Chapter Thirteen 💝

7.3K 178 3
                                    


Chapter Thirteen : Thank You
_________________________________________

NAAALIMPUNGATAN ako dahil ramdam na ramdam ko ang lamig na nanunuot sa balat ko. Binuksan ko ang aking mga mata at iginala ang tingin sa buong paligid. And then I remember what happened yesterday. Iyong pag-kidnap ni Reigan sa akin at 'yong tungkol sa kasunduang hiniling niya sa akin. Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga.
Do I really need to do this?
I guess, I need to.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at inayos ko muna ang sarili ko bago tuluyang lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko sa kwarto ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kabuuan ng bahay.
Shit! Natulog lang kami kagabi at dinala na agad niya ako sa Montenegro Mansion. Paniguradong nandito sina Tita Belle at Tito Alvaro.
I swallowed hard and tried to calm myself.
Okay! Act natural, Fallon.
Wala naman sigurong masama sa gagawin mo, 'diba?
Bumaba na ako at nagtungo sa sala. Natigilan ako sa paglalakad at pakiramdam ko nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ang dalawang taong nakasalubong ko.
"Good morning, hija," nakangiting bati ni Tita Belle sa akin. Nang makalapit siya ay hinalikan niya ako sa pisngi.
"Go-good morning din, Tita Belle," nahihiyang bati ko.
Napatingin naman ako kay Tito Alvaro at bahagyang ngumiti lang siya sa akin bilang pagbati.
I think I need to explain everything to them why I am here. Baka ma-misinterpret nila ang lahat. Ayaw ko namang maguluhan sila.
"Ahmm, Tita kasi ano----"
Hindi ko naman nagawang ituloy ang anumang sasabihin ko dahil bigla nalang akong niyakap ni Tita Belle. Nagulat naman ako sa ginawa niya.
"Thank you, Fallon...For doing this for my son..." she whispered softly through my ears. "He's in the kitchen."
Marahang tinapik niya ang balikat ko bago sila tuluyang umalis. Ibig sabihin alam na nila ang tungkol sa kasunduan naming dalawa ni Reigan? Alam na nila kung bakit ako nandito at kung ano ang gagawin ko?
I felt my heart twitched in pain when I remember the sadness in Tita Belle's voice habang sinasabi sa akin ang mga bagay na 'yon. Ipinilig ko ang ulo ko. I take a deep breathe to calm my senses.
Naglakad nalang ako patungong kitchen at nakita ko si Reigan na mukhang katatapos lang magluto. He turned off the gas stove and when he turn around were our eyes met with each other my heart started to beat in unwanted rate. My cheeks turn to crimson red when I saw how hot he could be wearing an apron while holding a plate of food on his right hand and a wooden spoon on the other hand. His lips formed a smile. And I can feel my heart absolutely radiating so fast. So fast that I need to close my eyes for a while.
"Good morning, Sweetheart," he said full of energy.
Inilapag niya ang pinggan sa ibabaw ng mesa at agad na lumapit sa akin.
"Go-good morning," nahihiyang bati ko.
This is it! I need to start pretending.
"Ginising mo nalang sana ako para ako nalang ang nagluto ng pagkain natin," malambing na dugtong ko.
I bit my lower lip and my eyes widen in shock when he kiss me on my cheeks. Nag-angat naman agad ako ng tingin.
"Let's eat," nakangiting sabi niya.
Isang marahang tango nalang ang naisagot ko. Inalis nito ang apron na suot-suot at isinabit sa pinaglalagyan nito. Umupo ako sa bakanteng silya at tumabi naman siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko hanggang sa nagsimula kaming kumain.
I felt ackward.
Kasi noon pinangarap kong mangyari sa aming dalawa 'to.
That he will take good care of me out of love not like before na pinaghahanda at sinasabayan lang niya ako sa pagkain dahil sa obligasyon niya sa akin at sa kasunduang namagitan sa amin.
"Pagkatapos nating kumain, gusto mo bang pumunta tayo sa rancho?" basag nito sa katahimikan.
Nag-angat naman ako ng tingin at agad na bumaling ang tingin ko sa kanya.
"Oo naman," sagot ko.
I smiled to him. Binalingan ko nalang ulit ang pagkain ko. Namayani ulit ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Damn! What should I need to say after this?
Tatanungin ko ba siya kung okay lang siya o kamusta na siya?
"Ahmm, Fallon."
Nag-angat naman agad ako ng tingin dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko
"Bakit?" tanong ko.
Kitang-kita ko ang pamumula ng pisngi niya at muntik na akong mapamura dahil doon.
"Ahmmm, wala nalang pala," biglang bawi niya.
Nangunot naman ang noo ko at ipinagpatuloy ko nalang ang pag-inom ng tubig.
"Ilang anak ang gusto mo?" biglang tanong niya.
Muntikan na akong mabilaukan sa iniinom kong tubig dahil sa tanong niya.
"Just kidding ang seryoso mo kasi," natatawang sabi niya. Tinignan ko naman siya nang masama. Biglang sumeryoso ang mukha niya.
"Pero sa totoo lang, I want to have twins with you. Gusto ko sana lalaki at babae," he said hopefully. He take a deep breathe and look at me. "But I guess, I will just accept that it won't ever happened."
He formed a sad smile bago binalingan ang pagkain nito.
"Kumain na nga tayo," he said instead.
Hindi naman ako nakaimik dahil sa sinabi niya.
Pangarap ko rin 'yon noon, Reigan. Para sa ating dalawa. Pero alam kong hindi na pwedeng ibalik kung ano man ang noon sa ngayon.
Dahil hindi na pwede.




**********************
MABILIS lumipas ang oras. Pagkatapos naming kumain kanina ay nagtungo agad kami sa rancho. Sumakay kami sa mga alaga nilang kabayo hanggang sa makarating kami sa butterfly garden na pagmamay-ari nila. Nagtungo rin kami sa Hacienda del Rio upang puntahan ang napakalawak na plantasyon ng mga iba't-ibang uri ng bulaklak.
I was having fun althroughout our journey together.
I know I'm going to miss this feeling....
"Reigan, bilisan mo diyan!" natatawang sabi ko habang nakalusong sa tubig.
Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa pool area na malapit sa rancho nila. May isang malaking resthouse kasi rito kung saan tumutuloy ang mga bisita.
"Oo, teka lang at aayusin ko lang 'tong gamit natin," sigaw nito pabalik.
Napapailing nalang ako at mas lalong lumusong patungo sa gitna ng pool. When I turned my sight on Reigan's direction halos manginig ang tuhod ko nang makita siya. Paano ba naman kasi he is already topless!
Damn that brute for having such a perfect abs!
Tumakbo siya patungo sa kinaroroonan ko at kitang-kita ko kung papaano mag-flex ang mga muscles niya sa katawan.
Sa sobrang kakapantasya ko sa katawan niya ay hindi ko manlang namamalayang nakalapit na pala siya sa kinaroroonan ko.
"Huli ka!" natatawang sabi nito at agad na pumulupot ang kamay nito sa bewang ko.
Hinampas ko naman ang balikat niya.
"Reigan, ano ba!" tili ko nang bigla niyang sinabuyan ang mukha ko ng tubig.
Napahawak naman ako sa balikat niya at pareho kaming natigilang dalawa.
We look into each others eyes. And in a split of a second I felt his lips brush on mine. Mariing ipinikit ko ang mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang malalambot na mga labi nito. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa sobrang bilis nang pintig ng puso ko.
The tenderness of his lips...
The gentleness of his kisses...
It made me lost all my control and emotions.
We were out of breath when the kiss ended. Hinawi niya ang buhok na tumabing sa mukha ko at marahan niyang tinitigan ang mga mata ko.
"Thank you, Fallon," he uttered softly.
He smiled to me genuinely. Halatang-halata ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata.
He planted a quick kiss on my lips once again and carressed my cheeks softly.
"Do you have any idea what's the event today?" he asked all of a sudden.
Umiling naman ako sa sinabi.
"It was supposed to be our anniversary today. The same day I left you hanging because Charlotte already wake up from coma."
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
Oo nga! Bakit ko ba nakalimutan 'yon?
"But thank you anyway for making this day special for me kahit ako lang 'yong nakakaalala."

-
♡lhorxie

MD 4: Selfish Attachment (1st Generation) ✔Where stories live. Discover now