Apologies

3.8K 64 4
                                    

Aly's P.O.V

Yehey! Finally makakauwi na rin ako ng batangas. Mejo matagal narin akong hindi nakakabisita sa bahay namin gawa ng busy nga parati kaya sobrang saya ko na may free time kami this weekend. Plus kasama ko pa ang buong ALE. Fiest kasi sa amin, sa San Juan sabi ni daddy invite ko daw lahat ng kaibigan ko kaya ginawa ko... Hahahahahaha

Excited din ako kasi finally makikilala na ni Dad at ng mga kapatid ko si Den. Matagal ko ng gusto mangyari to kaso laging nauudlot e pero atleast ngayon mangyayari na... Naku, kung alam lang di Den kung gaano ko siya binibida sa mga kapatid ko.

Amy : Pass the chips please...

Gizelle: Nga naman. yung iba kasi jan ayaw mag share...

Nakay Marge kasi nanaman lahat ng food. Siya pa nga ang nagpresenta na mag-grocery ng mga baon namin kaya ayan tuloy, favorite lahat niya yung nandito. Nakakapagtaka nga kasi himalang hindi nakakapag agawan si Ella sa pagkain. Nahati kami sa tatlong grupo. Ako, si Den si Ella, si Amy, si Bea, si Marge at Gizelle nakasakay dito sa kotse ko...
Ang fab five naman ang gumamit ng van ng ALE kasama si Jirah at Mae. Si Jia naman dinala yung kotse niya, siyempre magkakasama silang mga rookies...

Den: Besh. Ang tamlay mo... Bago yan ah...

Aly: Oo nga, ano yan bagong image? (sabay tawa)

Aw. Hindi siya sumagot. Umirap pa at naghead set. Ano kaya ang problema ni madam? Pangunahing excited pa naman yan sa mga trips na ganito pero ngayon hindi :(

Ella's P.O.V

Eksena tong mga to... Badtrip na nga yung tao tapos pagttripan pa nila...

Hay. Badtrip naman kasi si Jeron e. Nagpromise siya na sasama siya ngayon sa amin tapos on the last minute biglang hindi nalang daw. May practice game daw pala sila na nakalimutan niya... Well, naiintindihan ko naman. Bilang atleta din ako pero nakakatampo lang talaga. Alam mo yung plinano mo na yung buong weekend mo para sa inyong dalawa tapos hindi pala matutuloy? -_-

Aly: Uhy, (sabay kalabit kay Ella) Sorry na...

Ella: (aalis ang headset) Bakit?

Den: ang sungit mo... Meron ka no?

-_- Bahala kayo jan. Matutulog nalang ako...

Dzi's P.O.V

Kainaman. Bakasyon nanaman. Although short lang to atleast out of town. Naisingit kasi sa sched namin itong outing na to. Nagyaya kasi ang tatay ni Aly na kung pwede daw ba kaming makifiesta sa kanila. Abay syempre game kami jan. Dito palang sa kotse ang saya na e... Ano pa kaya kapag nandun na kami :)))

Mae: Ano ba yang sinusulat mo jan? Hindi ka ba nahihirapan?

Jirah: Hindi naman... Kanta kasi to... sayang naman yung idea kung mamaya ko pa isusulat. Baka kasi malimutan ko.

Mae: Para kay Marge ba yan?

Jirah: (smiles) kanino pa nga ba...

Desidido kasi siyang makipagbati kay Marge. Kahit magusap lang daw sila okay na. Hindi na nga siya umaasang magiging sila pa ulit kasi syempre nanjan na si Rieley. Kaya naman kahit hanggang friends nalang ulit go lang si Jirah. Ang sipag nga niya e. Kahit ano ginagawa niya kahit pa nga isinasawalang bahala lang ni Marge lahat ng efforts niya. Go padin siya...

A: Pinupush mo talaga ang pagiging singer song writer mo ah...

Jirah: haha. Hindi naman po.

Sana nga maging bati na sila e. Sana lang din kinukwento nila yung nangyari sa kanila. Naging busy kasi ata lahat dati sa romance ni Fille at Gretch kaya hindi napansin yung love story nila...

More than teammatesWhere stories live. Discover now