Chapter Fifteen 💝

8K 201 7
                                    

Chapter Fifteen : Fall Again
_____________________________________________________

NANGHIHINANG napaupo ako sa sofa pagkatapos marinig ang lahat ng 'yon. Naisubsob ko ang mukha ko sa aking mga palad at humagulhol ako ng iyak. Sumisikip ang dibdib ko. Isipin ko palang na sobrang nasasaktan na siya nang dahil sa akin, pakiramdam ko mamamatay na ako.
Pero kasi hindi na pwede, eh...
I'll stop being selfish.
"Fallon."
Nanigas naman ako sa kinauupuan ko nang marinig ang boses na 'yon. Kaagad na nag-angat ako ng tingin at binalingan ang nagmamay-ari ng boses.
"Ate Charlotte!" I exclaimed.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo na agad ako patungo sa kinaroroonan niya upang yakapin siya.
"Sorry, Ate. I'm really sorry," umiiyak na sabi ko.
Sa loob ng ilang linggo ay ngayon ko lang ulit nakita si Ate Charlotte.
Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko.
"Sorry kung naging selfish ako," paghihingi ko nang tawad. "Sorry. Pa-patawarin mo ako, Ate."
Mas lalo lang akong umiyak nang marahang hinaplos niya ang likod ko.
"Shhhh...." pagpapatahan nito sa akin.
Umiling-iling naman ako. Inakay niya ako patungo sa sofa at pinaupo roon. Umupo naman siya sa tabi ko. She cupped both of my cheeks and wipe the tears on it.
"Ate, walang kasalanan si Reigan sa mga nangyari. Ako...ako 'yong------"
"Fallon, makinig ka," putol nito sa sasabihin ko. "Alam mo ba na nanggaling ako kanina sa bahay ni Reigan."
Hindi naman ako umimik sa sinabi niya. I want to hear her out. Dahil alam kong sobrang nasasaktan ngayon si Ate.
"Nadatnan ko siya sa likod ng bahay niya kahit gabi na. I talk to him and he asked for my forgiveness. Despite the hatred I felt towards him. Do you know what made me break against those walls?"
Umiling naman ako sa sinabi niya.
"I saw him cried, Fallon. It was the first time I saw him cry."
"A-ate..."
"He cried because he never felt sorry falling inlove with you even if it's breaking him inside. Months after I woke up from coma, Reigan is always there for me but I know something is off the way he acts towards me. Doon palang alam ko nang may mali but no one said anything to me of what really happened. Hinayaan ko 'yon kahit ramdam ko that he's already drifting away kasi mahal ko siya. Hanggang sa nag-iba ang pakikitungo nito sa akin. He became cold and distant towards me. At ngayon ko lang nalaman kung bakit. Because he's so afraid to hurt me by telling me the thruth. And he is so afraid to admit na nagkamali siya nang desisyon noon...."
"Ako naman ang may kasalanan nun, Ate------"
"It's not about who's at fault and who's not, Fallon," she said softly and wipe the tears that fell again on my cheeks. "It's all about on how you will deal the problem with understanding..." paliwanag nito.
Napahikbi naman ulit ako sa sinabi niya.
Bakit sinasabi sa akin ni Ate ito? 'Diba dapat magalit siya sa akin ngayon kasi napakalaki nang kasalanan ko.
"Umalis ako upang makapag-isip-isip. And throughout this years na magkasama kami ni Reigan, alam ko naman noon pa na ako nalang mag-isa 'yong kumakapit. Yes, it hurts! But then I realized that there are things that is not really meant for us..."
"Pero kasi------"
"Don't blaim yourself too much, Fallon. Kasi naiintindihan ko. Nagmahal ka lang. And sometimes love turn us to be blind. Oo! Dapat galit ako ngayon sayo dahil sa ginawa mo but then how can I stay mad at you kung mas nangingibabaw ang pagmamahal na meron ako sayo..."
"But what I did to you is worst...." mapait na sabi ko at nahihiyang iniyuko ko ang ulo ko.
"Alam ko. At alam ko rin na sa lahat nang nangyari ay marami kang natutuhan. Pero minsan may mga bagay na kailangang ipilit at meron ding mga bagay na hindi kailangang ipilit..."
Napaangat naman ako sa sinabi ni Ate Charlotte. She smiled to me genuinely and understandingly.
"Alam ko na sa lahat nang nangyari natutunan mo na ang pagmamahal hindi lang para sa ikaliligaya ng isang nagmamahal. That we should stop thinking about one's happiness. That we should stop being selfish. Mahal ko si Reigan. Mahal ka ni Reigan. At mahal mo si Reigan. I'll ask you this, Fallon. What do you think is the right thing I must do in this kind of situation?" she asked confidently.
Napaluha naman ako sa tanong niya dahil alam ko ang sagot. Alam na alam ko.....
Kasi 'yon ang bagay na kahulihulihan kong ginawa dahil sobrang nasasaktan na ako. At kung saan na-realize ko 'yong mga kamalian ko.
"I should give way right?" she asked softly. "It's not just about because I want the both of you to be happy but it's also about me being happy. Because I know somewhere out there, I can able to meet the person who is really meant for me. Be happy, Fallon. I don't want you to deprive your happiness because you're blaiming yourself that you're at fault."
Niyakap ko naman agad si Ate Charlotte at umiyak ako sa balikat niya. Wala na akong ibang masabi sa kanya.
Ate Charlotte really has a good heart.
"We can't bring back the past and it's not the time to pin point someone for this mess because it already happened. You suffered a lot too, Fallon, the same as him. I already said everything that my hearts wants to reach you. But the final decision is still in your hands. Will you still make both of you suffer from that pain or the otherwise? It's up to you."
Kumalas naman si Ate mula sa pagkakayakap ko sa kanya. Tumayo siya at marahang hinawakan ang balikat ko.
"I'll leave you now. Please, pag-isipan mo 'tong mabuti."
That was the last thing she said before she finally leave. Naisubsob ko naman ulit ang mukha ko sa mga palad ko at umiyak.
Napaangat lang ako ng tingin nang biglang may umabot ng puting handkerchief sa harap ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino iyon.
"Clyde!" gulat na bulalas ko. Kinuha ko naman agad ang panyong inilahad niya at ipinunas ko iyon sa mukha ko. "I'm..I'm sorry. A-anong ginagawa mo dito? Ka-kanina ka pa ba?"
"Yes," sagot niya. "Nakita pa nga ako nang Ate mo sa labas nang umalis ito. And I heard everything from the beginning until the end."
Nanlaki naman ang mga mata ko at hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko sa kanya.
Ito rin kasi ang isa sa mga dahilan kung bakit pakiramdam ko hindi ko pa kayang gumawa nang ganoong desisyon.
I don't want to dissappoint him. Cylde help me a lot before when I was hurt and in deep pain kaya nga gusto ko manlang makabawi sa kanya.
"Fallon," malumanay na banggit nito sa pangalan ko. "Do you still remember what I said to you before nang magkita tayo sa Beach Resort niyo?"
Tumango lang ako sa sinabi niya.
Of course, I do! I do remember it!
Paano ko ba makakalimutan ang bagay na 'yon. It made me realize a lot of things. Na para kahit doon manlang ay hindi ko sisihin ang sarili ko sa katangahang nagawa ko noon.
"I told you before that finding your own happiness is choosing the right way," paalala nito at hinawakan ang kamay ko.
Tumulo naman ang luha sa mga mata ko habang nakatingin sa kanya.
"Maaaring hindi man 'yon tama sa paningin ng iba pero para sa sarili natin 'yon ang tama. Selfish mang tignan pero ganoon talaga. Dahil sino ba naman sa atin ang hindi gugustuhing maging masaya, 'diba?" He wiped the tears in my cheeks and smile to me genuinely.
"Maging masaya sa piling ng taong nagpapaligaya sa atin lalo na't sa mga taong mahal natin. Everyone of us has our own way of finding our true happiness. At hanggang hindi pa ito talagang matatawag na tama hindi pa 'yon ang totoong kaligayahan. Just like what your Ate Charlotte did. She didn't deprive herself for the happiness that she may have in the future. Hindi man sa ngayon but as days past by mahahanap niya rin 'yon."
Napahagulhol na ako ng iyak nang dahil sa sinabi niya. Kasi alam ko, alam na alam ko kung ano ang pinupunto niya. Kinusot ko ang mga mata ko because my vision started to get blurry.
"P-pero paano ka?" naiiyak na tanong ko. Nanatiling nakangiti lang ang mukha niya sa akin at pinunasan niya ulit ang luha sa pisngi ko.
"I still have three months left. Makakahanap parin naman ako ng babaeng papakasalan ko. And I don't want to trap you in a loveless marriage. Kasi noon, 'yon din ang pinagdaanan mo. You deserve to be happy, Fallon. You deserve also to be love by him. Kahit hindi man siya deserving nang dahil sa nangyari noon. Nakikita ko naman ngayon na ang pagmamahal na ibinibigay niya sa iyo ang siyang deserving na tanggapin mo. At huwag kang mag-alala dahil kung mawawalan na ako nang oras ay pipikutin ko nalang ang Ate mo."
Binigyan niya ako ng isang makahulugang ngiti. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
"I'll take good care of your sister so don't worry," dugtong niya.
"Cylde!" I exclaimed. Humalakhak naman siya. Napapailing nalang ako. But in the end, I run to him and gave him a hug.
"So...so...the wedding for tomorrow is already off," I stated.
Hinaplos naman niya ang likod ko.
"Go and chase the man you love, Fallon," anito.
Humigpit naman ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Thank you, Cylde. Thank you for being there for me. Always."
Pinalis ko ang luha sa pisngi ko at kumalas ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya. He smiled and mouthed "Go". Tumango naman ako at agad na tumakbo palabas ng kwarto.
Pagkalabas ko ng Hotel ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking naghihintay sa labas ng kotse nito na nakaparada sa harap ng Building.
"Niro!" gulat na bulalas ko. Akala ko ba umalis na siya kanina pa. Naglakad siya patungo sa kinaroroonan ko at nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong hinila patungo sa kotse niya.
"Let's go! Ihahatid kita kay Kuya Reigan," anito habang hila-hila ako.
"Teka...teka...akala ko ba umalis ka na?" tanong ko .
"I stay because I know you will choose the right way,"
he said with confidence.
Hindi naman ako nakaimik dahil sa sinabi ni Niro. I know he's right. Kasi pakiramdam ko unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko. At kagaya nga nang sabi ni Cylde, finding your happiness is choosing the right way and that's what I'm going to do.
To find my happiness to the man whom I truly love.
Life is really not that easy. Maraming dadating na pagsubok sa atin. We made mistakes. We choose wrong decisions. But what's more important is that we learn from it and correct what's wrong from it.
Hindi ko man maramdaman noon ang pagmamahal niya sa akin. And knowing how much he loves me right now, it's all worth it. Every pain, sufferings and tears I shred, it's all worth it.
Because I know somehow that Reigan Montenegro is worth to love.
"Get in," utos ni Niro nang makarating kami sa sasakyan niya.
Pumasok naman agad ako at ganoon din siya. Before he start the engine ay may sinabi muna ako sa kanya.
"Thank you for doing this for me, Niro," sabi ko na ikinatigil niya.
Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti.
"You don't have to thank me because I'm doing this also for my brother. Kahit na istorbo kayo sa lovelife ko ay okay lang," sabi nito na ikinatawa ko.
"Bakit mo naman nasabi 'yon?" I asked teasing him.
Ngumuso naman ito.
"Alam mo bang iniwan kong natutulog ang little girl ko roon dahil sa emergency na 'to. Imbis na asikasuhin ko 'yong pagpapaamo sa babaeng mahal ko ay nandito ako ng ilang linggo at ginagawan ng solusyon ang lovelife niyo. Mga sakit talaga kayo sa ulo..." he complained.
Umiling-iling naman ako sa sinabi niya. He start the engine that made me shiver.
Kinakabahan ako...
"Teka, nasaan ba si Reigan ngayon?" I asked him.
Ngumisi naman ito at bahagyang lumingon sa gawi ko.
"Sa bahay niyo."




*******************************************

"DITO na siya tumitira simula ng umalis ka. Nandiyan siya sa loob puntahan mo nalang."
Napalunok naman ako sa sinabi niya at marahang tumango nang tuluyan kaming makarating sa lugar kung nasaan si Reigan.
Binuksan ko 'yong pintuan ng kotse at lumabas. Nagpasalamat ako sa kanya bago siya tuluyang umalis. Napatingin naman ako doon sa bahay namin noon at ganoon nalang ang kabang namutawi sa dibdib ko.
Okay, nandito ka para sa kanya.
Kaya mo 'yan, Fallon! Fighting!
Nagsimula na akong maglakad patungo sa pinto. At nang pinihit ko ang seradura ay hindi naka-lock iyon. Pumasok na ako sa loob at halos mamangha ako nang makitang wala manlang itong ipinagbago simula ng umalis ako. Naglakad ako papasok at nang mapadaan ako sa kusina ay siya ring paglabas ni Nana Emma.
"Fallon!" gulat na bulalas nito at muntik na niyang mabitawan ang pinggan na hawak-hawak na may lamang kanin. "Susmaryosep! Ano'ng ginagawa mo rito?"
Napalabi naman ako.
"Si..si Reigan po, Nana Emma. Nasaan?" tanong ko.
Kumunot naman ang noo nito.
"Nandoon na naman sa likod ng bahay."
"Sa likod po?" gulat na bulalas ko.
"Oo," sagot niya. "Puntahan mo nga doon at mag-usap kayo. Mamaya ako naman ang mangangamusta sa 'yo."
"Si-sige po, Manang. Pupuntahan ko lang," paalam ko.
Tumango lang siya at ngumiti. Nahihiyang naglakad naman ako palayo sa kanya at lumabas ulit ako ng bahay upang magtungo sa likod.
Naalala ko pa noon, that place was supposed to be my safe haven kasi doon ako umuupo sa isang bench at nag-aabang ng falling star na mahulog mula sa langit.
Natigilan naman ako nang maisip 'yon.
Shit! Don't tell me.
Ang bilis nang kabog ng dibdib ko at lalo na ngayon na malapit na ako sa patutunguhan ko.
My heart skip a beat when I saw the back portion of the man who made my heart beat abnormally.
"Re-reigan." Pakiramdam ko may kung anong bumara sa lalamunan ko habang binabanggit ang pangalan niya.
And when he turn around, I fall again for the second time....
-
♡lhorxie

MD 4: Selfish Attachment (1st Generation) ✔Where stories live. Discover now