Chapter Five 💝

1.9K 44 5
                                    

Chapter Five : Deal

________________________________________

"SIR REIGAN, nandito na naman po ulit siya." I heard Nana Emma's voice behind me. I open my eyes and look at the sky above. It's been days since I'm still doing the same thing I did back then. Back where I was hoping and wishing for the man I love to love me back.
The heavy rain is making me soaking wet but I didn't mind it. Mas lalo ko pang dinama ang lamig na nanunuot sa balat ko.
"Fallon, what do you think you're doing here?! Umuulan na nang malakas!" I heard Reigan hissed.
Later I know, someone shield me with an umbrella.
"Naghihintay nang falling star," sagot ko kahit na nagmumukhang basang sisiw na ako ngayon.
"What?" bulyaw niya. "Are you out of your mind?
Hindi naman ako umimik sa itinanong niya. Instead, I hugged myself even tighter.
"Umalis ka na," I uttered just to break the silence between us dahil mukhang wala yata itong balak na umalis.
"Walang falling star na dadating dahil umuulan. Tumayo ka na riyan at pumasok na tayo sa loob ng bahay. Ayokong isipin ni Nana Emma na pinapabayaan kita!"
Napangisi naman ako sa sinabi niya.
"Ganoon naman talaga ang ginagawa mo, 'diba?" malungkot na tanong ko.
Naningkit naman ang mga mata nito.
"You know the main reason why I married you," iritadong paalala nito.
Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buntong hininga.
"Alam mo bang palagi akong umaabang ng falling star dito tuwing gabi kasi iisa lang naman ang hiling ko. Na sana mahalin mo na ako kasi ako mahal na mahal kita at wala nang ibang lalaking gusto kong pakasalan kundi ikaw lang."
"You're crazy," wika nito.
Ngumiti naman ako sa kanya at tumayo na ako mula sa pagkakaupo ko.
"I know right. Kaya masanay ka na sa kakulitan ko dahil hinding-hindi ako susuko kahit ano'ng mangyari. Alam kong mamahalin mo rin ako. May nakapagsabi kasi sa akin noon na kailangan ko lang maghintay nang maghintay dahil dadating at dadating din ang araw na mangyayari 'yon. Hindi man ngayon. Hindi man bukas pero alam ko dadating iyon sa tamang panahon. So you need to bear with my craziness dahil kahit ano'ng mangyari, hinding-hindi kita iiwan. And that's a promise..."
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at naisipan ko pang magtampisaw sa ulan.
"Fallon, get youself inside the house!" Reigan hissed.
Napatawa nalang ako sa sinabi niya.
"Ayoko! I'm enjoying the rain."
"Ang tigas ng ulo mo. Magkakasakit ka niyan!"
Lumapit ito sa kinaroroonan ko ngunit agad din akong tumakbo palayo.
"FALLON!" he yelled.
Natawa nalang ako dahil doon. He tried to shield me with his umbrella but he failed to do so. At dahil mukhang inis na inis na ito. He threw the umbrella away just to catch me. Napatili naman ako sa ginawa niya nang makalapit ito sa kinaroroonan ko. Hinawakan nito ang bewang ko at hinila ako palapit sa kinaroroonan niya. Basang-basa na rin ito nang ulan.
"Bakit mo ginawa 'yon? Nabasa ka na tuloy," I said to him.
He just sighed.
"Because you're too stubborn, Fallon! Hindi kita mahuhuli kung hindi ako magpapakabasa sa ulan. If I will keep on shielding myself from this rain it would be hard to pull you off. Pumasok na tayo sa loob."
Napangiti naman ako nang dahil sa sinabi niya. Marahang tango nalang ang isinagot ko.
But before we could take a step, I pulled him and hugged him.
Just for once...
I want to feel his embrace....




*************************

"REIGAN," I called his name softly. Hinawakan ko ang kanang braso niya at marahang hinaplos iyon ngunit agad na tinabig rin niya ang kamay ko. Bumalikwas siya mula sa pagkakahiga at agad na humarap sa akin gamit ang matatalim niyang mga mata.
I sighed. "Kumain ka na..."
"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi kita kailangan! Just leave me alone!" bulyaw niya.
Napayuko naman ako at itinuon ko ang aking tingin sa pagkaing hawak-hawak ko. Dalawang araw nang nilalagnat si Reigan at dahil 'yon sa akin. Kung hindi sana ako nagpa-ulan nang araw na 'yon ay hindi ito mangyayari. Hindi ko naman alam na madaling dapuan nang sakit si Reigan.
"You make me sick, Fallon!" he uttered disgustingly and lay again above his bed. Parang punyal na tumutusok sa dibdib ko ang mga sinabi niya na para bang may iba pang kahulugan na ipinapahiwatig ang mga salitang 'yon.
"I said leave, Fallon!" he hissed.
Nagpakawala ulit ako nang malalim na buntong hininga. I gather all the strength I have left inside of me.
I choose this path kaya dapat mapanindigan ko 'to. I need to be strong enough to face his anger. Alam ko naman na ganito ang mangyayari.
"Reigan, can we make a deal?" I asked just to call his attention. Lumingon agad siya sa kinaroroonan ko habang nakakunot ang noo.
"What do you mean?" he asked confused.
Napalabi naman ako sa sinabi niya. Ito lang ang alam kong paraan sa sitwasyon namin ngayon.
"Just give me eight months...Sa loob ng walong buwan, bigyan mo ako nang pagkakataong iparamdam sa 'yo ang pagmamahal ko without those hatred feelings you have in me. At kung ayaw mo parin sa akin sa loob ng walong buwan na 'yon, I....I'll give you the annulment you wanted. Lalayo ako at hinding-hindi na ako manggugulo sa 'yo."
I know I sound so desperate but this is the only thing I could think of for this marriage to work.
Ano pa ba ang kailangan kong gawin para lang mabigyan niya ako nang pagkakataong mahalin siya?
I....I just wanted to have a chance.
Masama ba 'yon?
Masama bang piliin kong maging masaya?
"At paano naman ako makakasiguro na tutupad ka sa usapan, Fallon? Knowing how desperate and selfish you could be..."
Mariing ipinikit ko naman ang mga mata ko dahil sa mga sinabi niya. It pains me knowing na ganoon lang ang pagkakakilala niya sa akin. At hindi ko naman siya masisisi kung bakit ganoon.
"Magpapagawa ako ng isang legit na kontrata tungkol dito kung 'yon lang ang paraan upang pumayag ka."
Sandali itong natigilan sa inalok ko. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago tuluyang nagsalita.
"It's a deal then..." he uttered victoriously. "I'm very sure that I won't fall inlove with you in the end, Fallon. So brace yourself for one big heartache after this."




*********************

NAGPAKAWALA ako ng isang malalim na buntong hininga habang tinitignan ang kontratang pinirmahan namin kanina.
Ito naman talaga ang gusto kong mangyari, 'diba?
"Maraming salamat, Atty. Palomar," Reigan said.
Kinuha nito ang kontratang nasa harapan ko at kaagad na ibinigay sa abogado nito. Ngumiti si Atty. Palomar sa kanya bilang ganti.
"Walang anuman, hijo."
Tumayo ang abogado at ganoon din si Reigan bago tuluyang nakipagkamay sa isa't-isa. Ngumiti nang tipid sa akin si Atty. Palomar bago tuluyang umalis. Bumalik naman mula sa pagkakaupo niya si Reigan. Sandaling ipinikit nito ang mga mata. Hindi ko na napigilan ang sariling kong mapangiti dahil doon. He looks so worn out.
"What's with the smile?" he asked annoyed nang magmulat ito ng mga mata at nakitang nakangiti ako habang nakatingin sa kanya.
I shrugged. "Wala naman."
"Tsss," he snorted and pout his lips. "You already know the consequence kapag hindi ka tumupad sa usapan, Fallon. So I hope you will do your part in the end and I'll do mine in the process."
Tumango naman ako sa sinabi niya.
"Can I sit beside you?" I asked softly.
Nagpakawala naman ito nang malalim na buntong hininga bago tumango. Napangiti nalang ako nang dahil doon. Kaagad na lumipat ako nang puwesto. At ganoon nalang ang kabog ng dibdib ko nang umupo ako sa tabi niya.
"Can I hug you now, right?" I asked like a child.
Napalunok naman ito sa sinabi ko. Mariing ipinikit muna niya ang mga mata niya bago tuluyang tumango. I hid my smile and hugged him tight. And when he hugged me back. I felt my tears fell from my eyes.
This kind of warmth is what I always seek to feel.
His embrace is all I want to ask....
Kahit alam kong panandalian lang ito....
Gusto kong gawin ang lahat-lahat habang nasa tabi ko pa siya....
"Thank you, Reigan," I whispered lovingly.
And this is more than enough...

-
♡lhorxie

MD 4: Selfish Attachment (1st Generation) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon