Chapter Seven 💝

2K 45 1
                                    

Chapter Seven : Lost Chance
________________________________________

"BAKIT kailangan mo pa akong piringan, Reigan? Nasa bahay lang naman ako. Ano bang sopresa ang ipapakita mo sa akin?" I asked.
"Basta!" he answered.
Inalalayan naman niya ako habang naglalakad kami. Hindi ko alam kung anong sorpresa ang naghihintay sa akin at naisipan niya pang gawin 'to. Tumigil na kami sa paglalakad. Marahang hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"Aalisin ko na ang piring mo, Fallon. But promise me you'll still close your eyes. And at the count of three you can open your eyes now," utos nito.
Natatawang tumango naman ako sa sinabi niya. He groaned in frustration.
"Say, you promise," he commanded.
Natatawa na napapailing nalang ako.
"I promise," I said to him.
Inalis naman nito ang piring sa mga mata ko. I remain my eyes shut just like he said. He started counting and at the count of three I slowly opened my eyes.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang larawang nakasabit sa pader ng kwarto ko. I gasped hard because of his surprise.
It was me who's in the painting.
"Nagustuhan mo ba?" he asked.
Nilingon ko naman siya.
"I love it, Reigan! Kailan mo ipininta 'yan?" I asked bewildered.
Napakamot naman ito sa ulo. Maliban sa sketch na pinagawa ko sa kanya ay meron pa nito.
"Noong nakaraang linggo lang," sagot niya.
Napakunot naman ang noo ko.
"This is the reason kaya ka ginagabi nang uwi noong nakaraang linggo?" I asked him.
Tumango naman ito sa tanong ko. Dumako ang tingin niya sa painting.
"Bakit mo naman naisipang magpinta? Akala ko ba wala kang oras para rito?" tanong ko.
He shrugged.
"Pampawala nang stressed?" he asked that made me laugh.
"Ako siguro ang dahilan nang stress mo, ano? Kasi ako 'yong ipininta mo riyan, eh!" I asked teasingly.
"Yeah," agarang sagot nito.
Napanguso naman ako sa isinagot niya.
"Grabeh ka! Hindi mo manlang ikinaila!"
Hinampas ko ang balikat niya ngunit hindi manlang ito natinag. Inirapan ko nalang siya dahil doon at itinuon ko nalang ulit ang tingin ko sa painting. Hindi ko na napigilang ngumiti.
Ang ganda ko diyan!
"Fallon," he suddenly called. Napalingon naman ako sa kanya at ganoon nalang ang tahip sa dibdib ko nang makitang nakatingin pala ito sa akin.
"Thank you..." he uttered that made my heart melt again.
I bit my lower lip to restrain the overflowing emotion inside of me.
"Para saan?" I asked.
Bumalik ang tingin nito sa painting habang hindi umaalis ang tingin ko sa gwapong mukha niya.
"Nitong nakaraang linggo kasi ay nagkaroon ng problema sa kompanya na hindi ko na alam kong anong dapat gawin. I was stress out. At ewan ko ba dahil bigla nalang sumagi sa isip ko 'yong mukha mo no'ng nasa Del Rio Resort tayo at naalala ko 'yong sinabi mo tungkol sa pagpipinta ko. I don't know what push me to do this but one thing I know when I started to paint....I..I felt free, Fallon. The standards and boundaries I put upon myself suddenly broke and I felt for once the happiness I've felt before when I'm still painting.... The same feelings I once had long ago."
Pakiramdam ko ay parang isang marsmallow sa sobrang lambot ang puso ko ngayon dahil sa mga naririnig ko. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin upang lumapit pa nang tuluyan sa kinaroroonan niya at walang pag-aalinlangang niyakap ko siya. Kusang bumagsak ang luha sa mga mata ko.
Kumalas siya mula sa pagkakayakap ko at pinaharap niya ako sa kanya. He cupped both of my cheeks and wiped the tears on it.
"Thank you, Fallon. Because of you I learn to howl the shadow inside my system because of my present state. You made me realize na kahit gaano pa kalaking resposibilidad ang nakaatang sa akin, it is still not enough reason for me to give up what I really desire. Maraming salamat..." he said gently and plant a quick kiss on my forehead.
But what made my heart go insane is when Reigan Montenegro flashed a genuine smile on his lips...
A smile I'm longing to see for a long time....
A smile wherein the reason is me....
He smile for me....




*************************

HINDI nawawala ang ngiti sa aking mga labi habang pinagmamasdan ko ang kulay asul na kalangitan. Mariing ipinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa aking balat.
"Fallon."
Napaangat naman ako nang tingin nang marinig ang isang boses na tumawag sa akin. Ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nang makilala ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Clyde!" gulat na bulalas ko. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
Isang tipid na ngiti naman ang pinakawalan nito at agad na umupo sa tabi ko.
Nandito ako ngayon sa Isla El Grego Beach Resort na pagmamay-ari ng magulang ko. Dalawang araw na akong nagbabakasyon dito. And I admit that I'm also one of those frustrated author who loves to write romance novel.
Nandito ako para mag-unwind at maghanap nang inspirasyon para sa susunod na nobelang isusulat ko. Sasama nga sana si Reigan sa akin dito ngunit hindi ko na pinayagan dahil alam ko naman na may kailangan pa siyang ayusing problema sa M Construction.
"Nilulubos ko nalang 'yong bakasyon ko. Isang buwan nalang kasi ako rito sa Pilipinas dahil babalik na ako sa State," paliwanag nito. "Hindi mo naman ako tinawagan kagaya nang sinabi mo sa una nating pagkikita, Fallon."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Oo nga pala. Nawala 'yon sa isipan ko.
"Sorry. Nakalimutan ko."
"Okay lang. Sanay na naman ako sa 'yo," tukso nito.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya at walang pag-aalinlangan na kinurot ko ang tagiliran niya. Humalakhak naman ito sa ginawa ko.
"Ang sadista mo talaga," natatawang sambit nito.
Inirapan ko nalang siya nang dahil doon.
"Hindi parin ba nagigising ang Ate mo?" biglang tanong nito.
Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buntong hininga at umiling.
"Clyde, selfish ba 'ko?" I asked all of a sudden.
Napalingon naman ito sa gawi ko. Nag-iwas naman agad ako nang tingin nang magtama ang mga mata naming dalawa. Napayuko nalang ako dahil sa kahihiyan.
"Bakit mo naman natanong 'yan?" he asked back.
I bit my lower lip to restrain any unwanted emotion building inside my being.
"Kasi nagawa kong agawin 'yong lalaking pagmamay-ari ng kapatid ko..."
"That's the reason why Reigan is with you the first time we've seen each other again, right?" he asked.
Marahang tumango naman ako sa tanong niya. Narinig ko siyang nagpakawala nang malalim na buntong hininga bago itinuon ang tingin sa kalangitan.
"Hindi naman masamang maghangad na maging masaya," he uttered.
Napaangat naman ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Dahil alam ko sa sarili ko na 'yon lang naman ang ninanais ko.
"But then others tend to forget kung ano ba talaga ang tama," dugtong nito. Pakiramdam ko ay isang sampal sa akin ang mga sinabi nito. "Kaya tatanungin kita, Fallon....Are you doing the right way?"
Nanlamig naman ako sa sinabi niya. Para akong binuhusan nang malamig na tubig. Napayuko naman agad ako nang dahil doon.
"Reigan flashed a smile because of me," kwento ko sa kanya. "Nang makipag-deal ako sa kanya ay nag-iba na rin ang pakikitungo nito sa akin. At...at pakiramdam ko ay kahit papaano ay nag-iba na rin ang nararamdaman nito sa akin. Kaya baka...baka sakali kung magtuloy-tuloy 'to ay matututuhan na rin niya akong mahalin..."
"'Yon ay dahil hindi pa gumigising si Charlotte. What do you think would happened if your sister woke up from comma, Fallon?" he asked as a matter of fact.
Parang may bumara naman sa lalamunan ko nang dahil doon. Maisip ko palang ang ganoong pangyayari ay parang dinudurog na ang puso ko.
"Bakit hindi mo nagawang ipaglaban si Ate Charlotte, Clyde? Mahal mo siya. Bakit ganoon mo nalang kadaling isinuko ang nararamdaman mo sa kanya without giving it a fight?"
"Because I don't want to take away her smile, Fallon," mabilis na sagot nito. Bumaling naman agad ang tingin ko sa kanya habang nakatingin parin ito sa kawalan. "At hindi ibig sabihin nun na isinuko ko na ang nararamdaman ko sa Ate mo dahil mahal ko parin siya hanggang ngayon." Dumako ang tingin nito sa akin. He flashed a sad smile. "But sometimes, hindi sapat na ikaw lang 'yong nagmamahal."
"Sa...sa tingin mo ba ay mali 'yong ginawa ko?" garalgal na tanong ko.
"Hindi ako ang makakapagsabi niyan, Fallon. Dahil mas mabuti kung ikaw mismo ang aalam nang sagot sa tanong na 'yan. Try to analyze and weigh everything. And then ask yourself, ito ba talaga ang nararapat para sa akin? Bigyan mo muna nang halaga ang sarili mo bago mo isipin ang iba. Mahalin mo muna ang sarili mo bago mo gawin 'yon sa iba. Kasi kung magagawa mo 'yon, doon mo mismo malalaman ang sagot."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong umiyak sa harapan niya.
"Ga-ganoon din ba ang gi-ginawa mo kaya..kaya mo na..nagawang pakawalan nang ga-ganoon kadali ang Ate ko?" I asked painfully while crying.
Marahang tumango naman ito.
"Hindi naman ibig sabihin na kung magde-desisyon akong mahalin muna ang sarili ko ay kailangan ko nang burahin ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Nandito parin naman 'yon sa puso ko, Fallon. But then I tend to cherish my worth as a person. Dahil kong kami naman talaga ang para sa isa't-isa, magiging kami talaga. Time would tell everything as it past by. Dahil baka hindi lang talaga siguro ang tamang oras para sa inyong dalawa. At kung hindi man, siguro ay mayroong tamang taong nakalaan naman para sa 'yo sa tamang panahon."
"Ang sama-sama kong kapatid, Clyde," I whined.
Umiling naman ito sa sinabi ko at agad na niyakap ako. Marahang hinaplos nito ang buhok ko.
"I told you to weigh everything first, Fallon. And when you think it's the right time for the both of you, hold on. But if not, move on and accept everything. Yes, love is about fighting. Pero hindi ibig sabihin na kung sumuko ka na ay isa ka nang talunan habang buhay. It only means you are trying to find yourself or improve yourself in things wherein you are more suited.'Yong mga bagay kung saan ikaw ang panalo."
I cried even harder nang dahil sa mga sinabi niya. Kasi nang dahil doon mas lalo akong naliwanagan sa magiging desisyon ko sa kasalukuyan.
"T-thank you, Clyde," I said sincerely.
Marahang hinaplos nito ulit ang buhok ko kaya mas lalo ko pang isinubsob ang mukha ko sa dibdib nito.
"It's alright, Fallon," he said softly. "Cry everything out."
Mas lalo lang akong umiyak nang dahil sa sinabi niya. Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Hindi iniinda ang maaaring sabihin nang ibang taong makakakita sa amin.
"What the hell is the meaning of this?!"
Napakalas naman ako mula sa pagkakayakap kay Clyde nang marinig ang boses na 'yon. Ganoon nalang ang pagbilis nang tibok ng puso ko.
"Reigan!" gulat na bulalas ko. Pakiramdam ko umurong ang luha sa mga mata ko. "A-anong ginagawa mo rito?"
Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo at agad na pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko.
"What the hell do you think you are doing, Fallon?!" parang kulog ang boses na tanong nito.
Madilim na madilim ang anyo nito. Hindi ko naman nagawang makapagsalita dahil sa sobrang takot. Nanlalambot ang mga tuhod ko habang nakatingin ako sa kanya. Pakiramdam ko ay kakapusin ako nang hininga.
"Ka-kasi, ano-----"
Hindi ko naman nagawang ituloy ang sasabihin ko nang inilang hakbang nito ang pagitan naming dalawa at agad na hinablot ang aking kaliwang kamay.
"Reigan, a-aray...na-nasasaktan ako," daing ko dahil humigpit ang pagkakayapos nito sa palapulsuhan ko.
"Pare-----"
"Shut the hell up!" putol ni Reigan sa anumang sasabihin ni Cylde. Binigyan niya ito nang isang masamang tingin. "Stay the hell away from my wife."
Hinila niya agad ako palayo sa lugar na 'yon. Ininda ko nalang ang sakit nang pagkakahawak niya sa akin hanggang sa makarating kami sa loob nang isang VIP room dito sa Hotel. Pabalang na binitawan nito ang kamay ko nang tuluyan niyang maisara ang pinto ng kwarto.
"So, ito 'yong sinasabi mong maghahanap ka nang inspirasyon sa pagsusulat?! 'Yong makikipaglandian ka sa ibang lalaki, Fallon?! Kaya ba ayaw mo akong pasamahin dito?!" umugong ang sigaw nito sa loob nang kwarto.
Madilim na madilim ang anyo nito na para bang isang pagkakamali ko lang ay sasakalin na niya ako. Pinilit kong abutin ang braso niya ngunit kaagad na inilayo niya ito.
"Don't you dare touch me! Ang landi mo, Fallon! Kung sabagay ganyan din naman ang ginawa mo noon, 'diba?"
Bumuhos ang luha sa aking mga mata nang dahil sa sinabi niya. Umiling-iling naman ako nang dahil doon.
"Hi-hindi, Reigan. Hi-hindi ganoon," paliwanag ko.
Sumingkit ang mga mata nito at kumunot ang noo nito. Pinunasan ko naman agad ang luha sa mga mata ko.
"Then, what?!" galit na bulyaw nito. "You want to end the contract now, Fallon? You want it? Tell me!"
Umiling-iling naman ako sa sinabi niya. Sumisikip ng husto ang dibdib ko. Gusto kong magpaliwanag ngunit nanginginig ang loob ko sa sobrang takot sa nakikitang galit sa mga mata nito.
"Huwag kang mag-alala, I'll give you the annulment papers right away. Tutal ito naman talaga ang gusto ko simula palang. At pwede ka nang sumama sa lalaking 'yon kahit kailan mo gusto," matigas na ani nito.
Tinalikuran naman niya agad ako at akmang aalis na ito nang tuluyan nang biglang tumakbo ako sa kanya at niyakap ko siya mula sa likod. Umiling-iling ulit ako sa kanya.
"Kaibigan ko lang si Cylde, Reigan. Nag...nag-uusap lang kami kanina...." paliwanag ko.
Hinawakan naman nito ang kamay kong nakapulupot sa bewang nito at pilit na kinakalas ang mga ito ngunit mas lalo ko lang hinigpitan ang pagkakayapos ko sa kanya.
"JUST LEAVE ME ALONE!" sigaw nito at marahas na kinalas ang pagkakahawak ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Nanghihinang napaupo naman ako sa sahig at wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng husto.
I lost my chance again...

-
♡lhorxie

MD 4: Selfish Attachment (1st Generation) ✔Where stories live. Discover now