Kabanata 8

3.1K 114 5
                                    

"What the hell is wrong with you, Carina?!" Napapikit ako sa sigaw ni Frank. Kagigising ko lang at boses agad niya ang bumungad sa umaga ko. "Sigurado akong laman ka na ng balita ngayon kung hindi pa dumating si Jose kagabi para iligtas ka!"

Kumunot ang noo ko. "Siya ang nagligtas sa 'kin kagabi?"

Inis na hinawi ni Frank ang kulay abo niyang buhok. "Malamang! Sino pa ba ang magliligtas sa 'yo? He's your bodyguard!"

Napabuntong-hininga ako. Akala ko ba hindi na siya magtatrabaho sa pamilya ko? Nagbago kaya ang isip niya?

"Nasaan siya?" tanong ko.

"Nasa tinutuluyan niya."

Tumayo ako galing sa kama at lumabas ng kwarto. Narinig ko pang tinawag niya ako ngunit hindi ko na siya nilingon. Habang naglalakad, nakasalubong ko si Emilia na sinubukan akong yayain kumain. Tinanggihan ko siya dahil wala ako sa mood.

Paglabas ko'y humarang agad sa dinadaanan ko ang mga guwardiyang nagbabantay sa labas ng mansyon. "Ano'ng problema niyo?"

"Mahigpit po ang utos ni Sir Frank na hindi kayo pwedeng lumabas—"

"Pupunta lang ako kay Jose. Hindi ako tatakas."

Nagkatinginan muna sila bago umalis sa harap ko. Nilagpasan ko na sila at tahimik nagpunta sa tinutuluyan ni Jose. Pagdating ko, hindi na ako kumatok. Binuksan ko na lang ang pinto at diretsong pumasok.

"Jose!" sigaw ko na umalingangaw sa buong bahay.

Ilang beses ko pang tinawag ang pangalan niya pero walang Jose na lumabas. Natigilan lang ako nang biglang lumabas ang isang kasambahay mula sa kusina. Kasing-edad lang rin siya ni Emilia.

"Magandang umaga po, Ms. Carina. Hinahanap niyo po ba si Sir Jose?" tanong niya.

"Hindi ba obvious?" mataray kong tugon.

Nabigla siya ngunit nakabawi rin agad. "Nasa kwarto po siya."

Umangat ang tingin ko sa unang pinto na natatanaw ko mula rito sa baba. Hindi ako makapaniwala na tulog pa rin siya hanggang ngayon. Akala ko ba maagang nagigising ang mga sundalo?

"Gigisingin ko siya. Hanapin mo ang susi ng—"

"Gising na po siya." pagputol niya sa sinasabi ko. "Naliligo lang po si Sir Jose kaya bilin niya na hindi po pwedeng pumasok ang kahit na sino sa kwarto niya."

Tumaas ang kilay ko. "Kahit ako hindi pwede?"

Walang pag-aalinlangan siyang tumango. Magsasalita ulit sana ako nang marinig ang pagbukas ng pinto ng kwarto sa taas. Napatingin ako kay Jose na bumaba na ngayon ng hagdan habang pinupunasan ng tuwalya ang basa niyang buhok.

"Nakahanda na ba ang pagkain, Helen?" nakangiting tanong niya sa kasambahay.

Tumingin ako kay Helen na ngayo'y nakaawang ang bibig habang nakatingin kay Jose. Hindi siya makapagsalita hanggang sa tuluyang makalapit ang amo niya sa 'ming dalawa.

"Ah—ha? Ah! O-Opo nakahanda na po ang pagkain niyo, Sir Jose. S-Sige po babalik na ako sa kusina. Tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan kayo." natatarantang wika ni Helen bago naglakad palayo.

Naiwan kami ni Jose. Sinampay niya ang kanyang tuwalya sa balikat niya bago ako harapin. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Ano pa'ng ginagawa mo rito? Akala ko ba magre-resign ka na?"

Nanatiling blanko ang kanyang mga mata. Malayong-malayo ang itsura niya ngayon kumpara kanina habang kausap ang kasambahay. Talagang inis na inis siya sa 'kin. Well, the feeling is mutual.

My Knight in Dirty Combat Shoes (Published under Ukiyoto Publishing)Where stories live. Discover now