusutan mo to Ly.

Aly: No. No. No. What I meant to say was, hi to you too. In tagalog. Hi den.

More than teammatesWhere stories live. Discover now