Kabanata 44

1.9K 90 12
                                    

Nagpunta kami ni Ben sa loob ng guest house upang doon ipagpatuloy ang pag-uusap namin. Halata sa mukha niya na ang dami niyang gustong itanong.

Maingat kong sinara ang pinto at muli siyang binalingan ng tingin. "Tulungan mo akong pasukin ang kwarto ko. Kailangan kong malaman kung bakit pinagbabawal ni Frank buksan 'yon."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Sigurado ka ba riyan? Baka mahuli ka."

Umiling ako. "Hindi ako mahuhuli kung tutulungan mo ako. Sige na, Ben. Please."

Tinignan muna niya ako ng ilang segundo bago nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga. "Sige na nga. Ano'ng plano mo? Paano natin papasukin ang kwarto mo nang hindi nalalaman ni Frank?"

Napangiti ako. Bahagya akong lumapit sa kanya upang sabihin ang planong naiisip ko..

Pagkatapos kong sabihin ang mga gagawin niya'y lumabas na kami ng guest house. Bumalik siya sa loob ng mansyon upang puntahan ang pwestong naiwan niya. Bumalik na rin ako sa pwesto ko habang hinihintay ang signal niya.

Ilang segundo akong nakatayo rito sa hardin habang pasimpleng sinisilip ang bintana ng kwarto ko sa ikalawang palapag ng mansyon. Kung nagagawa kong tumakas noon mula sa bintana, magagawa ko ring pasukin ito mula sa labas.

"Juliet."

Kinuha ko ang walkie-talkie na nakasabit sa pantalon ko nang marinig ang boses ni Ben.

"Ben." tugon ko.

"Nandito na ako sa tapat ng pinto ng kwarto mo."

Napangiti ako. "Salamat."

Agad kong ibinulsa ang walkie-talkie at nagsimula nang akyatin ang pader hanggang sa maabot ang bintana. Nang mahawakan ko na ang bintana ay dahan-dahan ko itong binuksan.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto'y isang katahimikan ang tumambad sa akin. Hindi rin makalat ang kwarto ko. Wala na rin ang mga marurumi kong damit.

Inilibot ko ang sarili sa loob ng kwarto. Unang kong binuksan ang cabinet na naglalaman ng mga damit at bag ko. Kung paano ko ito iniwan dati, gano'n pa rin ang itsura niya hanggang ngayon.

Nang walang makitang kahina-hinala'y pinuntahan ko naman ang make-up desk ko. Gaya kanina'y wala pa rin akong nakitang kakaiba. Natatandaan ko pa ang lahat ng mga koloreteng nilalagay ko sa mukha kaya masasabi kong hindi nagalaw ang mga gamit ko.

Sunod kong nilapitan ay ang kama. Kinapa ko itong maigi, nagbabaka-sakaling may nakatagong mahalagang impormasyon, ngunit nabigo ako. Maging ang ilalim ng kama at unan ay hindi rin nakapagbigay sa akin ng sagot.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa pagkadismaya. Mukhang nasayang ang oras ko rito. Baka nga naglilinis lang talaga si Emilia kaya siya nandito kanina.

Humakbang ako palapit sa bintana upang lumabas na sana ngunit natigilan ako nang makita ang mini drawer ko sa tabi ng kama. Nakabukas ito ng kaunti. Sa buong kwarto ko, ito lang ang mukhang nagalaw.

Mabilis ko itong nilapitan at maluwag na binuksan. Tumambad sa akin ang notebook, ballpen, isang pares ng hikaw, isang bracelet, isang box ng watch na regalo sa akin nina Mama at Papa no'ng birthday ko, at isang libro.

Hinalughog ko ang loob ngunit wala naman akong nakitang kakaiba. Saglit akong huminto at nag-isip.

Ano'ng gagawin ni Emilia rito sa loob ng kwarto ko kung malinis naman ito? Kung may kinuha siya, dapat wala na ang mga alahas ko o mahahalagang gamit sa loob. Kung may nilagay naman siya, makikita ko agad 'yon.

Teka..

Kung may inilagay siya rito sa loob, makikita ko talaga agad 'yon. Kaya lang, dahil alam niyang mahigpit at magaling mag-obserba si Frank, ilalagay niya ang bagay na 'yon sa lugar kung saan hindi agad makikita o hindi halata. Muli kong pinasadahan ng tingin ang drawer. Isa lang ang alam kong pwedeng paglagyan ni Emilia sa kung ano mang bagay 'yon.

My Knight in Dirty Combat Shoes (Published under Ukiyoto Publishing)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum