Kabanata 30

2.7K 100 14
                                    

"Isang bomba ang sumabog sa loob ng Elena State University sa San Rafael, Elena. Tatlumpung estudyante ang sugatan at mabilis na dinala sa pampublikong ospital. Nag-iwan ng malaking bakas ang bombang pinasabog sa field ng nasabing unibersidad. Mga rebelde sa naturang lugar ang pinaghihinalaan ng awtoridad na may pakana ng pagsabog."

"Mas lalo silang dumadami kaya mas lumalakas ang loob nilang manggulo." wika ni Frank habang matamang nakatingin at nakikinig sa balitang pinapalabas sa TV.

"Hindi na pwede ito. Kailangan na nating aksyunan ang nangyayari sa lugar natin." dagdag pa ni Uncle Crisanto.

"Kumalma ka, Crisanto. Hindi ka pwedeng humakbang hanggat hindi nanggagaling ang utos kay Carlos." wika ni Auntie Flora.

Naramdaman kong hinawakan ni Mama ang kamay ko. Masyado itong mahigpit kaya nilingon ko siya. Mas lalo kong nakita ang pamumutla ng mukha niya at ang panghihina ng kanyang katawan.

"Why, mom? Dad can handle the situation on behalf of Uncle Carlos. Sino pa ang hinihintay nating gumawa ng hakbang? We're relatives. We're family. Sa tingin ko'y sapat na rason na 'yon para makinig sa atin ang mga tao." tinig ni Ciella.

"Nandiyan ang pamilyang Aragon. Si Julio Aragon ang Vice-Governor ng Elena at siya lang ang may karapatang gumawa ng hakbang habang hindi pa magaling si Carlos." tugon ni Auntie Flora.

"Then, where is he? Bakit hindi siya gumagawa ng hakbang para matapos na ang lahat ng ito. I'm sick of hiding and worrying about our lives, mom."

"Ciella, tama na. Hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyong ito." saway ni Frank sa kapatid.

Natahimik si Ciella at mas pinili na lang yakapin ang unan sa sofa. Napatingin ako kay Auntie Flora na matamang nakatingin sa 'min ni Mama. Punong-puno ng malasakit ang mga titig na binibigay niya.

Ilang saglit pa'y dumating si Emilia. Lahat kami'y napatingin sa kanya ngunit nanatiling diretso ang tingin niya kay Mama. "Ma'am Celeste, nasa labas po ang pamilyang Aragon."

"Sige, papasukin mo sila."

Ginawa ni Emilia ang utos ni Mama. Umayos kaming lahat ng upo sa salas hanggang sa tuluyang makapasok sina Tito VG at Tita Diana. Hindi na ako nagulat nang makita si Julius kasama si Manuel ngunit nang makita si Dalia'y hindi ko naiwasang tumakbo palapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit. Napangiti ako ng gantihan niya rin ako ng isang mahigpit na yakap.

"I miss you girl! Mabuti na lang safe ka." aniya nang mahiwalay kami sa yakap.

"Masaya rin akong makita na ligtas ka." tugon ko na mas lalong nagpangiti sa kanya.

Sabay-sabay kaming lahat nagtungo sa dining area. Isang mahalagang pagpupulong ang biglang inanunsyo ni Mama nang magising kami dahil sa malakas na pagsabog kaninang umaga. Wala si Papa rito dahil hanggang ngayo'y hindi pa rin siya nagigising.

"Pagkatapos nating malaman ang tungkol sa ilang sundalo na sumanib sa rebelyon at lihim na naglalabas ng armas, dumating naman ang mga dayuhang rebelde upang sagutin ang paghingi ng tulong ng mga rebeldeng Pilipino na sakupin ang ating teritoryo. Ano'ng aksyon ang ginawa niyo ni Carlos pagkatapos malaman ito, Vice-Governor?" tanong ni Mama.

"Martial Law ang dineklara ng ating presidente pagkatapos malaman ang kalagayan ng ating lalawigan," tugon ni Tito VG. "Nagpatawag na rin ako ng lihim na pagpupulong kasama ang mga lider ng bawat bayan ng Elena tungkol sa pag-igting ng seguridad ng bawat lugar. May ilang mga rebelde ang nahuli ng sandatang lakas. May mga bombang nakita sa ilang gubat na natitiyak kong patibong para sa atin."

"Pagpupulong?" sabat ni Uncle Crisanto. "Bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagay na 'yon, Vice-Governor?"

Kumunot ang noo ni Tito VG. "Hindi ba sinasabi sa 'yo ng kapatid mo ang mga planong ito, Crisanto?"

My Knight in Dirty Combat Shoes (Published under Ukiyoto Publishing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora