Sinuko ko na..

9 0 0
                                    

Pangako, mamahalin kita ng husto
Pangako, Hindi ako magloloko
Pangako, lahat ng ito'y Hindi mapapako
Mga pangako na inaasahan kung balang araw ay sasambitin mo
Inaasahan kahit na alam kung ang labo
Ay teka; sisimulan ko muna ang ating kwento
Kwento kung saan pinana tayo ni kupido sa magkaibang puso
Sapul; kaya ito ako sobrang asintado

Minsan nga iniisip kong wala talagang permanente sa Mundo
Kasi lahat ng bagay na pagmamayari mo   ay mawawala rin naman sayo
Tulad nalang ng taong mahal mo
Sa isang iglap magkasama kayo, tapos bigla nalang maglalaho
Teka nakalimutan ko
Wala nga palang tayo
So dapat Hindi ako nagkakaganito
Wala nga palang tayo
So dapat magmove on nako sayo
Wala nga palang tayo
Kaya Pilit tinatanggap ang totoo
Kahit pinapatay na ang puso ng todo
Pilit inaabot ang gusto kahit na Hindi ito maipapasakamay  ng nahulog kung puso
Nahulog kahit alam kung wala namang sasalo
Wala talaga kasi isa lang naman akong estrang hero sa buhay mo
Estranghero na nakatingin sa INYO

Kailan pa talaga kaya ako matuto?
Isa kang bituin habang ako'y tagamasid mo
Simula't sapul tanggap ko na naman ang katotohanang siya talaga ang gusto mo
Pero bakit tuwing makikita ko kayong magkasama sumasakit pa rin ang dibdib ko?
Magkasamang magkahawak ang kamay na dapat sana'y ikaw at ako
Sabi nila tama na at dapat ng magpakatino
Pero Kasalanan ko bang mahulog sa patibong ni kupido?
Sabi nila dapat na daw akong sumuko
Pero Kasalanan ko bang pangalan mo pa rin ang isinisigaw ng puso?
Nakakabaliw palang maging ganito, no?
Yung umaasa ka sa isang bagay na alam mong Malabo
Malabo pero di ko maiwasang mapatingin sa larawan ninyo
At maisip na sana ako nalang ang nasa tabi mo
Umaasa pa rin ako hanggang ngayon na mapapansin mo ang presensya ko
Kahit na alam kung hanggang pangarap lang ito
Kaya tama na; susuko na ko

"Hanggang dito nalang siguro"
Tila eto na yata ang mapait na dulo
Dahil wala nga palang tayo
"Walang tayo, oo inaamin ko"
Kasi siya talaga ang mahal mo
Pero bago ko tapusin ang kwentong ito
Sana'y malaman mo na kahit Hindi mo man kilala ang isang tulad ko

Pero dati minahal kita kahit patago
Patawarin mo ko, bibitawan ko na pagmamahal ko sayo, mahal ko
Tama na siguro; ititigil ko na ang kahibangan kung 'to
Kasi alam kung Hindi talaga ako ang dahilan ng mga ngiti mo
At alam ko na Hinding Hindi talaga magiging ako ang taong mamahalin mo
Kaya giliw ko, paalam na sinuko ko na ang aking mga pangako
Pangako? Mukhang lahat yata siguro ay talagang napapako

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 01, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Unspoken WordsWhere stories live. Discover now