Maya-maya pa ay pinatawag na ulit kami sa baba. Naligo ako at nagbihis saka ako dumerecho sa may kainan. Breakfast time na daw, tapos maya-maya ay team building na.

Nakita ko naman na sinamahan ni Hero si Key paakyat. Di na lang muna ako sumama, kaya naman nila yun eh. Kahit na ba concerned ako kay Key kapag sumama ako sa kanila, lalabas at lalabas na ako yung third wheel. I'll just be intruding.

Kasama kong kumakain si Chen at Deo. "Bakit di mo kasama sila Hero?" tanong naman ni Chen.

Tiningnan ko lang ulit siya ng masama. Nananadya na yata ha, "Nakita mo naman na umakyat eh. May sprain si Key, kaya tiyak aalagaan muna 'yun ni Hero" sagot ko naman habang pinagpatuloy ko yung pagkain ko.

"Oh ano, selos ka naman?" halos mabilaukan ako bigla at natawa naman ng pagkalakas-lakas etong si Chen dahil sa sinabi ni Deo.

"Sabi na nga ba, sa ingay niyo ba naman kanina eh narinig ko na lahat ng pinag-uusapan niyo." Dagdag pa niya.

Hindi ko na alam kung ano pa ang ire-react ko. Tahimik lang naman itong si Deo di ba? At ano naman ang pakialam niya kung may gusto ako kay Key? Pero ang tanga ko rin eh, uso kayang mag-deny Chace.

"Wala akong pagsasabihan, mapagkakatiwalaan niyo ako" sabi naman ni Deo. Tumango na lang ako, bahala na. After all, alam na rin lang ni Key kaya what's the point? Di ba tinakbuhan na ako ni Key the moment the umamin ako sa kanya? At hindi ba inuna pa rin niya si Hero pagkatapos ng lahat ng nangyari kagabi?

Sige lang Chace, palungkutin mo pa ang sarili mo.

Tumuloy na lang kami sa pagkain at pagkatapos naming magkainan ay lumabas na nga kami. Pinagpahinga muna kami ng ilang minuto tapos saka pinaalam sa amin yung groupings namin para sa team building.

Naghihintay lang ako sa isang cottage ng nakita kong papalapit sa akin si Hero at Key. Inaalalayan pa nga ni Hero si Key eh. Mamili ka Chace, pwede ka namang umalis at sumama na lang kila Chen at Deo o manatili ka dito at maging third wheel na naman.

Ang tanga ko lang kasi nanatili ako dito. "Hi Chace" bati sa akin ni Key. It's either nakalimutan niya o kaya mas pinili niyang magkunwari na lang na hindi iyon nangyari.

Nginitian ko naman sila parehas ni Hero. "Kamusta yung paa mo?" tanong ko naman kay Key. Ayoko naman na mahalata ni Hero na awkward kami sa isa't-isa. Kung si Key eh hindi awkward sa akin, ganun na lang rin ako sa kanya.

"Medyo masakit lang, baka hindi na ako makasama sa team building. Ipanalo niyo Chace ah, kahit talunin mo 'yung team nila Hero okay lang" pabirong sabi ni Key.

Pero hindi ko naman kayang talunin si Hero sa kahit anong klaseng laban eh.

"Sige, magpagaling ka ah" sabi ko sa kanya saka ako humarap kay Hero. "Good luck sa atin" tumango naman siya.

"Hero! Tara muna dito, kasama ka daw sa first game eh" narinig namin na may tumatawag na mga kaklase ni Hero.

"Ah sige, aalis muna ako" nagpaalam muna si Hero sa amin saka siya umalis.

Awkward silence, naiwan kaming dalawa ni Key dito. "So... hindi alam ni Hero" panimula ko.

"Hindi ko naman kailangan na sabihin sa kanya di ba?" sagot naman ni Key. Oo hindi mo kailangang sabihin, kasi sigurado ka rin lang sa nararamdaman mo para kay Hero.

"Sorry kung nabigla kita" mahina kong sinabi sa kanya.

Naiinis ako sa sarili ko, it's like we're back to being strangers. Akala ko kaninang umaga ayos lang kami, mas okay ako kung parang wala lang nangyari eh. Kaso hindi, the damage is done. Sa pag-amin ko na iyon eh nabago kaagad yung samahan namin, it sucks.

"Mas okay kung kakalimutan mo na lang yun Chace" sabi niya. Napakagat lang ako sa labi ko, sa tingin ba niya ganung kadali lang yun?

"Paano pag ayoko Key?"

Mukha naman siyang nagulat sa sinabi ko at napatingin siya sa akin na para bang nag-aalala. "Chace, wag mo na akong pahirapan" mahina niyang sinabi. Ayoko Key, ayoko talaga pero pare-parehas lang naman tayong mahihirapan eh. "Sor-"

"Tigil mo yan" I cut her off saka ko siya nginitian. "You're apologizing because you're going to reject me right?" her silence was enough to serve as an answer for me. Honestly nasaktan ako.

"Wag na muna Key, I'll give you time to think about everything. I know it's a lot to sink in but you can't reject me this quickly"

She was speechless. Umalis ako pagkatapos noon, tsss... I think I'm just making things worse.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko naman si Lyah. "Narinig ko yung usapan niyo ni Key" sabi niya sa akin.

"Kung sasabihin mo kay Audrey ay wala akong pakialam" sabi ko naman sa kanya. Pero umiling lang siya.

"Walang kinalaman si Audrey. Chace, wag mo ng pahirapan si Key. Alam mo naman na may gusto siya kay Hero di ba? Let them be" sabi naman niya sa akin.

Agad naman akong nairita sa sinabi niya. "Don't be a hypocrite Lyah. Di ba sinisira niyo rin lang nila Audrey yung samahan ni Hero at Key? Kaya anong karapatan mong sabihan ako ng ganyan?" tanong ko sa kanya.

"Oo na mali ako, alam ko na 'yun!" nagulat na lang ako kasi umiiyak na siya. Was I too harsh?

"Ayoko na maging masama pa kay Key. Pinagsisisihan ko na yun" sabi niya habang umiiyak siya. "Kagabi, hindi siya bumalik sa room kaya chineck ko yung gamit niya kasi baka nandoon yung cellphone niya pero nakita ko yung mga gamot niya tapos yung notes niya" patuloy pa rin yung pagtulo ng luha niya.

"Key has a serious heart disease right? At isa ako sa mga dahilan kung bakit lumala yun. Kaya please Chace, wag mo ng dagdagan. Lalo lang mahihirapan si Key at baka lumala pa yung sakit niya" sabi ni Lyah.

I smiled bitterly. "Sorry, but everyone has a right to be selfish when it comes to love"


Fools in Love [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя