Telepono

15 0 0
                                    

Nakatingin ako sa aking telepono
Telepono na naging tulay upang makilala ko ang isang
Estranghero
Estranghero na nagpatibok sa manhid kung puso
Manhid kasi- nahulog ako sa Isang taong napakahirap abutin at napakalayo
Isang taong napakalapit nga pero hindi man lang Napapansin ang aking anino
Anino na nakadungaw at umaasang mahalin rin ng taong minamahal ko ng totoo

Kinuha ko ang aking telepono
Telepono kung saan hinihintay ko na pangalan ko naman ang Sambitin mo
Hinihintay kasi - kahit nandito ako sa tabi mo pero siya pa rin ang iniisip mo
Ang daya naman kasi ni kupido
Mamamana Nga- pero sa magkaibang puso
Mamamana Nga- pero ako lang ang asintado
Mamamana Nga- pero iba na man ang minahal mo
Di ba pwedeng panain mo kami ng pareho
At para na man kahit papano masuklian ang pagibig ko

Ibinaba ko ang aking telepono
Telepono kung saan sumugal ako, kahit Hindi sigurado
Sumugal ka hit nasasaktan na talaga ako ng to-do
Nasasaktan pero tinitingnan ko pa rin Kayo
Kayo na kumikislap ang mga Mata tuwing tinititigan ko sa malayo
At Kayo na kontento habang akoy umiiyak ng patago
Umiiyak hanggang sa Mata ko ay mamugto
Tama bang lumaban pa din ako?
Lumaban kahit ako nalang ang Hindi humihinto
Ako lang talaga- kasi masaya ka na habang ako ay baliw na baliw pa rin sayo

Binitawan ko ang aking telepono
Telepono kung saan ako'y Hindi sumusuko ka hit Alam kung malabo
Malabo kasi- Wala naman talagang tayo
Wala naman talagang ikaw at ako
Hanggang dito na lang siguro
Tila eto na ang dulo
Dulo ng pagpapastansya kung hinding Hindi magkakatotoo
Hindi magkakatotoo- kasi siya lang talaga ang mahal mo
Hindi magkakatotoo kasi nandiyan
Na siya sa tabi mo
At hinding Hindi talaga magkakatotoo kasi meron ng KAYO
Habang ako ay umaasa pa rin na dadating ang araw na ako naman ang mahalin mo at ako na man ang babaeng pipiliin mong makasama sa paglilibot mo sa mundo

My Unspoken WordsWhere stories live. Discover now