Chapter Twelve 💝

8K 165 9
                                    

Chapter Twelve : Isang Araw
_________________________________________

BUMALING ang tingin ko kay Clyde nang maramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa bewang ko. He smiled sadly and caressed my cheeks softly using his left hand.
Dalawang linggo na ang lumipas simula ng magbakasyon kami sa resort at hindi na nagparamdam ulit si Reigan. Kahit hindi ko man aminin, I know deep inside me that I missed him. Pero alam kong ito ang tamang gawin. Hanggang ngayon ay hindi ko parin nakakausap si Ate Charlotte. Pagkauwi namin ni Cylde galing sa bakasyon ay hindi ko na naabutan si Ate sa bahay. Ang sabi ni Mommy sa akin ay umalis si Ate at gustong mapag-isa. Hindi rin naman naging lihim sa mga magulang ko ang nangyari.
"Kanina pala tumawag sa akin si Chelsea. Mamaya raw ang schedule mo upang sukatin 'yong gown para sa kasal natin sa makalawa," aniya.
Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya.
"Oo. Pupuntahan ko nga siya doon pagkatapos ng tanghalian," sabi ko sa pinasiglang boses.
"Are you really sure about this, Fallon?" he asked worriedly.
I knotted my forehead. Hindi ko masyadong na gets ang ibig niyang sabihin.
"Ano'ng ibig mong sabihin?"
He take a deep breathe and look at me firmly.
"About this wedding," aniya. "You know you can't hide everything from me. If you keep on holding back because of my situation may limang buwan pa naman akong natitira. I want you to be happy and I--------"
"Clyde!" impit na bulalas ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga sinasabi niya. "We already plan about this."
"I know." He sighed. "Ngunit alam mo rin na simula nang dumating tayo dito lahat ay nagbago na. You still love him, Fal. And even if you keep on denying it, I know you know that he is hopelessly inlove with you too."
"Alam mong ginagawa ko ito dahil ito ang tama." mahinang saad ko at bahagyang yumuko.
"Ito ba talaga sa tingin mo ang tama, Fallon?"
Napaangat naman ako ng tingin nang dahil sa tanong niya.
"I don't want to hurt my sister and you know that," I said painfully. "Minsan na akong nagkamali noon at ayoko nang mangyari ulit 'yon."
Pakiramdam ko may punyal na tumutusok sa dibdib ko habang sinasabi ko 'yon.
"She's already hurt, Fal. Sa tingin mo ba dahil sa gagawin natin ngayon mawawala ang sakit na nararamdaman niya? Think about it, Fallon. You know that I'm always here for you. Don't do the same mistake you did before. Kasi ikaw ang mas nakakaalam na ang pagmamahal masamang ipinipilit. Sa tingin mo, ang pagpipilit mo na ayusin ang problema sa ganitong paraan, aayos ba ang lahat o hindi? Pag-isipan mo."
Kumalas siya sa pagkakahawak niya sa bewang ko. He kissed my forehead before he totally leave me here all alone. Nanghihinang napaupo naman ako sa sofa at naisubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko.
Tama pa ba 'tong ginagawa ko? Hindi ko alam kasi gulong-gulong na ako. I was torn between choosing my own happiness or allowing my own sister to be hurt again.




*************************

SUMAPIT ang hapon at nagtungo ako sa boutique ni Chelsea upang isukat 'yong gown na susuotin ko. No need for more adjustment dahil kasyang-kasya naman ito sa akin. Nang matapos na kami ay agad naman akong nagpaalam na aalis na dahil may kailangan pa akong gawin sa bahay.
"Bye, Chelsea! Maraming salamat," nakangiting sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at iniligpit na niya 'yong damit na sinukat ko na ibinigay ko sa kanya kanina.
"No problem. Congratulation in advance para sa wedding mo. I'm happy for you, Fallon."
Ngumiti lang ako sa kanya bilang ganti at umalis na rin ako sa boutique niya. Papalabas na ako nang makasalubong ko sina Tita Belle at Tito Alvaro. Halatang nagulat ang mga ito pagkakita sa akin. Ngumiti naman agad ako sa kanila.
"Hi po, Tita Belle, Tito Alvaro," bati ko. They smiled back.
"Fallon!" gulat na bulalas ni Tita. "Hindi namin akalain na nandito ka rin pala."
"Ano po'ng ginagawa niyo rito?" tanong ko.
Nagkatinginan naman ang dalawa bago bumaling ulit sa akin.
"Uh, kasi itong anak namin na si Niro, gusto niyang ako ang pumili ng design ng gown na susuotin ni Zheena para sa kasal nila," sagot ni Tita Belle.
"Po?" gulat na bulalas ko. "Ikakasal na po si Niro? Nasaan po ba ngayon si Niro?"
This past few months kasi hindi ko na siya masyadong nakikita. At kahit anino niya ay hindi ko na nakikita simula noong huli naming pagkikita sa welcome party ko.
"Ayun, nagtungo sa ibang bansa upang sunduin ang magiging reyna niya," malumanay na sagot ni Tita Belle at bahagyang tumawa.
"Mabuti na nga lang at natauhan din ang isang 'yon dahil kung hindi pagtitirisin ko nalang silang magkakapatid. You know what I mean...." dugtong pa nito sabay kindat sa akin.
Namula naman ang pisngi ko nang dahil doon.
"Kailan po ba ang kasal nila, Tita?"
Sumimangot naman bigla si Tita Belle.
"Ewan ko. Padalos-dalos din kasi ang batang 'yon. Hindi pa nga niya alam kung papayag si Zheena sa gusto niya at gusto na agad mag-plano ng kasal."
"Uh, ganoon po ba..."
Wow! I never thought Niro Montenegro to be this impulsive just because of a woman. I guess, he already found his match.
"Oh, siya sige, Fallon. Mauuna na kami. It's nice to see you again," magiliw na sabi ni Tita Belle.
Tumango naman ako biglang ganti at tuluyan na silang pumasok ni Tito Alvaro sa loob ng boutique.
Nagpakawala naman ako ng isang malalim na buntong hininga at naglakad patungo sa sasakyan ko. Kinuha ko 'yong susi ng sasakyan sa loob ng bag ko.
And I was about to open the door when I felt someone hold my waist. Sisigaw na sana ako ngunit agad na may tumakip ng panyo sa bibig ko. Nakalanghap ako nang kung anong uri ng gamot and then everything went black....




************************

NAGMULAT ako ng mga mata dahil ramdam ko ang lamig na nanunuot sa balat ko. Napatingin ako sa kwartong kinalalagyan ko at nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang nangyari kanina.
I was about to stood up when I felt both of my hands were being tied on both edge of the chair. Bumalot ang kaba sa dibdib ko lalo na't biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko lalo na't nakita ko ang pagmumukha ng lalaking pumasok.
"Reigan!" gulat na bulalas ko. "Ano'ng ibig sabihin nito?"
Lumapit siya sa akin habang hawak-hawak nito ang isang tray ng pagkain. Kumuha siya ng isang upuan at inilagay iyon sa harap ko at doon umupo.
"I...I'm sorry," he whispered enough for me to hear.
Kumunot naman ang noo ko at nakita ko siyang napalunok.
"I...I'm sorry. Hindi ko pala talaga kayang makita kang kasama siya," dugtong niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa narinig. Maraming posibilidad ang pumapasok sa utak ko nang dahil doon.
"Reigan, pakawalan mo ako rito! Kailangan kong umuwi sa bahay!" galit na turan ko.
Umiling naman siya. At muntik nang magunaw ang mundo ko nang makita ko ang sakit na bumalatay sa mga mata niya.
"Just for one week...Please, be with me. Kahit isang linggo lang. I want you to be with me, Fallon."
"No! Ayoko! Ibalik mo na ako sa amin, Reigan!" I protested.
Hindi ko akalain na magagawa niya ito sa akin. I was scared to death dahil akala ko may masamang tao nang kumidnap sa akin.
"Kung...kung hindi pwede ng one week. Kahit isang araw lang....Kahit hanggang bukas lang...Gusto ko lang makasama ulit 'yong Fallon na nagmahal sa akin noon."
"Reigan----"
"Please," he pleaded. "Kahit isang araw lang."
And then I saw tears started to fall from his eyes na agad naman niyang pinunasan gamit ng mga kamay niya. Parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko dahil sa nakita.
This isn't the Reigan I used to know before.
"I'm sorry. Hindi ko lang kasi napigilan," sabi nito at paulit-ulit na pinunasan ang luha sa pisngi nito. "Kumain kana."
Akmang susubuan niya ako ng pagkain nang biglang iniwas ko agad ang tingin ko.
"Alisin mo ang tali sa kamay ko, Reigan," utos ko.
Bumalot ang takot sa napakaamong mukha nito. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.
"Hindi ako aalis. Just get this rope off of me," turan ko.
Naroon parin ang pag-aalinlangan sa mukha niya ngunit wala rin siyang nagawa kundi sundin ang utos ko. Pagkaalis ng tali sa kamay ko ay nakayukong umupo siya sa upuang inuupuan niya kanina.
"I'm sorry," he apologized again. "Alam kong galit ka nang dahil sa ginawa ko. Pero isang araw lang, Fallon. Kahit isang araw lang, 'yon lang ang hinihingi ko. After that, hinding-hindi na kita guguluhin. I want to make memories with you for the last time. Happy memories na hindi ko naibigay sa 'yo noon..."
"Reigan..."
Nag-angat siya bigla ng tingin. Pakiramdam ko anumang oras ay babagsak na rin ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa habang nakatingin sa mga mata niyang punong-puno nang pighati.
"Ga-ganito rin ba kasakit ang na-naramdaman mo noon ng ipinagtatabuyan kita palayo sa akin?" pumiyok ang boses na tanong nito at nagsimula na namang pumatak ang luha sa pisngi niya. "O baka naman mas masakit pa ang dinadanas ko kaysa sayo?"
Nagpakawala naman ako nang malalim na buntong hininga at hinawakan ang kamay niya.
"Isang araw," sambit ko. "Isang araw lang, Reigan. Payag ako doon. Pero sana after this huwag na nating ipilit. Kasi hindi ito tama. Maraming masasaktan at isa pa....."
Hindi ko naman matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil kumikirot ang puso ko. Parang batang tumango naman siya.
"Tha-thank you, Fallon," sagot nito na para bang naiintindihan nito ang ibig kong sabihin.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong niyakap ngunit hindi ko rin siya magawang itulak palayo. Kasi alam ko sa puso ko, gustong-gusto ko rin siyang yakapin nang ganito ngunit alam kong hanggang dito nalang ito.




*************************
PINAG-USAPAN naming dalawa ang tungkol sa mga bagay na gagawin namin bukas. Napapangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang masayang mukha ni Reigan habang sinasabi nito sa akin ang mga plano nito. Hanggang sa pagdating namin sa loob ng kwarto upang matulog ay ganoong ngiti parin ang nakapaskil sa mukha nito.
Humiga na ako sa kama upang magpahinga. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang tumabi sa akin at yumakap.
"Reigan----"
"Kahit ngayon lang, Fallon. Hindi ko 'to nagawa sa iyo noon. Kaya kahit ngayon lang. Let me do this for once," pagod na bulong niya sa tenga ko.
Mariing ipinikit ko nalang ang mga mata ko just to feel his embrace.
Just for once....

-
♡lhorxie

MD 4: Selfish Attachment (1st Generation) ✔Where stories live. Discover now