Chapter 23

94.7K 2.4K 216
                                    

.

"The right man will never take
your love for granted. He knows
only a fool will gamble with something
so precious and rare"
~Mr. Amari Soul~

🍎

MALI. ALAM KONG mali subalit sinasabi ng katawan ko na tama. My body feels like it's wrapped in the right arms of someone. At kay Yro ko lang nararamdaman ang ganitong pakiramdam.

Mahina akong napaungol nang maramdaman kong ipinasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ko. "Yro.." Hindi ko napigilang singhap nang kagatin niya ang pang-ibabang labi ko.

My body is on fire and it's aching badly for Yro's touch. No one can ever make my body feel this much pleasure other than Yro. Kahit halik lang, ang lakas na ng epekto sa katawan ko. Nalalasahan ko rin ang alak na nainom niya kanina doon sa party.

Dumiin ang paghapit niya sa baywang ko kasabay ng paglalim ng mga halik niya. Hinahalikan niya ako na para bang ito na ang huling beses na mangyayari ito. Na para bang uhaw na uhaw siya sa halik. Napasabunot ako sa buhok niya ng bumaba ang mga halik niya sa baba ko pababa sa leeg ko.

Puno ng silakbo ng damdamin at init ang mga halik ni Yro. At dala nito ay panganib sa pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya dahil mas pinapaalab nito ang apoy na pinipilit kong pigilan. Pero maaari bang kahit ngayong gabi lang, uunahin ko muna ang pagkarupok ko?

Naalala ko yung sinabi ni Gavin bago siya umalis. Stay fearless. Gavin, I can't be fearless right now. Dahil ngayon, mahina ako. Mahinang-mahina.

"Briane..." Paos na sabi ni Yro bago muling siniil ng halik ang labi ko. Tumugon agad ako at naramdamang parang wala na siyang balak tumigil.

"Briane, anak?" Dun lang ako napatigil nang marinig ang boses ni Mama na tinatawag ako mula sa ikalawang palapag.

Humigpit and pag-ikot ng mga kamay ni Yro sa baywang ko kaya alam ko na narinig niya din pero patuloy ang paghalik niya sa labi ko. "Yro stop.." Pinaglandas ko ang mga kamay ko sa magkabilang pisngi niya at tinitigan siya sa mukha pero iniwas niya ito.

"Hmm..." He suddenly groaned and burried his face on my neck. Bigla akong nailang nang maramdaman ang init ng hininga niya roon.

"Yro, you're tipsy" It was a clean statement. Tingin ko ay medyo napadami ang inom niya noong umalis kami ni Gavin. I may be not sure dahil hindi ko nabilang kung ilang bote na naman ang nainom niya pero tingin ko ay medyo naparami ang tinungga niya. "Hindi ako lasing" Matigas niyang sabi.

Natawa ako at pinaglaruan ang buhok niya dahil mas isiniksik niya pa ang mukha niya sa leeg ko. "Hindi ka nga lasing. Medyo lang"

I heard him groan and I let out a loud gasp when I felt him bite my neck. "Yro Qazvin!"

He chuckled and I felt soft lips on the spot he just bit before he pushed his face on my neck again. "Let's stay like this until morning" Parang batang sabi niya.

"Briane! Anak?" Mas lumalapit na ang boses ni Mama. Tumawa ako.

"Sa kusina po 'Nay!" Sigaw ko. I heard Yro groan. "Pa'no ba 'yan? Di na matutuloy ang until morning mo?" I teased and he hugged me tighter. Nailing na lamang ako habang may ngiti sa labi at mahinang tinapik ang balikat niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Playboy Game Changer (REVISING)Where stories live. Discover now