Chapter Fourteen 💝

8.2K 191 18
                                    

Chapter Fourteen : Sorry
_________________________________________

KUMUNOT ang noo ko at iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng hotel room na kinaroroonan ko. Nasaan na ba 'yong heels na susuotin ko para sa kasal bukas?
"Mom, nakita niyo po ba ang heels na susuotin ko para bukas sa kasal?" sigaw ko kay Mommy na nagtungo lang kanina sa banyo.
Kumunot ang noo ko nang hindi manlang ito sumagot kaya ako nalang mismo ang pumunta sa kinaroroonan niya. Kumatok ako sa pinto but no one answered.
"Mom," tawag ko.
Pinihit ko ang seradura ng pinto at kumunot ang noo ko dahil hindi ito naka-lock. Binuksan ko ang pinto at nakitang walang tao sa loob. Napakamot nalang ako sa ulo ko.
Saan naman kaya nagpunta si Mommy?
Alam naman niyang kailangan ko siya dito, eh. Naglakad nalang ako patungo sa pinto palabas ng kwarto namin upang hanapin siya sa labas ngunit hindi ko pa nga nabubuksan ang pinto ay bumukas na agad ito. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa harap ko si Niro.
"Niro!" gulat na bulalas ko.
This is the first time I saw him again after the welcome party. Isang tipid na ngiti ang iginawad nito sa akin.
"Can I come in?" he ask nonchalantly.
Napalunok naman ako at tumango.
"Pasok ka," aya ko at bumalik ulit sa loob ng silid. Sumunod naman agad ito sa akin.
"May kailangan ka?" tanong ko nang makarating kami sa sala.
"I heard na ikakasal ka na bukas," he stated. Nag-iwas naman agad ako ng tingin at marahang tumango bilang sagot.
"Sigurado ka na ba riyan?"
Kaagad na nag-angat naman ako ng tingin at hindi na nakaimik sa naging tanong niya. I heard him sighed. He look at me boredly.
"You know what, Fallon," he said tiredly. "The main reason why I did what I did before is because I thought you are the girl whom will never leave him whatever will happened. Kasi nakikita ko sa 'yo kahit noon pa man na matapang ka at alam kong ikaw ang kailangan niya. But I guess I was wrong all this time." He flashed a sad smile. Bahagyang ginulo pa nito ang buhok ko. Pakiramdam ko may punyal na tumutusok sa dibdib ko nang marinig ang mga sinabi nito. Kahit noon paman ay alam kong ganito na makipag-usap si Niro. He's too straightforward at hindi marunong magpaligoy-ligoy sa mga salita niya kahit na masaktan ka man o matamaan sa mga pinagsasabi niya.
"Among the four of us, Mavien is the most childish. Kean is very playful and I can't deny the fact that I'm such a manipulator. And you know that Reigan is the serious type. Pero sa aming apat, alam kong alam mong hindi natin maipagkakaila that Reigan is also the most vulnerable person among of us. Despite that I don't care what happened to you facade laid a very soft heart," mahinahong pahayag nito ngunit ramdam ko ang sakit sa bawat katagang binibitawan nito.
Alam ko 'yon.
Alam na alam ko 'yon kasi since grade school palang ako si Reigan na ang pinakamabait, pinakamaalalahanin at pinakamasayahing taong nakilala ko.
Noong bata pa ako at nakita niya akong umiiyak sa labas ng hardin namin dahil hindi ako nabilhan nina Mommy ng candy kasi bawal daw iyon sa akin ay agad na lumapit ito sa akin at sinabihan niya akong maghintay lang daw ako ng falling star at mag-wish dahil matutupad nun ang kahit na anumang hilingin ko.
"Paano kong hindi agad dumating ang wish?" I asked him.
"Just wait," sagot nito. "Huwag kang mapapagod na maghintay dahil balang araw matutupad din 'yon. Hindi man ngayon, hindi man bukas pero balang araw."
That's exactly what he said to me before. Naghintay nga ako hanggang sa tumuntong ako ng grade six dahil sa wakas ay pinayagan na ako nina Mommy na kumain ng candy. But everything changed during his senior years dahil kinailangan niyang mag-mature during that age. Napakalaking responsibilidad kasi ang nakaatang sa mga balikat niya. During that age, tinuruan na siya kung papaano pamahalaan ang buong Hacienda at ang M Constuction. And because of that the most sweetest and kindest person I know turn to be cold and heartless.
"Since grade school, I know that you already know what his dream is, right Fallon?"
Mariing ipinikit ko naman ako ang mga mata ko at hindi ko na napigilan ang luhang pumatak sa mga mata ko.
Of course, I know.
He wants to be a painter!
But it didn't happened.
"We owe everything to our Kuya. Kasi kung hindi dahil sa kanya hindi namin maaabot kung ano man ang meron kami ngayon. On the other hand, he is still stuck to a place which he doesn't dream to have. I want to be a lawyer. Kean wants to be a car racer. And Mavien, I don't know what's gotten to that childish mind's brother of mine. Kuya Reigan wants to be a painter ngunit hindi niya ito natupad dahil kinakailangan niyang matutunan ang pamamalakad ng buong Hacienda at M Construction kasi naduwag kaming tatlo na tanggapin ang ganoong kalaking responsibilidad maliban sa iba ang gusto naming makamit."
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga.
"Alam kong hindi kita masisisi kung ayaw muna sa kanya ngunit alam ko rin na ikaw lang ang mas nakakaintindi sa kanya, Fallon."
Bigla siyang naglapag ng isang recorder sa ibabaw ng mesa na nasa harapan naming dalawa. Kumunot naman ang noo ko kung para saan 'yon. He closed his eyes for a second before he look at me gently and understandingly. Napakaraming emosyon ang bumabalot sa mga mata nito.
"Eight years ago, since the day you left..." panimula niya. He take a deep breathe first before he continue. "We saw again the Reigan we used to know since grade school. The Reigan who easily cried over small things. Ang ipinagkaiba lang ngayon kaysa sa noon is that when he fall real damn hard hindi na niya alam kung papaano pa bumangon kasi ang kaisa-isang tao na naging dahilan nang pagbagsak niya na siya rin sanang magiging dahilan nang pagbangon niya ay siyang taong umiwan sa kanya."
Bumuhos ang luha sa mga mata ko nang dahil sa mga sinabi niya. Pakiramdam ko ay para akong nauupos na kandila. Niro Montenegro's every words totally hit my entire system as if it was like an acid dripping inside my throat.
"Hindi kita sinisisi sa mga nangyayari sa kanya ngayon. Hindi mo naman kasalanan na hindi mo na siya mahal ngayon. Alam ko kung anong pinagdaanan mo noon. And in the first place walang ibang dapat sisihin dito kundi ako. If I didn't pull that kind of stint hindi sana mangyayari ang ganito."
And then naalala ko 'yong nangyari four years ago. Umiling-iling naman ako sa sinabi niya habang umiiyak. Wala siyang kasalanan kasi ako ang gumawa nang desisyon na ituloy ang kasinungalingang 'yon. Itinulak nito palapit sa akin ang recorder na ipinatong niya sa ibabaw ng mesa.
"If you don't want to hear everything in that recorder, it all depends on you. Ibalik mo nalang iyan sa akin bukas pagkatapos ng kasal," he said coldly. Hindi naman ako nakaimik sa sinabi niya.
"You know Zheena?" he asked all of a sudden. "The woman whom I love..." Tumango naman ako sa kanya.
"One time pagkagising ko na hindi ko siya agad nakita sa tabi ko ay hinanap ko siya agad at nakita ko silang dalawa ni Kuya Reigan na nag-uusap sa veranda. I don't know why but something is pushing me to record their conversation and I'm glad I did. 'Yan ang nakapaloob sa recorder. Kung gusto mong malaman ang pinag-usapan nilang dalawa ikaw na ang bahala diyan." Iyon lang ang sinabi niya bago tuluyang umalis.
Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga bago kinuha ang recorder. Umupo ako sa sofa at inilapag iyon sa gilid ko. Pinalis ko ang luhang pumapatak sa pisngi ko. I take a deep breathe before I press the start button.
"Reigan, iyong tungkol kay Fallon...." I heard Zheena said na halatang binitin pa nito ang sasabihin dahil tumigil muna ito bago nagpatuloy. "I heard that she's your ex-wife."
Sandaling namayani ang katahimikan bago ko ulit narinig ang boses sa recorder.
"I see," Reigan said almost a whisper.
My heart palpitate even faster when I heard his voice epecially the sadness that lies within it.
"If you don't want to talk ab------"
"The very reason why I want to get close with you is because you remind me so much of her, Zheena. She has the same personality as you."
Pakiramdam ko tumigil bigla sa pag-ikot ang mundo ko nang marinig 'yon. The longing in his voice is very visible.
"Kapag naiinis siya, nagdadabog siya. Pumapadyak na parang bata. She always got jealous. She is like a kid and whenever she does that I always get irritated. Whatever she does, whenever she talks I get irritated. I loathe her. I loathe her to the fullest na makita ko palang siya ay naiinis, naiirita at nagagalit na ako. I always push her away because I don't love her. She's selfish, desperate, immature and a bitch." I can feel the anger in his voice everytime he says every word.
"I push her away. I always shoved to her face that I don't love her. Na pinakasalan ko lang siya dahil kinakailangan. I always tell her that I love her sister than her and that won't change. Then she left me. She left me kagaya nang gusto kong mangyari. I am happy. I felt free when she left and signed those annulment papers. Dahil atlast, wala nang umiirita sa akin. I am free to love someone I love. I am damn happy...I am happy..." galit na pahayag nito and then I heard a sigh on the other line.
"That's what I'm supposed to feel," mahinang sabi niya. "That's what I'm supposed to feel, right, Zheena? Pero bakit ganoon?" His voice cracked.
Pakiramdam ko may punyal na tumusok sa dibdib ko dahil doon.
I can feel his pain....
I can feel his regret....
And I can feel his sadness....
"I felt incomplete. I felt like my chest was being torn into pieces, telling me that it's still bleeding up until now. I missed the way she got irritated and jealous. I missed everything she does, in every way she talks. I missed it. I missed her. I missed all about her. Everytime I remember her, pain creeps inside my chest, too painful that it's killing me softly."
"You love her," Zheena stated.
"Yes I do and it's already too late." Pain is very evident on his voice.
Natigilan naman ako nang marinig 'yon at nagsimulang bumagsak ulit ang mga luha sa aking mga mata.
I know he does.
"Hindi pa naman huli ang lahat. Tell her what you feel and apologize to her, Reigan."
"I take her for granted for almost a year. I hurt her too much. I don't think she would forgive me," mapaklang sabi niya. I can feel the bitterness on his voice.
"She will forgive you, Reigan. I know she will. Lalo na't alam kong pinagsisisihan mo ang mga nagawa mo noon. Tao ka lang din na nagkakamali. You aren't perfect because that's what we are. We're just human."
"Maybe she will forgive me but that's when she already moved on and loves someone else, leaving me hanging."
Napaiyak na ako ng husto nang dahil sa narinig. Naninikip ang dibdib ko sa sakit na namumutawi sa loob ko.
I hurted him.
I really did.
I know loving Reigan Montenegro is not easy and I choose to give up because it's too hard.
"Kuya Reigan, tama na 'yan! Lasing kana!"
I was stunned when I heard Kean's voice on the recorder. Akala ko tapos na pero hindi pa pala.
"Bitiwan niyo ako! Hindi pa nga ako lasing!" Reigan hissed that made me broke in tears even more.
"Lasing kana!"
"Hindi nga sabi! Ibigay niyo nga sa 'kin ang alak na iniinom ko dito at umalis na kayo! Hindi ko kayo kailangan dito!"
Nakarinig ako nang hikbi sa kabilang linya. It was Reigan who's sobbing on the other line.
"Kuya Reigan," tinig iyon ni Mavien. Nakarinig ako nang pagbagsak ng kung anong bagay sa recorder.
"You know what?! I want to be with her for the whole one week. Nilista ko na nga lahat ng plano ko na gagawin naming dalawa sa buong linggo na 'yon but it didn't happened. Kasi ayaw niya...ayaw na niya akong makasama, ayaw na niya sa akin."
Humagulhol na ako ng iyak nang marinig 'yon.
If you only knew....
I also want to be with you, Reigan.
I really want too..
At hindi totoong ayaw ko na sa iyo pero kasi alam kong hindi na pwede dahil ito 'yong alam kong tamang gawin.
"I know it's too much to ask her that kasi kasalanan ko naman talaga, 'diba? Kasalanan ko. Pero kasi noon pinipilit din naman niya ang mga bagay na ayoko. Wala na akong ibang ginawa kundi singhalan siya at ayawan. Naiinis na nga ako sa mga pamimilit niya sa sarili niya sa akin at sa gusto niyang gawin namin but still in the end palagi nalang niya akong napapapayag."
Naalala ko noong 3rd monthsary namin na pinilit ko siyang magbakasyon kami sa Del Rio Hotel and Resort. Halos sakalin na nga niya ako noon sa sobrang inis dahil ayaw niyang sumama but still in the end wala siyang nagawa kundi ang samahan ako.
"I also want to do that. Gusto ko ring ipilit 'yong sarili ko sa kanya kasi siya nga noon ganoon bakit ako ngayon hindi pwede, 'diba? Pero nakakaputangina naman kasi! Kapag gusto kong ipilit ang gusto ko sa kanya, isang pag-ayaw at singhal niya lang sa akin ay natatakot na ako. Iyong feeling na nanginginig ang kalamnan mo sa takot. I knew it sound so gay but that's what I feel. Iyong wala ka ng magawa kundi ang maging sunod-sunuran sa gusto niya. Lalo na kapag umiiyak na siya, pakiramdam ko nanghihina ako kaya hindi ko na magawang ipilit ang gusto at sarili ko sa kanya. It's so unfair! Siya naman 'yong namilit ng sarili niya sa akin noon at kung kailan hulog na hulog na ako at mahal na mahal ko na siya ay nagkabaliktad naman kaming dalawa kasi siya 'yong naka-move on at mayroon ng iba. Kasalanan ko naman talaga! Kasalanan ko 'tong lahat! Kasi itinulak ko siya palayo. I deserve to feel this pain. I deserve to be hurt this way."
"Kuya, tama na 'yan------"
"Let him be, Kean."
It was Niro's voice I heard talking.
Nakarinig pa nga ako nang buntong hininga sa recorder.
"Miss na miss ko na siya," pumiyok ang boses na sabi ni Reigan.
Nanginig ang tuhod ko dahil doon.
"Miss na miss. I want to hug her. I really want to. Gustong-gusto kong magmakaawa sa kanya na bumalik na siya sa akin. Na sana mahalin nalang niya ako ulit. Ngunit sa tuwing susubukan kong gawin 'yon ay hindi ko kinakaya lalo na't umiiyak siya sa harap ko. Her tears is my weakness. Hindi ko magawang ipilit ang sarili ko sa kanya lalo na't kung makikita kong hindi siya magiging masaya."
Naisubsob ko ang mukha ko sa aking mga palad at mas lalong umiyak. Walang patid ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.
"Every night I'm always waiting for a falling star to fall from the sky so that I could make a wish. And I only have one wish every night....."
Napaangat naman ako ng tingin at tinignan ko 'yong recorder na nasa gilid ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Na sana mahalin mo na ako ulit kasi ako mahal na mahal kita at wala nang ibang babaeng gusto kong pakasalan kundi ikaw lang..."
And then the recorder stop and it left me dumbfounded.
Some memories from the past flashed like a lightning bolt through my mind.
"Fallon, what do you think you're doing here?! Umuulan na nang malakas!"galit na bulyaw nito sa akin at pinayungan ako.
"Naghihintay ng falling star," sagot ko kahit mukhang basang sisiw na ako.
"What?" bulyaw nito. "Are you out of your mind? Walang falling star na dadating dahil umuulan. Tumayo ka na riyan at pumasok na tayo sa loob ng bahay. Ayokong isipin ni Nana Emma na pinapabayaan kita!"
"Ganoon naman talaga ang ginagawa mo, 'diba?" malungkot na tanong ko.
Naningkit naman ang mga mata nito.
"You know the main reason why I married you," iritadong sabi nito. Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga.
"Alam mo bang palagi akong umaabang ng falling star dito tuwing gabi kasi iisa lang naman ang hiling ko. Na sana mahalin mo na ako, kasi ako mahal na mahal kita at wala nang ibang lalaking gusto kung pakasalan kundi ikaw lang."
"You're crazy," saad nito.
Ngumiti naman ako sa kanya at tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko.
"I know right. Kaya masanay ka na sa kakulitan ko dahil hinding-hindi ako susuko kahit ano'ng mangyari. Alam kong mamahalin mo rin ako. May nakapagsabi kasi sa akin noon na kailangan ko lang maghintay nang maghintay dahil dadating at dadating din ang araw na mangyayari 'yon. Hindi man ngayon. Hindi man bukas pero alam ko dadating iyon sa tamang panahon. So you need to bear with my craziness dahil kahit ano'ng mangyari, hinding hindi kita iiwan. And that's a promise..."
Napahikbi na ako ng maalala ang mga bagay na iyon.
In the first place alam kong si Reigan ang taong napakahirap mahali pero pinilit ko parin ang sarili ko sa kanya. At kung saan natupad na ang isang bagay na siyang tanging hinihiling ko noon ay siya ring pagbitaw ko sa pinangako ko sa kanya noon.
"And you know what, Fallon. I'm still hoping...hoping that until now your still holding back on the promise you made to me before."
Nag-angat naman ako ng tingin nang marinig ko ang mga 'yon sa recorder. Akala ko tapos na lahat dahil tumigil na ito ilang minuto na ang nakakaraan ngunit hindi pa pala. Dumako ang tingin ko sa recorder and I check kong may kasunod pa ba ngunit wala na talaga.
Napahikbi nalang ako dahil sumisikip ng husto ang dibdib ko.
I inflected too much damage on him.
I already did.
And I almost forgot about my promises that it's very hard to fulfill right now.
I'm sorry, Reigan. I'm really sorry for breaking you...

-
♡lhorxie

MD 4: Selfish Attachment (1st Generation) ✔On viuen les histories. Descobreix ara