Chapter 8

118K 3K 214
                                    

AUTHOR'S Note. IMPORTANT.

"Nurses keep the hospital running"

I forgot to mention, these words were stated by one of the professional doctors around. These words were actually said by Dr Mikhail Varshavski who is also called as Doctor Mike. He's a Russian-American celebrity doctor who's living in New Jersey. I got his quote from his previous youtube reaction about one of the series of Grey's Anatomy. He's a real doctor and he actually stated that. Coming from a real doctor who handles patients, orders nurses, and works in a hospital first-hand, I won't have anything to say any more about the thing that nurses do keep the hospital running.

To my active readers, silent readers, here's the next chapter for you :)

So, let's start this.

I promise to be your strength
Whenever you fall weak
I promise to be your voice
When you can't find the words
~Emily Thruston~

🍎

SAGLIT kong hinilot ang sentido ko at napasandal sa locker. Kakatapos lang ng shift ko at pauwi na ako. Kanina, nagyaya si Hector na mag-dinner sa labas. Napag-isipan kong puwede naman dahil makakalibre din ako ng pang-dinner. Kaya lang, umepal na naman si ang malibog na Qazvin na iyon.

Ang feeling niya kanina ha! Ang lakas makademanda ng 'say no to him'. Buwisit! Sino ba siya sa tingin niya?! Tatay ko?! Lolo ko?! Hindi naman diba?

Bumuntong hininga ako at nilagay na sa bag ko ang mga gamit ko. Umayaw ako kay Hector para iwasan ang pakikipagbangayan kay Qazvin dahil alam ko na kapag pumayag ako sa doktor na yon, magagalit na naman si Yro. May pa-galit galit pa na nalalaman. E ako nga, pinagbabawalan ko ba kapag naglalandi siya sa mga kaharot niya? Diba hinde?

Yung mokong na yon, dinner lang kasama si Hector, nagagalit na!

That is so unfair!

Sinabit ko na sa balikat ko ang bag ko tsaka na ako naglakad palabas ng locker room.

"Briane!"

Tipid akong ngumiti sa kakalapit lang na si Hector. "Uuwi ka na?"

Tumango ako. "Gusto mo bang ihatid na lang kita?"

Nag-alangan akong umiling. 'Di rin kasi naman ako sure kung andun na sa labas si Yro. O baka naman nakikipaglampungan na naman iyon sa isa sa mga babae niya at baka nalimutan niyang susunduin niya ako ngayon. But well, never namang na-late si Yro na sunduin ako. So baka andun na 'yon.

"May sundo na ako. Salamat na lang"

Ngumiti ulit siya sa akin kaya kita ang dalawang malalalim niyang dimples. Sa totoo lang, gwapo rin itong si Hector. Kaya nga lang, hindi siya yung tipo ko. Basta ganun.

"Maybe next time then?" He grinned.

Ngumiti ako. "Next time"

Hindi ako nilubayan ni Hector hanggang sa maayos akong nakalabas ng ospital. Saka lang niya ako iniwan nung nagpasalamat ako sa kanya.

Ilang segundo pa lang ay namataan ko na ang kotse ni Yro sa di kalayuan. At hindi ko naiwasan ang basta pagtaas ng isang kilay ko nung mapansin ko ang bulto niya na nakasandal sa kotse niya habang matiim na nakatingin sa akin.

Hindi na naman maganda ang templa ng mukha niya.

"Bakit ka na naman nakamukmok riyan? Ampanget mo ha"

The Playboy Game Changer (REVISING)Where stories live. Discover now