Special Chapter

9K 183 11
                                    

SPECIAL CHAPTER :
I'm Attached On You
( Rei Gallen's Point of View)
HINDI ko magawang ipikit ang aking mga mata habang pinagmamasdan ko ang babaeng mahal na mahal ko na nandito ngayon sa tabi ko habang mahimbing na natutulog. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Natatakot ako na baka kapag ipinikit ko ang aking mga mata at pagmulat ko ay isa palang panaginip ang lahat ng 'to. I take a deep breathe and softly caressed her cheeks. Pakiramdam ko nawala ang takot at pangamba sa dibdib ko nang dahil sa mga sinabi niya sa akin. Mula nang bumalik siya ay ngayon lang ako nakaramdam ng kapayapaan.
I know I take her for granted for years and I'm still glad dahil hanggang ngayon nandito parin siya. Naalala ko ang mga nangyari noon kung saan galit na galit ako sa kanya.
"Hindi ko aakalain na ganito ka na ka-desperada para mapikot ako! Hindi ka na nahiya! Alam mong girlfriend ko ang Ate mo at hanggang ngayon hindi ka parin tumitigil sa kakahabol sa akin," I hissed angrily.
Galit na galit ako sa ginawa niya na kung maaari ko lang siyang sakalin ay kanina ko pa ginawa. Marahas na hinablot ko ang braso niya.
"Reigan, nasasaktan ako," daing niya ngunit bingi ako sa mga sinasabi niya.
"Ilang ulit ko pa bang ipapamukha sa iyo na hindi kita mahal! At kahit kailan hindi kita magugustuhan dahil ang Ate mo lang ang mahal ko! Si Charlotte lang ang mahal ko at wala ng iba! But you ruined everything!"
I can't believe how evil Fallon Xylex Rodriguez could be. Wala ba itong pakialam sa Ate nito na nasa ganoong sitwasyon at nakaya niyang gawin ang bagay na 'to.
"Wa-wala ako a-------"
"Walang alam! Magmamaang-maangan ka pa! Alam kong isa na naman 'to sa mga plano mo!" bulyaw ko sa kanya at pabalang na binitawan ang braso niya. "But mind you, Fallon. I'll make sure your life will be a living hell!" banta ko bago tuluyang umalis.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, all my life palagi nalang ako ang sumasalo sa mga resposibilidad na hindi ko naman pinapangarap. Mula sa pamamahala sa Hacienda hanggang sa M Construction, tanggap ko 'yon dahil para na rin 'yon sa mga kapatid ko at alam kong ako ang panganay sa amin pero ito, hindi ko kayang sikmurain ang responsibilidad na wala namang katotohanan.
"Mama, ayoko ngang magpakasal kay, Fallon! Si Charlotte ang mahal ko, Mama! Si Charlotte!" I hissed.
"I didn't raise you to be an oa----"
"Wala ngang nangyari sa amin! Ilang ulit ko bang sasabihin na walang nangyari sa amin, Mama! I don't know what stint that bitch did------" putol ko sa sasabihin niya.
"Reigan Montenegro! Watch your words. Fallon isn't a bitch! Ganyan ba kita pinalaki? Hindi marunong rumespeto sa babae!"
"Hindi parin ako magpapakasal sa kanya! Okay, fine! Kunin niyo na lahat! I don't care anymore. Hinding-hindi ako magpapakasal sa babaeng 'yon!" giit ko.
Naniningkit ang mga matang hinarap ako ni Mama.
"Okay, fine! Ayaw mong panagutan ang ginawa mo. I won't take the operation, Reigan. Hindi na rin ako magpapa-opera. Hayaan mo akong mamatay dahil sa pagiging duwag mo sa gulong ginawa mo!" banta ni Mama.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
"What?!" I exclaimed. "Mama naman! Alam mong napaka-importanteng ma-operahan ka at hindi mo itutuloy nang dahil lang dito! Mama, wala ngang may nangyari sa amin ni Fallon. Bakit ayaw niyong maniwala sa akin? Anak niyo ako!" I said frustratedly. Malamig na tingin naman ang ipinukol nito sa akin.
"Just remember my conditions, Reigan. It's all up to you," she said coldly and went out of my room.
Nanghihinang napaupo naman ako sa sahig. Sinabunutan ko ang buhok ko at sumigaw ng malakas.
Damn this life! I'll make sure, she'll rot in hell too.
"Saan ka pupunta?" Fallon asked after our wedding ceremony. Galit na galit parin ako sa kanya and there is only one place I know whom I can feel at peace.
"Sa ospital," simpleng sagot ko.
Bumalatay ang sakit sa mga mata ni Fallon dahil alam kong alam niya kung bakit ako pupunta roon at wala akong pakialam kong masaktan man siya. Hindi ko maatim na makasama siya kahit isang araw lang. I loathe her to the core. Kinakamuhian ko ang mga tulad niya. Napaka-desperada at napaka-selfish niya. She only thinks about her own happiness which is not good. Hindi pagmamahal ang tawag do'n. Nakaya kong isakripisyo ang mga pangarap ko dahil sa pagmamahal ko sa mga kapatid ko pero siya anong ginawa niya? Damn her!
But everything gone to hazed when I received a phone call from Nana Emma. Fallon was confined in the hospital because of allergies. Nang dahil lang sa pagkain nang niluto kong breaded shrimp. Hindi ko alam kong anong tumatakbo sa utak nang babaeng 'yon at nagawa pa niyang kainin 'yon kahit na alam naman niyang bawal 'yon sa kanya.
Baliw na ba talaga siya?!
"Reigan, hijo, hindi naman sa nangingialam ako pero kasi naaawa na ako kay Fallon. Alam kong galit ka sa kanya pero sana naman pakitunguhan mo manlang siya nang maayos kahit 'yon nalang. Respeto nalang sa kanya bilang babae," Nana Emma said nang dumating ako sa hospital.
I was left dumbfounded.




MD 4: Selfish Attachment (1st Generation) ✔Where stories live. Discover now