Chapter 5

136K 3K 99
                                    

You see all my dark
You see all my light
You're always by my side
Even when I'm not right
~Tori Beals~

🍎

"IYA NGA!"

"Wag mo kong paunlakan riyan sa mga panunukso mo kasi baka hindi na talaga ako makakapagpigil at ipasakmal kita sa buwaya ni kingkong!" Naiinis na sigaw ni Thea kay Iya dahil kanina pa talaga nito hindi tinatantanan si girl sa paksang tungkol sa lalaking mahahanap niya na magmamahal sa kanya. They're actually teasing her about her love life.

Ngumiti ako. Gusto kong matawa sa nakikita ko ngayon sa may harapan ko. Kumpleto kasi sila ngayon at tiyak kong magiging magulo at sobrang ingay na naman ang gabing ito. Bukod sa prowebang ang wild nila, hindi maitatangging pabor din sila sa alak. Minsan ko lang kasi silang makitang magkakasama at kapag magkakasama sila, hindi pwedeng walang mangyaring masama. Meron at merong hindi magandang mangyayari lalo pa at mag-iinoman sila ngayon. Malaya silang mag-inuman kasi pinayagan sila ni Tita Reena at Tito Kiel.

"Inisin ka naman masyado! Kita mo si Dark oh!" Sabay turo niya kay Dark. "Tahimik lang sa tabi! Ikaw ang daldal mo!" Nanunuyang tawa ni Iya. Napatingin ako kay Dark at umangat ang sulok ng labi ko nang mapansin kung papaano niyang titigan ng mariin si Thea habang tumutungga ng alak. Si Thea naman eh napa-iwas ng tingin nung magtagpo ang tingin nila.

Buti pa at napigilan kong matawa sa nakitang ganapan na iyon. May something eh! Pfft!

"Iya nga! Wag mo ngang iniinis si Thea! Kita mong naiinis na yang kaibigan natin eh! Bitter na nga iniinis mo pa" pagtatanggol ni Caileen kay Thea pero ang bagsak nun ay ang pagsabay namin ng sinabi niya. Tinbig ni Thea ang kamay ni Caileen nang hagudin nito ang likod niya na para bang act of comfort. "Pakyu fren! Pinagtatanggol mo ba ako o iniinsulto?"

Lahat ay mas lalong natawa bukod na lang kay Hunter na blanko lang ang tingin at walang pakialam sa paligid niya. Sinulyapan ko naman si Yro na nasa tabi ko lang. He's drinking another bottle of beer.

"Huwag kang iinom ng marami, Yro" Bulyaw sa kanya dahil umingay rin ang paligid. Nagpatugtog na kasi sila.

Parang bata siyang tumango.

Tumingin ako kila Red at Gavin saka naningkit ang mga mata ko dahil sa nagpabuga sila ng usok galing sa hinihithit nila na sigarilyo. Inis ko silang tinignan. "Kung balak niyong sirain ang mga baga ninyo, spare us! Magtigil nga kayo! Ang baho ng sigarilyo niyo!" Pero imbes na makinig, nagawa nilang tumawa kaya mas lalo akong nainis. They shrugged when I glared at them.

Wala na akong pakialam kung manigarilyo sila, basta itong si Yro, hindi puwede. Subukan niya lang maging matigas ang ulo, ako na mismo ang sisira sa baga niya.

"Let them.. Sunog rin kasi ang love life ng mga yan, tulad ni Thea" Sabay baling ni Caileen sa kaibigan namin na ngayon ay nagtaas ng gitnang daliri.

Napailing na lang ako. "Si Yro, under sa bestfriend niyang si Castellera. Sure ka bang magkaibigan lang kayo?" Tila nanunuya ang boses ni Red. Simangot lang ang isinagot ko. Si Yro naman, walang komento. Pero naramdaman ko ang pasimpleng pag-akbay niya sa akin. Sumulyap ako sa kanya pero hindi nagtama ang mga mata namin dahil diretso ang tingin niya.

"Pare, kelan alis mo papuntang isla mo?" Rinig kong tanong ni Trace kay Killion na malamig umiling. "Maybe tomorrow. But I'll be back shortly"

The Playboy Game Changer (REVISING)Where stories live. Discover now