Kabanata 15

2.6K 100 11
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdaman ang mabigat na paa ni Dalia na nakapatong sa katawan ko. Dahan-dahan ko itong tinanggal upang humarap sa kabilang side ng kama. Napatingin ako sa bintana nang mapansing hindi pa sumisikat ang araw. Sunod kong binalingan ang antigong orasan na nakasabit sa pader. 3:00AM pa lang ng madaling araw.

Pinikit kong muli ang mga mata ko para bumalik sa tulog ngunit hindi ko na nagawa. Binalingan ko ulit ng tingin si Dalia na mahimbing na natutulog. In fairness, hindi siya humihilik.

Dahil hindi na ako makatulog ulit ay bumangon muna ako upang magpunta sa kusina at uminom ng gatas. Maingat ang bawat hakbang ko upang hindi maglikha ng kahit anong ingay na iistorbo sa kahit na sino rito sa bahay.

Nang makarating sa kusina'y nilapitan ko agad ang refrigerator at kinuha sa loob ang gatas. Nagsalin ako sa baso at ininom ito. Sana hindi ako pagalitan ni Lola Esmeralda bukas dahil sa ginawa ko.

Pagkatapos kong uminom ay hinugasan ko agad ang basong pinaggamitan ko at ibinalik ito sa dating pwesto. Babalik na sana ako sa kwarto nang bigla akong makarinig ng kalabog sa labas ng gate. Umangat ang kaba at takot sa dibdib ko kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ngunit muli akong napahinto nang marinig ulit ang kalabog.

Ano ang kalabog na 'yon? May magnanakaw kaya?

Kinuha ang walis-tambo sa kusina at dahan-dahang naglakad papunta sa bintana upang silipin kung may tao sa labas. Saglit ko pang pinagmasdan ang paligid ngunit wala akong nakita ni anino ng isang tao.

Nakahinga ako ng maluwag. Baka naman hangin lang 'yon?

Babalik na sana ulit ako sa paglalakad papunta sa kwarto nang marinig ulit ang kalabog ng gate. This time, mas malakas na siya kaya agad kong kinagat ang ibabang labi ko upang pigilan ang pagtili.

Hinarap kong muli ang bintana habang mahigpit ang hawak sa walis-tambo. Kung magnanakaw man ito, sisiguraduhin kong hindi siya makakapasok dito sa loob ng bahay dahil pipilayan ko siya.

Dahil sa paulit-ulit na kalabog ng gate ay binuksan ko na ang pintuan. Dahan-dahan akong naglakad palabas at tinanggal ang nakaharang na lock sa gate. Bakit ganito ang lock dito? Hindi secured! Isang tulak lang ng maskuladong lalaki sa labas ng gate ay giba na ang kahoy na nagsisilbing lock nito.

Nang matanggal ang lock at maingat kong binuksan ang gate. Umatras din ako upang bumwelo ng hampas. Inasahan kong bubungad sa 'kin ang isang lalaki na may masamang balak pero wala. Ni anino ng kung sinuman ay wala.

Nagha-hallucinate lang ba ako?

"Lumabas ka."

Nanindig ang balahibo ko nang marinig ang tinig ng isang lalaki. Nanggagaling ang boses na 'yon sa gilid sa labas ng gate kaya hindi ko siya nakikita.

Teka, kung masama siyang tao, bakit hindi pa niya ako sugurin?

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na mayro'n ako bago nagmadaling lumabas at itutok sa kanya ang walis-tambo. Natigilan ako nang makita ang lalaking nakalukipkip at nakasandal sa pader. Kunot-noo niyang tinignan ang walis-tambo na nakatutok sa kanya.

"Mukhang sa walis-tambo ako mamamatay.."

"J-Jose?" bulalas ko.

Umangat ang tingin niya sa 'kin. All black ang suot niya. Hindi rin nawala ang dog tag na palagi niyang dala.

"Pasensya na kung natakot kita. Hindi ko kasi alam kung paano kita makikita."

Ibinaba ko ang walis-tambo upang makita siya ng maayos. Ang kaninang kaba at takot na naramdaman ko ay mabilis napalitan ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Bigla akong nataranta na para bang gusto kong tumakbo papasok sa loob ng bahay at isara ulit ang gate.

My Knight in Dirty Combat Shoes (Published under Ukiyoto Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon